I. Thirty

1.6K 62 5
                                    

KISH'S

ILANG ARAW na rin ako sa inuupahan kong bahay. Sa ngayon ay wala akong masabi dahil tahimik at halos hindi nila ako gambalain sa kuwarto, maliban na lamang kung oras na ng kainan.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at nakatingin sa blangkong kisame, habang pinipilit ang sarili na ipikit ang mata upang matulog. Ngunit, ayaw na yatang dumapo ng antok dahil na rin siguro sa magkakasunod na araw na palaging tulog at kain na lamang ang ginagawa ko. Napapaingos akong bumangon sa kama at tumayo matapos ay nilingon ang pinto, siguro ay aabalahin ko na lamang ang sarili na pagmasdan ang kaguluhan sa labas ng bahay.

Naglakad ako tungo roon na tila mabigat ang parehong paa, madalas ay napapabuntong-hininga pa ako. Walang tao sa sala, siguro ay mga nasa kuwarto nila at nagpapahinga dahil gabi na rin at katatapos lamang nila kumain.

Nang mabuksan ang pintuan ay agad akong binati ng panggabing hangin, na papikit ko namang tinanggap iyon kahit malamig, tila may ulan na paparating. Nakayuko kong tinungo ang maliit lang na veranda, doon lang kasi mayroong mauupuan, hanggang sa napahinto ako nang makaamoy ng sigarilyo.

Isang babaeng nakatalikod ang bumungad sa akin na malayang nakaupo sa maliit na barandilla, dahil sa pagkakatuwid ng paa nito habang bumubuga ng usok ng sigarilyo. Alam kong alam nito na may tao sa kaniyang likuran, subalit hindi man lamang ito kumibo o gumalaw upang batiin ako. Nagkibit-balikat na lamang ako at naglakad patungo sa kaniyang harapan. Nang sa wakas ay makita ko na ang kaniyang mukha ay hindi na ako nagulat.

Si Danica, I can sense she's a rebel type. Cold, aloof and very serious. Hindi ako kumibo basta lamang akong humalukipkip sa pader habag pinagmamasdan ang papadilim na paligid.

"I'm straight." bigla niyang usal na ikinalingon ko sa kaniya.

Akala ko ang tinutukoy niya ay kaniyang pagkakaupo kaya, "It's fine. I'm comfortable standing." tugon ko.

Naramdaman kong napasinghap siya subalit nang lingunin ko'y nakangisi pala. "What I mean to say is, I'm not lesbian, bi nor gay. I'm not interested with your likes." mahaba niyang sabi at bumugang muli ng usok.

Sa pagkakataong iyon ay natawa ako ng pagak. Inilagay ang palad sa bulsa ng jacket at lalong humalukipkip, "No one's asking your gender here and I'm not interested in you as well." tugon ko habang may ngising-ngiti na nakapaskil sa aking labi.

Bumuga siyang muli ng usok, "Mabuti." maikli niyang wika.

She curled up her knees as she sat properly, she then tap the unoccupied space beside her as she gestured me to sit. "Hindi ako nangangagat." wika niya.

Nang makaupo ay tahimik ko lamang na pinagmamasdan ang paligid habang pinapakiramdaman ang sunod-sunod niyang pagbuga ng usok. Ngunit, "How did you learn to smoke?" Hindi ko napigilang itanong, makalipas ang ilang minuto ng katahimikan.

"No'ng fourteen ako. Naimpluwensyahan ng mga barkada." baliwala niyang sagot na ikinalingon ko sa kaniya nang nakakunot ang noo. "What about you? What's your story?" Dugtong niya.

"Story?" Taka kong tanong, hindi maalis ang pagkakakunot ng aking noo.

"Kuwento ng pagkapadpad mo dito. Halos kaming lahat may kuwentong lihim kung bakit kami napunta dito." aniya sabay buga muli ng usok sa kaniyang sigarilyo.

Natahimik ako. Hindi ko alam kung paano magkuwento sa kaniya gayong hindi ko naman siya gaanong kilala. Baka magmukha lang akong kawawa at nangangailangan ng aruga sa paningin niya.

Mayamaya pa'y napalingon ako sa kaniya dahil sa marahas niyang pagbuga ng hangin. "Tapos na akong magpahangin. Una na ako sa'yo" sambit niya at tumalikod.

[✔] It Just Happened | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon