KISH POV
"Kumusta first day?" Agad na tanong ni Georgina nang makalabas ako sa restaurant. Hinintay niya akong mag-out kahit na alam niyang matatagalan ako sa paglilinis.
Huminga ako nang malalim at inabot ang kaliwang kamay niya sabay tingin sa relo. Alas diyes na ng gabi at para namang ipinapaalala ng tiyan ko na kailangan ko ng kumain, dahil sa pagkalam niyon. Hinimas ko iyon at napangisi kay Georgina, "Ito gutom." nasabi ko na lang.
"Gusto mo ba sa labas na lang tayo kumain? Gutom na rin ako, e. Baka hindi na umabot pa sa bahay." aniya nang natatawa.
"Mabuti pa nga."
NARATING namin ang jollibee na hindi kalayuan sa resturant. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi na lang kami pakainin sa restaurant na 'yon. Masyado yatang kuripot ang may-ari na pati ang libreng kain namin, hindi pa ibinigay.
"Ah... Kish?" panimula niya ng usapan habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain.
"Hmm..." tugon ko lang sabay senyas sa kaniya na ipagpatuloy ang kung ano man ang sasabihin.
"Si- mali. Kung... may girlfriend ka na ngayon." aniya.
Inaasahan ko na 'yon. Kumagat muna ako sa fried chicken at ninamnam ang lasa niyon. Hindi talaga nakakasawa. Habang tumatagal lalong sumasarap ang lasa. Kung ano ang bango ng amoy ay ganoon din kung nguyain.
"Sa tingin mo, ano ang secret recipe nila dito sa spaghetti at fried chicken?" Tanong ko. Tuluyang kinalimutan ang tanong niya kanina. Hindi naman masyadong mahalaga iyon at baka kung saan pa mapunta, kung sakali.
"H-Ha? A-A.. Ewan. Di ko alam." aniyang tila hindi inaasahan ang lalabas sa bibig ko.
"Ha? Hanap ka ng boyfriend mo." sambit ko ulit at kinain ang litid ng pakpak. Napapikit ako nang maramdaman ang lambot at tunog niyon sa bibig ko.
"Wala akong boyfriend, Kish!" Mabilis niyang sambit habang nakakunot-noo.
Ikinibit-balikat ko lang iyon at ipinagpatuloy ang masarap na hapunan.
Hanggang sa matapos kaming kumain ay kapwa kami walang imik. Maliban na lang siguro noong pauwi kami, dahil nagpaalam siya na magba-banyo muna.
Habang nasa daan at nag-aabang ng dyip na daraan ay palingon-lingon siya sa akin na para bang may nais itanong, pero hindi alam kung paano sabihin.
Tumikhim ako t inayos ang damit, "Si Jhayce, kahit na wala siya ngayon dito..." huminga ako nang malalim at tiningnan ang madalim na kalangitan. "... Mahal ko siya. At kung sasabihin mo kung puwede nating ibalik ang nakaraan para maitama ang pagkakamali mo? Hindi puwede. Kasi kung magpapanggap ako na mahal kita kahit hindi naman talaga... Parang niyayakap mo lang ang rebulto ko. Ayaw kong gawin iyon dahil naaawa ako sa 'yo." matapos ay ngumiti sa kaniya. Hinawakan siya sa balikat at sinuyod ng tingin ang mukha niyang maganda. "Gusto kong saktan ka at iparamdam sa 'yo na hindi kita gusto, habang maaga pa. Para mahanap mo ang taong talagang para sa 'yo."
Matapos kong sabihin iyon ay tila gumaan ang pakiramdam ko. Gusto kong maiyak sa tuwa dahil sa nangyayari. Hindi ko akalain na ganito pala talaga kakapangyarihan ang pag-ibig. Ganito ko pala talaga kamahal si Jhayce.
Ngumiti siya nang may lungkot sa mata at niyakap ako. "Puwede ba kahit sandali, maiparamdam ko naman sa 'yo kung ano ang tunay kong nararamdaman?" Aniyang ikinapagtaka ko.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tumitig sa mga mata ko. Para akong naliliyo sa nakalulunod niyng mata, gusto kong lumayo pero hindi ko magawa. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa 'kin at nanlaki ang mata nang dumantay ang labi niya sa labi ko. Kumabog ang puso ko.
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
Ficción GeneralCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...