II. Ten

574 23 5
                                    

SA JOLLIBEE kami nagtuloy matapos ang halos tatlumpong minuto na debate sa loob ng principal's office.

Si Boboy ang nag-order ng makakain namin, because he feel sorry of what happened. Pinaunlakan ko na lang kahit labag sa kalooban ko ang makasama si Ms. Tatum sa iisang mesa. As much as possible, gusto kong okupado palagi ang oras ko upang hindi kami magkasarilinan at pag-usapan ang nangyari sa mansiyon nila.

Nang magtama ang mata namin ay inilihis ko ang paningin. Hindi masyadong marami ang tao ngayon pero palaging busy ang mga crew sa paglilinis at pagliligpit. May mga sasakyang naka-park pero iilan lamang ang naglalakad sa kalsada. Kung iisipin, mas tahimik ang lugar ngayon kaysa sa nakagawian.

Narinig kong tumikhim si Ms. Tatum pero hindi ko siya nilingon. Nagkunwari akong abala sa pagtingin-tingin sa paligid. Hanggang sa maramdaman ko ang pagsipa niya sa ilalim ng mesa, iyon ang dahilan kung bakit napatingin ako sa kaniya gamit ang nakakunot kong noo.

"Is there more interesting view here than myself, Danica?"

Mas lalong nangunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Danica, Danica, Danica... Bakit sa tuwing magsasalita siya ay kailangan may pangalan ko sa dulo? Nakakarindi marinig sa bibig niya ang pangalan ko.

"Isn't it refreshing to look at something new rather than looking at someone we've been looking at almost everyday?" Pasarkastiko kong tanong sabay lihis muli ng paningin.

Palagay ko'y madadagdagan ng ilang taon ang edad ko.

"About Boboy. Salamat... sa pag-aalaga sa kaniya." mahina niyang usal habang nakatingin sa kung saan ako nakatingin. "Why did you bother yourself, anyway? You know... I didn't really expect you'd take care of my brother since you yelled and fired me before the accident. Guilt?"

Pamaang ako sa kaniya nang lumingon, hanggang sa unti-unting nangunot ang aking noo. Hindi na sumagi sa isip ko ang pangyayaring iyon kaya bakit naman niya kailangang ungkatin ngayon?

"Nandito na po."

Napalingon kami pareho nang marinig iyon kay Boboy. Parang biglang naglaho ang intensidad ng titigan namin kanina. Ipinagpalit-palit pa ng binata ang kaniyang paningin sa amin kaya nailang ako.

Nagsimula kaming kumain nang tahimik hanggang sa matapos. Pakiramdam ko pa ay inoobserbahan kami ni Boboy nang palihim kaya nananahimik rin siya.

Inihatid kami ni Ms. Tatum hanggang sa bahay nila. Tahimik sa kotse at tanging lamig lang ng aircon ang nag-iingay. Ang binata naman ay parang tuwang-tuwa na malamig ang nasakyan. Nakakatuwa sa kalooban at alam kong ganoon din ang nararamdaman ni Ms. Tatum, dahil sa manaka-naka niyang pagsulyap.

"Ah, gusto niyo po ba munang pumasok? Baka nauuhaw kayo?" Alok ko nang makababa ng kotse.

Nag-isip siya nang ilang segundo hanggang sa mayamaya'y marahan siyang tumango. "Alright. Nauuhaw siguro ako." tugon niya matapos ay lumabas.

Nang makapasok sa bahay ay agad kong inilapag ang bag sa sopa at nagtuloy sa paghahanda ng makakain.

Umupo si Ms. Tatum samantalang dumiretso si Boboy sa kaniyang kuwarto. Ngunit mayamaya ay bumalik sa sopa na may dalang chichirya. Matapos kong maitimpla ang juice ay inilapag ko ito sa harapan nila.

Papasok na sana ako sa kuwarto upang magbihis ngunit tinawag ako ni Ms. Tatum.

"Danica?" aniyang nakapagpalingon sa akin. Itinaas ko lamang ang kilay ko dahil wala ako sa huwesyo na ibuka ang bibig. "Saan ka pupunta?" Dugtong niya. Inginuso ko lamang ang labi sa kuwarto. "Sama." aniya muli na nakapagpatuod sa akin.

Sa sinabi niyang iyon ay napatingin sa amin si Boboy. Para bang nagtatanong ang mata niya nang ipukol sa akin. Palipat-lipat, palipat-lipat hanggang sa ibinalik uli ang mata sa kinakain.

[✔] It Just Happened | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon