APAT araw na ang nakakalipas mula nang kunin ako bilang sekretarya ni Ms. Tatum. Masasabi kong mas nakakapagod pala ang maging sekretarya kumpara sa una kong naging trabaho. Hindi ko alam kung parte ba talaga ng trabaho ang utus-utusan nang paulit-ulit, akyat-panaog mula thirteenth floor hanggang first floor, o sinasadya niyang pahirapan ako. Hindi ko magawang tumanggi o magreklamo dahil tauhan niya lamang ako. Masasabi kong, tatanda ako nang mas maaga ngayon.
Nang marating ang opisina niya'y bahagya kong inayos ang suot, saka kumatok. Tatlong warning knock matapos ay pumasok. “Ma'am, your coffee,” wika ko matapos ang malalim na buntong-hininga.
Bahagya lamang niya akong tinapunan ng tingin, dahil ibinalik nitong muli ang mata sa mga papeles na nakatambak sa mesa nito. Hindi ko rin mawari kung tama bang nakita kong ngumisi siya nang bahagya, o baka guni-guni ko lamang iyon.
Inilapag ko ang kape sa kaniyang harapan matapos ay tumayo sa kanang bahagi ng kaniyang mesa. Pinagmasdan ko siya at pinigilan ang huminga nang malalim.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong utusan na bumili ng kape sa labas ng building, samantalang may sarili naman siyang coffee maker sa opisina. Bumili raw ako mg kape sa labas ng building, na hinuhulugan ng tig-lilimang piso. Napapikit ako at nais mainis nang maalala ang iniutos niyang iyon kanina. Gusto kong guluhin ang mesa niya at magwala sa inis. Secretary ba talaga ako o katulong niya...
“Nagpa-plano ka na ba, Danica, kung paano ako ilibing nang buhay?” Bigla niyang tanong na ikinapitlag ko. Lumingon siya sa akin nang nakangisi hanggang sa maging malutong na tawa iyon.
Kumurap-kurap ang aking mata at bumukas-sara ang bibig. Hindi malaman kung ano ang isasagot. Hilaw na lamang akong tumawa. “H-Hindi. Hindi ko po magagawa iyon, Ms. Tatum.” at sinabayang muli nang hilaw na tawa. “Hindi ako ganoong tao.” dugtong ko pa. Takot ko lang mawalan ng source of income.
Amuse siyang nakatingin sa akin matapos ay itinuro ang upuan sa kaniyang gilid. “Come here and sit. Alam kong napagod ka.” anito at iniabot sa akin ang kape na binili ko pa sa labas.
Sumunod ako at iniusog palayo ang swivel chair. Baka mamaya ay may pumasok sa opisina niya at kung ano pang isipin. Ngunit iniusog niya namang muli palapit sa kaniya ang upuan.
“Drink this.” wika niyang muli at iniumang sa akin ang kape.
“Pero, Ms. Tatum, ipinabili niyo 'yan para sa inyo,” nakangisi kong tanggi. Naiilang sa pagkakalapit naming dalawa.
Nagtaas siya ng kilay at biglang napalis ang saya sa mukha. “Hati tayo. C'mon.” kinuha ang kamay ko't pilit na ipinahawak sa akin ang kape na nakalagay sa paper cup.
Hindi na ako tumanggi pa. Sumimsim na lamang ako nang kaunti matapos ay tumingin sa kabilang direksyon. Ramdam ko namang hindi na nakatuon sa akin ang paningin niya. Seryoso nito muling inukulan ng pansin ang mga nakatambak sa mesa.
Nang ilapag ko ang paper cup ay agad niya itong kinuha matapos ay sumimsim. Nanlaki ang mata ko nang lumapat ang pulang-pula niyang labi sa marka ng lipstick ko sa cup. Indirect kiss?! Narinig niya marahil ang pagsinghap ko kaya nakataas ang kilay niya akong tiningnan. Nang yumuko ako ay wala na itong sinabi.
“Ms. Tatum, may I excuse myself? I need to use the... ano, y'know.” nag-aalangan kong paalam.
“Anong ano you know?” Nakakunot ang noo niyang tanong. Bumaba ang tingin niya sa suot kong palda, hindi matukoy kung saan tumigil ang kaniyang mga mata. “Go. Bumalik ka kaagad.” anito matapos ay itinutok muli ang mata sa ginagawa.
Halos kaladkarin ko ang paa makalabas lang agad sa kuwartong iyon. Nang tuluyang makalabas ay tila nagdaluyang muli ang hangin ko sa katawan, kasabay ng paghinga ko nang malalim. Walang lingon-likod akong tumungo sa comfort's room at pinagmasdan ang mukha sa salamin.
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
Ficción GeneralCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...