KISH POV
Kasalukuyang tumatawa si Georgina habang nakabusangot ako. Sino ba naman daw kasing tao ang walang alam tungkol sa facebook? Kaya kung makatawa siya ngayon parang gusto ng lumuwa pati ngalangala niya.
Natapos ko nang ilagay lahat ng impormasyon ko at ngayon naman ay pinag-iisipan kung ano ang ipo-post.
What's on your mind?
"Ipost mo kung ano ang gusto mong ipost? Tutungangaan mo na lang ba 'yan?" Natatawa niyang puna. "Oy, i-friend request mo 'ko." dugtong pa niya.
Pinangunutan ko lang siya ng noo at tumalikod sa kaniya. "Manahimik."
Linggo kaya walang pasok. Kasalukuyan kaming nakahiga sa kama niya habang nagpapaikot-ikot ang electric fan na may yelo sa tapat, para mabawasan ang init kahit paano.
'Ano nga ba ang ipo-post ko? Kung ano ang nasa isip ko? Hey, Jhayce, ikaw lang ang nasa isip ko nitong nakalipas na linggo. Is that it?'
Huminga ako nang malalim at tumayo mula sa pagkakahiga sa kama.
"Saan ka pupunta?" Agad namang tanong ni Georgina.
Tiningnan ko siya sa pasarkastikong-ngisi, "Pati sa cr gusto mong sumama?" pero sa kusina lang naman ako pupunta dahil nauuhaw ako. Ngumisi siya at umiling, "Nope. Nagtatanong lang." sabay labas ng dila niya.
Dala-dala ang selpon habang tinitingnan ito at iniisip kung ano ang isusulat. Nabunggo pa ako sa mesa kaya ibinaba ko muna at kumuha ng tubig. Matapos uminom ay pinagdalhan ko pa siya ng tubig.
"Tubig." kaswal kong sambit at iniumang sa mukha niya.
"May sandwich sa ref. Kinuha mo rin sana, gutom ako, e." nakaguso niyang sabi.
"May paa ka, maglakad ka. May kamay ka, kunin mo mag-isa." ani ko at agad na ibinagsak ang katawan sa kama niya.
Naramdaman ko siyang tumayo at agad akong pinalo sa paa matapos ay kumaripas ng takbo habang tumatawa. Napailing na lang ako at ibinalik ang mata sa selpon.
'Ano kayang magandang isulat?'
Mayamaya'y napangiti nang may pumasok na ideya sa isipan.
'Tula? Para hindi boring.' kagat-labi pa akong nagsulat.
Kish De Guzman
Nitong nakalipas
Puso'y nag-uumalpas
Tila may kulang at butasPinag-isipan ko muna kung sakto na ba. Nang mga ilang minutong pag-iisip at wala ng maidugtong ay agad kong ipinost. Wala pang friend kaya walang like maski isa.
Dumating mayamaya si Georgina, dala ang naka-tupperware niyang sandwich.
"Gusto mo?" Alok niya sabay kagat sa hawak niya.
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
General FictionCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...