KISH POV
NATAHIMIK ako sa sinabi niya. Oo nga. I am only her boss and nothing else. Nanatili ako sa aking kinauupuan habang nakatingin sa isang partikular na kahon. Natatandaan ko na doon ko isinusulat ang mga gustong sabihin kay Jhayce. My unsaid feelings, short poems at kung ano-ano pang maisip kong isulat noon. Atsaka ako napatingin kay Danica, 'Nabasa niya na kaya ang mga nakasulat doon?'
Tumayo ako at dahan-dahang kinuha iyon. Bumalik ako sa pagkakaupo at inilagay ang kahon sa aking hita sabay buntong-hininga. Para akong tanga noon pero at the moment, wala akong ibang makapa sa puso ko kundi kawalan. Para bang panaginip lang ang mga naganap noon, na mas gusto kong mangyari. Hindi ko masabi kung ano ang totoong lugar ni Jhayce sa puso ko sa kasalukuyan.
Binuksan ko ang kahon at parang sunod-sunod na alaala ang nagdagsaan sa isipan ko. The pain, the sadness at lahat ng masasayang alaala ko kasama si Jhayce. Napangiti ako habang tinitingnan ang napakaraming sticky notes at papel na pinunit at sinulatan. Kumuha ako ng isa at binasa ang isinulat ko doon:
To my dearest friend (Jhayce)
Ang tanga-tanga mo pakshet! Bakit hindi mo man lang makita na iba na ang trato ko sa'yo? Bakit hindi mo ako makita bilang shota mo imbes na best friend lang? Nakakainis! Parang gusto kong talupan ng buhay ang mga manliligaw mo!Natawa ako. Walang petsa na nakalagay pero natatandaan ko na isinulat ko ito noong fourth year high school na kami, noong mas lalong dumadami ang manliligaw ng dalaga.
Bumuklat ako ng isa pa:
Jhayce
Mahal talaga kita pero hindi ko masabi. Please break up with Jerich kasi nakakaselos talaga. Makadikit sa'yo ang ogag parang kulang na lang iuwi ka sa bahay. Ipapa-salvage ko talaga ang siraulo na 'yan.Isang mahinang tawa ang napakawalan ko matapos basahin iyon. Sobrang corny na gustong mangasim ng mukha ko. Napahinga muli ako nang malalim matapos ay ibinalik iyon. Kumuha ako nang isa hanggang sa dumadami na ang aking nababasa. I was so damn inlove with her na sobrang hinahangaan ng kasalukuyang ako.
Five years had gone by and I feel like a change person. Hindi ko na rin minsan makilala ang sarili kapag nakaharap sa salamin. Am I still Kish De Guzman or Elissa Tatum? Parang gusto ko na lang manatili sa kasalukuyan at talikuran ang nakaraan.
Napatingin ako sa nakahigang si Danica. May kung anong lambong na bumalatay sa aking mukha. '... but, Danica was also part of my past.'
Parang nanikip ang dibdib ko nang maalala iyon. What happened? Bakit ko siya nakalimutan? Ang pagkakaalam ko ay si Jhayce ang pinakaunang nakilala ko. I didn't know, Danica has a special place in my heart as well. For an unknown reason, I felt guilty and sorry for her. Pero, napakatagal na niyon. Siguro this Tristan, na nasa bahay ngayon ang bagong nagpapasaya sa kaniya.
Tumayo ako at marahang ibinalik ang box sabay lakad patungo sa kinahihigaan ng dalaga. Napangiti ako. Tama nga ako, tulog siya.
Umupo ako sa kama. Siniguradong hindi siya magigising. Pinagmasdan ko ang bawat sulok ng kaniyang mukha at napangiti. Ang laki ng ipinagbago niya.
Ang sweet niya noon at parang makahiya na bigla na lang titiklop kapag mahawakan. Pero ngayong nag-mature na siya, tumapang na siya at nagbalak pa na alilain ako, just like I used to do to her back then. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at kinunan siya ng picture. Tatlong picture at agad kong ginawang wallpaper ang isa. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil tila siya batang musmos sa litrato.
Nang matauhan ay agad akong tumayo at pumwesto sa kabila ng kama. Siguro ay iidlip na rin muna ako habang hinihintay na tawagin si Danica mamaya ng Tristan na iyon. Titingnan ko kung ano ang magiging reaksyon ng kaniyang bisita kapag makita ako.
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
Narrativa generaleCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...