KISH
KAGAYA NG PLANO nagpasa ako ng requirements na kailangan sa trabaho. Mas lalo ko ring nakilala ang mga babaeng nakatira sa bahay na iyon, maliban lamang sa isa sa kanila. Hindi naman ako madalas makipag-usap sa kanila, basta't nakaupo lang ako at tumatawa kapag may nakakatawa sa mga pinag-uusapan nila.
SA WAKAS, dumating ang araw ng unang pasukan ko sa opisinang pagt-trabahuan. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin, parang pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko pagkagising ko ng umagang iyon. Alas-otso ng umaga ang pasok ngunit alas-sais pa lamang ay nakaligo na ako at nakakain.
Pasok ako bilang isa sa mga Designer's team assistants. Hindi ko alam kung gaano kahirap o kadali ang gawain dito, kumpara noong nagtatrabaho pa ako sa kumpanya ni Lucy. Madali lang naman ang gawain doon dahil mga awtomatik na mga makina ang gamit. Matapos isipin ang mga posibilidad na mangyayari ay nakangiti akong bumaba matapos suotin ang pares ng brown polo suit ko.
"Wow!" Mga manghang mga mata kaagad ang aking nabungaran kahit nasa hagdanan pa lamang ako. Naroon ang lahat, maliban sa isang masungit na si Danica. "Ate... este Kuya, Wow! You look so macho!" Pasigaw na wika ni Zyra at ngumiti nang pagkalawak-lawak. Nagsipagtanguan naman ang lahat sa sinabi nito.
Ngumiti ako nang may confidence, "Wow, salamat sa mga papuri." tugon ko naman sabay tawa nang pahapyaw.
"Kuya Kish, aja? Kaya mo 'yan and good luck." aniya habang nakamuwestra ang dalawang kamay sa ere. "Pero..." bigla niyang dugtong. "...wag kang swapang sa chixx doon. Madami pa namang sexy at magaganda doon. Baka magselos ang girlfriend mo." anito nang nakanguso na nakapagpatawa sa akin kahit awkward na sa loob-looban ko.
"Wag kang maingay. Dadamihan ko talaga." tugon ko na lamang sabay tawa.
"Hala! Oh my ghad! Don't tell me, you're doing it talaga?!" Aniya na nakapagpatawa sa akin nang malakas.
"Ako na lang kaya jowain mo, Kish, I'll be gentle with you." sabat bigla ni Celine matapos ay bigla siyang sinapak ni Alma sa braso. "Shut your kitten, Linda. Hindi ka type ni Kish. You wish!" Nakaismid na pagsasalungat ni Alma sa sinabi nito.
"What?" Tila gulat nitong sambit naman. "For your information, I'm prettier than anyone else here and we all know that!"
"Ew... Like duh! What the heck have you been taking these past few days again, Linda? Stop taking cream sticks, you creep!" ungot uli ni Alma dito.
"Huh..." anas na hindi pagkapaniwala naman ni Celine. Mayamaya ay masama na ang tingin nila sa isa't isa na ikinaismid ko sa pangamba, matapos ay nagpatuloy ang debatihan.
Narinig kong natawa si Zyra na nasa tabi ko na pala, sabay iling. "Masanay ka na. May mga sapi talaga 'yang mga 'yan." wika nito. Inilapit niya ang mukha sa akin at bumulong. "Tingin mo..." aniya sabay lingon sa dalawang walang tigil sa bangayan, at ibinalik muli sa akin ang mata. Ngumiti, "...sino sa aming tatlo ngayon ang tingin mo pinakamaganda?" Aniya sabay kurap-kurap ng mata.
Naubo ako at payukong tumawa. "Hm.. Magaganda kayong lahat sa kung ano sa tingin niyo ang maganda sa inyo. May kaniya-kaniya tayong taglay na ganda, kaya wag niyo ng pagbayangan 'yan." kunwari ay maawtoridad kong tugon.
Nang marinig nang dalawa ay tumigil naman sila subalit nag-ingusan pa rin. Napapailing na lamang ako. "Okay. Wala pa ba si Nay Emma?" Tanong ko dahil balak kong magpaalam.
"She's not here./Nasa palengke." magkasabay na sagot ni Celine at Alma, matapos ay nagpasamaan bigla ng tingin.
"Ah... Sige. Pakisabi na lang na umalis ako para magtrabaho."
"Okay-" sambit nila pareho ngunit pareho ring tumigil at muli ay magsukatan ng tingin. "Why are you copying me?" Sigaw ni Alma sa isa. "No, of course not. Ikaw ang gumagaya sa'kin, no?!" Sigaw pabalik ni Celine sa kaniya. Hanggang sa nagbangayan muli silang dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/147830582-288-k398072.jpg)
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
General FictionCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...