KASALUKUYAN ang lahat na nakaupo sa hapag-kainan. Parang may piyesta sa dami ng mga putaheng nasa mesa. Pinapakiramdaman ko lamang ang paligid habang nakangiti sila kung tumingin sa akin.
“Hi! I'm Lloyd.” unang pagpapakilala ng lalaki na tingin ko'y hindi nalalayo sa akin ang edad. Tumayo pa ito sa kinauupuan nito at umikot. Inilahad ang palad sa akin na inabot ko naman, ang ikinagulat ko lamang ay nang dalhin nito sa mga labi ang aking palad.
“Bro!”
Si Ms. Tatum na agad lumapit sa akin upang hablutin palayo dito ang kamay ko. “She's not someone you can just kiss without her consent.” dugtong nito kaya napatingin ako sa kaniya.
Pinunasan niya ang likod ng palad ko na hinalikan ng lalaki matapos ay bumalik na sa kinauupuan nito.
Rinig ko ang pagtawa ng lalaki. “Chill, Elissa. It's not even a real kiss. Why make it a big deal?” anito at tumawa uli.
Nakatingin lamang ako sa kanilang pagtatalo. Hindi alam kung ano ang ipapakitang reaksyon. Pakiramdam ko tuloy ay para akong hindi nag-e-exsit.
Tumikhim ang lalaki na tingin ko'y Ama nila, ganoon din ang ginawa ng babaeng tingin ko'y asawa naman nito.
“Alright now, kids. Let's eat first bago simulan ang diskusyon.” awat ng babae matapos ay nginitian ako. “Hija, don't mind them. Just eat until you're full. Don't be shy. Treat us like we're your family also.” tila sinsero naman nitong wika.
Ngumiti lamang ako at tumango. “Thank you po.” tugon ko na lamang kahit maraming naglilikot na katanungan sa aking isipan.
Napatingin ako kay Ms. Tatum. Naipinid ko ang nakangiting labi dahil sa uri ng pagmasid niya sa akin. Marahan ko na lamang na kinuha ang kutsara't tinidor upang simulang kumain.
“Here. Eat a lot.”
Napatingin ako kay Ms. Tatum atsaka sa inilagay niyang gulay sa aking pinggan. Sinsero akong ngumiti dito at nagpasalamat.
Ilang minuto matapos ang pakiramdam ko'y awkward na hapunan ay agad silang nagyaya na sa sala na nila mag-usap. Kumabog tuloy bigla ang dibdib nang walang dahilan. Para bang may sasabihin silang hindi ikatutunaw ng kinain ko ngayon-ngayon lamang.
Nakita kong umakyat sa magarang hagdanan nila ang nagpakilalang Lloyd kanina. Hindi naman ito pinigilan ng magulang, kaya palagay ko ay hindi ito kasali sa magiging pag-uusap.
Kaming apat na lamang ang natira at kasalukuyan nakaupo sa sopa. Magkatabi kaming naupo ni Ms. Tatum at ang mag-asawa nama'y sa kabila. Nakangiti si Mrs. Tatum samantalang hindi mababasa ang ekspresyon ng kaniyang asawa.
“So, Hija, tell me... How old are you?” Para bang curious nitong tanong bilang panimula.
Napalunok ako nang lihim sabay madaliang sinulyapan si Ms. Tatum. Maski ito'y naghihintay sa magiging sagot ko dahil sa paraan ng kaniyang tingin.
“I'm twenty-five years old po, M-Ma'am.” sagot ko't bahagya pang nautal.
Tumango-tango ito't ngumiti, “Elissa here is twenty-seven. Hindi nagkakalayo ang edad ninyo.” aniya. “I am so happy to have Elissa as my daughter even though we're not blood related.” dugtong nito na ikinatango-tango ko.
Nagtataka man ay minabuti ko na lamang na makinig. Isa lamang akong assistant at walang kinalaman sa family affair nila. Isang malaking katanungan talaga sa akin kung bakit ito ang paksa namin ngayon. Wala naman kasing kaso sa akin kahit ano pa ang negative background ni Ms Tatum, ang mahalaga doon ay hindi siya galing sa isang masamang pamilya.
“Few years ago—”
Natigil ang kaniyang sasabihin nang bumukas ang pintuan. Bumungad sa aming lahat ang babaeng nakasuot ng itim na kasuotan. Parang pangarera ang suot nito, may bitbit pang helmet sa kanang kamay.
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
General FictionCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...