Danica's
NANG marating ang conference hall. Umupo ako sa kanang-unahan nang tahimik. Hinihintay pa ang ibang officers na dumating.
Napatayo ako sa kinauupuan nang dumating ang presidente ng kumpanya, hindi lang siya kundi ang kaniyang sekretarya at isang babaeng hindi ko kilala. Ito na siguro ang tatayong CEO mula ngayon. Sopistikida ang dating at mukhang may pagka-istrikta, pero nang ngumiti ito... mukhang mabait naman. Para siyang isang modelo. Iba talaga ajg nagagawa ng pagiging mayaman.
"Magandang umaga." halos sabay-sabay naming sambit nang makatayo.
"You may sit." tugon sa amin ng Presidente at sila naman ay naglakad papunta sa unahan. "My secretary may already have told you about what's the meeting about today, am I right?" Panimula nito.
"Yes, Sir." halos magkapanabay din naming tugon.
"You might have noticed this lady beside me." Anito at hinarap ang babaeng tahimik lang at ngumiti. "She's going to be your boss from now on. In fact, our in-charge CEO." anito nang humarap sa amin at muli ring humarap sa babae. "Ms. Tatum?" Tawag niya sa babae upang anyayahan itong humarap sa amin.
"Thank you, Mr. President." pagpapasalamat nito sa presidente at humarap sa amin. "Good day, everyone. I'm Elissa Tatum and also your new CEO. I hope from this moment on we'll do our best and always work as a team. Let's make more deals altogether." nakangiti nitong sambit sa palakaibigang mukha.
"Yes, Ma'am. We will do our best! Right, guys?" si Freddie, mula sa finance department.
"Yes, Ma'am, we will." sagot nilang lahat. Dahil hindi ko alam ang sasabihin ay tumango na lamang ako sa dulo.
Napatuon na ang tingin ng babae sa akin at nangunot ang noo. Bigla naman akong kinabahan dahil baka na-disappoint siya sa hindi ko kaagad pagtugon. Humawak ang babae sa ulo at umiling na tila ba nasasaktan. May ibinulong ito sa presidente at tumango naman ang huli.
"Alright, people. That would be all for now." anunsiyo nito sa amin mayamaya at sumenyas sa secretary niya. "All the files that will be handed out to you are the announcement of the position promotions. Good luck!" At agad din silang umalis.
PAGKARATING SA OPISINA ay agad kong inanunsyo kung sino-sino ang tumaas ang posisyon. Nasa tatlo sila at agree din naman ako doon. Hindi man ako kasama sa mga na-promote, okay lang, dahil masaya naman ako sa trabaho't posisyon ko.
Naging busy ang buong umaga. Nagdagsaan ang iba't ibang design, na minsan lang noon nangyari. Mabilis lumipas ang oras na hindi ko na napansin ang oras.
"Ma'am, lunch na po." tawag-pansin sa akin ng ka-team ko na si Susan.
Tiningnan ko ang oras bigla at napahinga nang malalim. Hindi dahil hindi ko napansin ang oras, kundi dahil sa tinawag ko sa kaniya. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo, Susan, na wag mo 'kong tinatawag na Ma'am?" Ani ko't tinalikuran siya upang ayusin ang mga nakakalat na designs.
Narinig ko lamang itong humagikhik sabay alis. Napapahinga na lamang ako ng malalim. Matapos kong iligpit ang kailangan ay agad kong hinarap ang bag kung saan naroon ang baon ko. Napatingin ako sa kawalan at napaisip, 'kumain na kaya ang batang 'yon?' sambit ko sa isipan habang nasa imahinasyon ang mukha ni Boboy. 'Ah... Malaki na 'yon para pabayaan ang sariling magutom.'
Kinuha ko ang baon at naglakad patungo sa canteen. Maingay ang canteen at puno ng tao, pagkaupo ko sa sulok ay agad kong binuksan ang baon. Adobong manok at kakaunting kanin.
"Wow, Leader, mukhang masarap a! Puwedeng makihingi?" Sambit ni Susan na walang pasintabing umupo sa harapan ko. "Paborito ko ang adobo. Bibigyan din kita nitong ginataang langka na nabili ko diyan. Perfect silang iparis, promise!"
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
Genel KurguCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...