NARRATOR
"P-pasensiya na sa iniakto ko k-kanina." panimula ni Lucy sa gitna ng kapwa nila pananahimik. "Gosh, this is awkward." dugtong niya pa nang pabulong na narinig naman ng huli.
Nang tanungin ni Lucy kung puwede ba siyang mahalikan ay tumanggi siya. Bigla na lang kasing lumitaw sa gunita niya ang eksenang paghalik niya kay Jhayce. Parang pagtataksil ang gagawin niya kung hahayan niyang mahalikan siya ni Lucy, na bago lang niyang kakilala.
Humiga siya sa may sapin nilang puwesto sa dalampasigan, iniligay ang parehong kamay sa likuran ng ulo at pinagmasdan ang kalangitan. Madalim na at marami na ang taong nagsasaya. May nagsasayawan sa gitna ng ginawa nilang apoy habang nakapalibot ang kanilang grupo. Napakasaya nilang pagmasdan. Kahit siguro manuod ka na lang sa kanila ay magiging memorable na ang pamamalagi mo sa resort, lalo na kung medyo loner ka.
***
KISHNaramdaman kong humiga rin sa tabi ko si Lucy at ginawa pang unan ang braso ko na ikinapikit ko. Bakit para siyang temptation na ang hirap i-resist? Napabuntong-hininga ako.
"I'm sorry again, Kish. H-hindi ko naman gustong sabihin 'yon..." umupo siya. "Para ba akong low class bitch sa inakto ko?" aniya uli at dinig kong humikbi siya.
Agad akong nataranta nang marinig 'yon. Hindi naman kasi ganoon ang iniisip ko sa kaniya. Hinawakan ko ang likod niya at hinimas iyon. "Lucy..." malumanay kong sambit. "Hindi ganoon ang tingin ko sa 'yo. Siguro nabigla ka lang at naiintindihan ko naman iyon kasi maski ako, nabigla rin." marahan kong wika sabay hawi ng mahaba niyang buhok. "Hindi na ako magtataka na ma-tempt kang halikan ako kasi alam ko naman na masyadong malakas ang karisma ko." pabiro kong sambit sabay tawa na ikinatawa niya.
Pinalo niya ako sa braso habang nakangisi. "My gosh! Saan mo naman nahugot ang lakas ng loob na iyan?" aniya habang tumatawa.
Tawa kami nang tawa habang pinagmamasdan ko ang maamo niyang mukha. Bigay na bigay ang pagtawa niya at natutuwa naman ako dahil nagawa ko siyang patawanin.
Nang huminto siya sa pagtawa at pagpalo sa akin ay tinitigan niya ako na ikinailang ko. Kunot ang noo ko siyang tinitigan rin hanggang sa mabasa ang mensaheng mayroon ang mukha niya. Desire.
Nagsimula na namang kumabog ang puso ko kaya napayuko ako, pero sa hindi inaasahan ay hinawakan niya ang baba ko at iniangat. Dahan-dahan at maingat niyang inilapit ang mukha niya hanggang sa naramdaman ko na na lang na magkalapat na ang labi namin.
Napasinghap ako sa pagkabigla subalit nagpaubaya. Ang init at bango ng hininga niya ang tila nakapagpahipnotismo sa akin. Nang galawin niya ang labi ay napapikit ako. Ang init na nagmumula sa kung saang parte ng katawan ko ay tila apoy na nagliliyab, lalo na nang ilawit niya ang braso sa leeg ko at idiniin ang paghalik. Hanggang sa hindi ko namalayang tumutugon na ako. Kasing pusok at kasing diin nang ginagawa niya. May kung anong tumututol sa akin na itigil na, pero hindi ko magawa.
"K-Kish..."
Napahinto ako sa ginagawa atsaka ako nagising. Malayo na pala amg nararating ko, nasa leeg na pala ang mga labi ko kaya dali-dali akong tumayo at tumakbo.
'No... This is wrong!'
Kahit gabi na at malamig ay marami ang nagsisilanguyan kaya doon ako pumunta at agad na iniloblob ang sarili sa tubig-alat. Sobrang lamig pero hindi doon nakapokus ang pansin ko kundi sa labi niyang tila nakadikit pa sa labi ko. Gusto ko mang burahin o kaya ay kuskusin ang bakas, pero may pumipigil sa akin na hindi ko naman alam kung ano.
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
General FictionCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...