NARRATOR'S POV
HUNI NG MGA SASAKYAN ang nagpagising kay Kish, mula sa isang masamang panaginip. Nang bigla siyang tumayo'y biglang may pumitik sa kaniyang ulo kaya napadaing siya sakit.
"Huh!?" Taka niyang inililinga ang paningin sa paligid dahil sa kakaiba nitong itsura, atsaka lamang sumagi sa kaniyang isipan ang nangyari kagabi.
Napapangiti na lamang siya nang mapait sabay tukod ng siko sa hita't nangalumbaba. 'Kailan ba tatahimik ang buhay ko,' pipi niyang kausap sa sarili kasabay ng kaniyang pagtayo.
Tinanggal na lamang niya ang kaniyang mga damit sa maleta at inayos iyon sa maliit na aparador na nakita. Lumanghap siya ng hangin at kahit paano'y nakangiti dahil sa tila pagkawala ng balakid sa kaniyang buhay.
Aminin man niya o hindi, hindi ganoon ka kapanatag ang buhay niya kasama si Lucy. Masaya itong kasama at lahat subalit bilang isang taong lumaki sa hirap ay hindi siya sanay kung gaano ito kagalante at kayaman. Ang nais lamang niya ay ang matanggap siya bilang siya, hindi iyong pi-puwersahin ng kung sino.
Ipinagpatuloy niyang muli ang pag-salansan ng mga damit, ngunit natigil nang may nahulog na kung ano. Nakita niyang wallet iyon kaya agad niyang pinulot. Nang buksan ay agad na bumungad sa kaniya ang mga atm at iba't ibang card at ilang libong pera, na sa tingin niya'y kaya pang bumuhay sa kaniya ng isang linggo.
Napatigil siya sa ginagawa dahil sa katok na narinig, kaya agad niyang binitawan ang hawak at binuksan ang pinto. Tama nga siya ng hinala dahil ang babae iyon kagabi.
"Magandang Umaga." pormal nitong bati habang bahagyang nakangiti. "Kumusta ang tulog?"
"Ayos naman po." maikli niyang tugon. "Kung may kailangan kang mga gamit, heto ang number ko..." anito at may iniabot na papel kung saan doon nakasulat ang number nito. "...tawagan mo ako. At, kailangan ko na ng pera para sa upa mo." dire-diretso nitong saad.
"Ah, opo. Gusto niyo po bang pumasok?" Alok niya sa babae ngunit sinulyapan lang nito ang loob at agad na umiling. "Hangga't maaari ay ibibigay ko sa inyo ang pribadong kailangan ninyo. Kaya hangga't maaari ay sundin ninyo rin ang mga patakaran ko dito, at huwag mahihiyang magtanong. Maliwanag ba?" Anito na kahit paano ay nakapagpangiti sa kaniya.
"Maliwanag po." tugon niya agad. "Kukunin ko lang ang pera." at agad na tumalikod at kumuha ng siyam na libo sa kaniyang wallet.
Nadatnan niyang matiyagang naghihintay ang babae sa tapat ng kaniyang pinto, kaya naman agad niya itong nginitian. "Heto na po ang bayad ko. Ten thousand." aniya't iniabot ang pera rito.
"Areglado! Ngayon, ako'y aalis na muna at mamamalengke. Palaging tandaan, huwag matakot magtanong at sundin ang mga patakaran ko para sa ikabubuti ng lahat." huli nitong sambit matapos ay tuluyan ng umalis.
Bumalik siya sa kama at tila biglang inantok kaya agad niyang ibinagsak ang katawan sa kama na wala pang sapin. Subalit, bilang isang sawi na tulad niya ay hindi na iyon magiging malaking kaso pa. Huminga siya nang malalim at ipinikit ang mata.
'Saan na naman ako magsisimula nito. Nakakapagod na!'
HAPON NA NG SIYA'Y MAGISING, nasabi niya iyon dahil may kadiliman na sa labas. Kita iyon dahil halos isang dipa lang ang layo ng kama sa bintana. Nanlalagkit ang buong katawan niyang agad na hinubad ang suot at hubot-hubad na kumuha ng damit na nakalaylay sa labas ng maleta. Ramdam niya na rin ang pangangalam ng sikmura dahil sa gutom, subalit hindi niya ininda iyon at agad na pumasok sa maliit na banyo ng kuwartong iyon. Pinadaloy niya ang malamig na buhos ng tubig mula sa shower habang nakapikit, ninanamnam iyon. After feeling like drowning from the water ay akma na niya sanang kukunin ang sabon, subalit wala pala siyang sabon o kahit toothbrush man lang.
She groaned in frustration at lumabas ng banyo't kinuha ang tuwalya sa maleta. Nang maibalot ang katawan, kinuha niya ang selpon at ang papel na ibinigay ng babae kanina. Kaagad niyang tinawagan ang numerong naroon, subalit nakailang ring muna ang selpon nito bago sagutin. "Marita speaking, sino 'to?" Anito agad sa kabilang linya.
"Hello po. Pasensiya na sa abala. Ako po ang bagong nagrenta ng kuwarto. Puwede po bang humingi ng tulong sa inyo?" Magalang niyang sambit kahit na nag-aalangan at baka makaabala siya dito.
"Sige, ano iyon?" Tugon lang nito sa kabila.
"Puwede po ba akong magpabili ng kailangan ko dito sa banyo? Nakabuhos na po kasi ako bago ko maisip na wala pala akong gamit." aniyang naiilang.
"Walang problema. Ano ang kailangan mo?" Tila sanay na sanay na nitong ginagawa ang ganoon kaya hindi na ito nagulat o nagalit pa.
"Salamat po. Dove na shampoo at conditioner. Some mild soaps for skin, charcoal toothbrush and toothpaste. Iyon na lang po muna. Dito na lang po mamaya ang bayad." magalang niyang wika.
"Okay sige. Tig-iisa lang ba niyon o isang dosena na?" Tanong nitong muli.
"Tig-iisa lang po muna. Salamat po uli." aniya at agad namang nagpaalam ang kausap matapos nanatili na lamang siyang nakaupo sa kama habang hinihintay ang kailangan.
Lumapit siya sa bintana at napagpasyahang pagmasdan na lamang muna ang mga taong abala sa kanilang ginagawa, habang pinapalipas ang oras.
Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatayo, basta't napalingon kaagad siya sa pintuan ng may kumatok doon. Nang mabuksan ang pinto ay agad na tumambad sa kaniya ang babaeng nakasalubong nila kagabi, na kung tawagin pa nga ay Abigail.
Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis kay Kish at iniabot ang dalang ipinapabili nito. "Sana tama ang mga 'yan." anito at agad niya namang kinuha iyon. "Siya nga pala, I'm Abigail. Sana sumali ka mamaya sa dinner para makilala ka naman namin." dugtong nito habang nakalahad ang palad upang makipagkamay.
' Ipapakilala ko ba ang tunay kong pangalan? O I'll remain King for privacy purposes?' Pipi niyang tanong sa sarili.
Dahil ayaw naman niyang paghintayin ang babae ay agad niyang kinuha ang kamay nito at nakipagkamay dito. "A-Ah, sure. Pupunta ako mamaya pagkatapos kong maligo. Salamat dito, sige." tuloy-tuloy niyang wika matapos ay agad na isinarado ang pinto. Ipinilig na lamang niya ang ulo at hinayaang mamaya na lamang sagutin ang mga magiging katanungan nila.
'I think this is new life then.'
MATAPOS MALIGO ay isang preskong t-shirt at ordinaryong shorts na lamang ang isinuot niya. Nag-ayos ng kaunti at lumabas na ng kuwarto. Kahit kinakabahan ay nagtuloy-tuloy pa rin siya sa pagbaba.
Inaayos niya ang kaniyang buhok nang makarinig siya ng singhapan, kaya naingat niya ang kaniyang ulo at nakita ang lahat na tila tulala sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kaya nanatili siya sa kinatatayuan.
Mabuti na lamang at tumikhim ang babaeng may-ari ng bahay, kaya nakuha nito ang atensyon ng lahat. "Halika na dito at umupo. Pero bago iyon, magpakilala ka muna. Wag kang mag-alala, libre ang hapunan mo dahil bago ka pa lang." anito.
Bahagya siyang ngumiti at lumapit sa bakanteng upuan na malapit lang sa kinauupuan ng babae. "Hi. I'm Kish." simple niyang wika at umupo.
Matapos niya ay sunod namang nagpakilala ang may-ari ng bahay at sabi nito'y tawagin na lamang siyang Nanay o Mama Emma. Mga abala na daw ang mga anak nito sa abroad kaya kahit paano ay gusto niyang makaramdam na may mga anak siya. Sumunod sa kaniya ang anim pa na mga babae na sina, Abigail na disi-otso anyos, Celine na bente anyos, Zyra na disi-otso rin, Danica na ayaw sabihin, Judith na bente-uno, Alma na disi-syete. Lahat sila mukhang friendly, bukod kay Danica na hindi man lang siya tapunan ng tingin.
Habang sila'y kumakain ay kung ano-ano ang itinatanong ng lima. Kagaya ng kung saan siya nakatira, ilang taon na, ilan sa magkakapatid, paboritong kainin at kung may-asawa na siya. Lahat curious at interesado sa kaniyang isasagot kaya sinasagot niya naman iyon kahit paano, kahit hindi detalyadong sagot. Tila walang may alam kung ano ang kaniyang tunay na kasarian.
"Pero, Nay Emma, bakit ka nagpapasok ng lalaki dito? E, di ba sabi mo, dapat babae lang tayong lahat?" Tanong ni Alma na siyang pinakamadaldal sa lahat.
________
BruhangManunulat
Maraming salamat sa pagsubaybay.Facebook: Author. BruhangManunulat
Twitter: _bruha
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
BeletrieCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...