I. Five

3.5K 103 12
                                    

KISH POV

ISANG MAINIT NA TANGHALI, habang nakikinig ako sa cellphone ng mga kanta ay biglang may kantang pumailanglang, iyon ang ringtone ng tawag kaya dinampot ko ito at nakita kung sino ang tumatawag.

Jhayce calling . . . .

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Dalawang araw na simula no'ng eksenang iyon doon sa Ice Cream Couch. Halos hindi ako umimik no'n hanggang pag-uwi dahil panay pangalan ng mokong na iyon ang bukambibig niya.

Ilang ulit siyang tumawag at ang pangatlo ay sinagot ko. "Hello," malamya kong sambit.

"Bakit naman ang tagal mong sagutin? Are you busy? Bakit hindi ka pumupunta dito sa bahay? I already miss you,"

Just hearing those lines... 'Twas like hypnotizing me not to get mad anymore. Pero magmamatigas ako. Hindi ba puwedeng ako naman ang i-please niya? Hindi iyong ako na lang palagi ang gagawa ng paraan para mapasaya siya kapag malungkot kahit sobrang sakit na.

Nahihirapan ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin at ibubunyag sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Na bukod sa kaibigan ko siya ay mayroon pang mas malalim doon.

"Yuhoo, Kish, are you still there? Are you sick? Are you alright? Do you want me to go there?" naging sunod-sunod niyang tanong na ikinabuntong-hininga ko.

"No. I just want to rest today. I'll text you if I'm okay." tugon ko at agad na pinatay ang tawag.

May malapit na bintana sa kuwarto ko kaya doon ako tumitig na lang. Walang masyadong tao dahil mainit kaya kahit paano tahimik, at hindi ako maaabala ng mga tambay.

Bumuntong-hininga ako at tiningnan ang cellphone, hindi na siya tumawag. Siguro nagsawa na.

Mayamaya ay isinarado ko ang binata dahil sa alikabok na pumapasok at ini-lock ang pinto. Nang masiguradong madilim na sa kuwarto, ay saka ko binuksan ang electric fan at nagtalukbong ng kumot.

Ang lungkot ng panahon kaya masarap mapag-isa na lang, hanggang sa tuluyan na akong igupo ng karimlan sa mahaba at malalim na pagtulog.

"Kishy? Are you really sleeping or just pretending? Hmm..."

Someone's poking my right cheek, ramdam ko pero... Panaginip lang ito. Boses ba naman ni Jhayce ang narinig ko. Imposible.

Itinakip ko lalo ang kumot hanggang sa mukha at dumapa, matapos ay umungol sabay wakli ng daliri niyon.

Narinig ko ang pag-tss niya pero hindi pa rin ako nagmulat ng mata. Parte lang ito ng panaginip at kapag magising ako ay masasaktan na naman ako.

Pero, naimulat ko ang mata at napaisip. 'Nasa panaginip ka, Kish. Dapat sinasamantala mo ang pagkakataon!' I snaped out of myself.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at ngumisi nang malawak.

Kita ko ang pagka-shock ni Jhayce na nasa gilid ko lang. "A-Anong nangyayari sa 'yo?" aniya.

Kinagat ko ang labi ko at dinungaw siya. "Hello, Jhacey baby! You're so pretty today, as always." I flirted and look in her eyes nearer and nearer.

"W-what do you think you're doing, Kish?" Halos pasigaw niya nang sambit.

Humalakhak ako at dinilaan ang labi. Hinila ko ang braso niya palapit sa akin at ipinagdikit ang tungki ng ilong namin. Naaamoy ko na ang mabango niyang hininga, parang dinaanan na naman ng libo-libong elepante ang dibdib ko.

Darn! Bakit parang wala ako sa panaginip?

Ang sarap sa pakiramdam kahit medyo naninikip ang kumikirot, pero ang importante ay hawak ko siya ngayon. Hindi lang hawak kundi malapit na malapit sa akin.

"Ki-"

Hindi ko na pinatuloy ang sasabihin niya dahil agad ko siyang hinalikan sa labi nang mariin habang hawak ang pareho niyang pisngi. Nalaki ang mata niya na ikinangiti ng puso ko.

Mariin lang. Siguro sapat na ito sa ngayon para maipadama ko sa kaniya kung gaano siya kahalaga sa akin nang higit pa bilang kaibigan.

Matapos ng (mga) dalawampung segundo ay agad kong tinapos ang mariing halik at bumalik sa paghiga. Binalot ang sarili ng kumot at sumiksik sa pader.

Mayamaya ay narinig ko ang palahaw niyang sigaw habang tumatakbo palabas ng kuwarto, malakas pa ang pagkakabagsak ng pintuan na ikinangisi ko.

Pati sa panaginip ayaw niya pa rin sa akin. Nakakalungkot pero kahit paano ang mahalikan siya nang mariin ay dream come true na.

NANG MAGISING ay agad kong kinapa ay selpon sa tabi ng kama at tiningnan ang oras. Alas kuwatro y medya na pero parang gusto ko pang humiga at magpabaling-baling.

Niyakap ko ang unan nang mahigpit at tumili doon habang nakasubsob ang mukha ko.

"F--------ck!" Tili ko.

Sana ganoon na lang palagi ang panaginip ko.

"Kisha, lumabas ka na diyan. Kakain na!" tawag ni Nanay na ikinakislot ko.

Kahit kailan talaga panira ng moment itong si Nanay.

"Sige. Lalabas na. Ayusin ko lang sandali ang kuwarto. Una na kayo!" pasigaw kong tugon.

"Nga pala, dito kanina galing ang kaibigan mo! Hinahanap ka."

Tila huminto ang oras at mulagat ang mata na tumitig sa pinto.

"Ha? Kanina? Pero, 'di ba? A-" nahawakan ko ang labi at nanlaki lalo ang mata.

"I-Ibig sabihin, hindi iyon panaginip?"

✿*:・゚

[✔] It Just Happened | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon