NARRATOR'S POVNAGISING MULA sa sobrang masakit na sikmura si Kish, kaya dali-dali siyang tumayo at agad na dumiretso sa cr. Iniluwa doon ang lahat ng inilaman kagabi sa isang hindi gaanong magandang paraan. Hawak ang sikmura ay todo yukyok niya sa inodoro. Nang matantiya niya na wala mg lalabas ay agad siyang nagmumog at hinarap ang salamin. Malinis ang mukha niya maliban sa magulo niyang buhok, ngunit napansin niyang wala siyang pang-itaas na saplot at hindi siya makaramdam ng lagkit. Dahil doon ay napangiti siya. May hint siya na si Lucy ang naglinis sa kaniya, ebidensya na rin ang maliit na palanggana na nasa tabi ng bathtub at bimpo.
KISH POV
Lumabas ako ng Cr habang hinihimas ang sikmura. Masakit man, masaya rin ako dahil sa pakiramdam na may nag-alaga at nag-alala sa akin kagabi.
"Lucy!" Tawag ko. Hindi ko siya naabutan kanina sa kama kaya siguro ay nasa labas siya.
Nagdesisyon akong maligo na lang muna kaya minabuti kong maghanda na muna ng susuotin. Subalit, akmang bubuksan ko na sana ang aparador nang marinig ko ang pagkalansing ng pinto. Napaisip ako't sabay na nagtago sa likod ng pinto habang ngingisi-ngisi.
Saktong pagbukas ng pinto ay agad akong bumulaga sa harapan niya. Subalit, ako yata ang nagulat dahil sa nakita ko. May kayakap siyang lalaki at himas pa niya ang dibdib nito, at pareho silang nakangiti.
Nang makita niya ako ay kaswal lamang niya akong tiningnan at nginitian matapos ay linampasan lamang ako. Naiwan ako sa pintuang tulala. 'Anong-
"Who is that guy? Your boyfriend?" Dinig kong tanong ng lalaki.
"Oh! That. No, no, he's not my boyfriend. And he's actually a she. She's a friend. She got drunk last night so I decided to let her sleep here." dinig kong tugon ni Lucy.
Tila ako binuhusan ng malamig na tubig at sinaksak ng kutsilyo nang ilang beses. Hindi ako makapaniwala na kaibigan lang ang ipinakilala niya.
"Lucy..." nag-aalangan kong tawag sa kaniya.
"Oh, about your polo? No, I'm not the one who looked at you last night so I don't have any idea where that is. But, I'll make sure to return it to you if we happen to see it." nakangiti niyang wika. "For now, go back to your room because we still have some business to do." dugtong pa nito at itinulak ako palabas.
Topless akong lumabas ng kuwarto, still processing what's just happened. "Nanaginip ba ako o panaginip talaga ito?" Tanong ko sa sarili at muling nilingon ang pinto. Akma sana akong kakatok nang maisip na baka makaistorbo ako.
Naglakad na lamang ako palayo sabay tikhim, tila kasi may nakabara na kung ano sa aking lalamunan kanina. Tiningnan ko ang aking paa at nakitang walang sapin iyon. Nasapo ko na lamang ang noo, mayamaya.
Naisip kong dumaan na muna sa malapit na puwedeng bilhan ng damit. Nang maalala ko na may summer t-shirt na binibenta ang resort, kaya doon ako pumunta at agad na bumili nang isa. Mabuti na lamang at hindi ko naiwan ang pitaka sa kuwarto.
Pumunta ako sa dalampasigan at doon naisipang magpalipas ng oras. Hindi alam kung ano ang gagawin, basta't nananatiling blangko ang utak ko sa naganap.
Habang nakaupo at nakatingin sa kawalan ay biglang may umupo sa tabi ko, babae iyon dahil na suot nitong maiksing maong na shorts. Nilingon ko ito at halos mapaatras sa gulat.
Si Jhayce. Nakaupo sa tabi ko.
Nanlalaki lang ang mata kong nakatitig sa kaniya nang lumingon siyang nakangiti. "Hi." panimula niya. "Remember me? I'm sorry for being this close. I've no friend here and you're alone so I-"
BINABASA MO ANG
[✔] It Just Happened | GxG
Fiction généraleCOMPLETED! Ang pag-ibig ay hindi nagtatapos sa iisang kabanata lamang. Akala ni Kish, ang problemang pinakamahirap niyang kahaharapin ay ang feelings niya kay Jhayce. Matagal na siyang may gusto sa kaibigan, high school pa lamang sila. Subalit, str...