I. Sixteen

2.4K 75 13
                                    

KISH POV

Naging busy ang buong araw namin, halos hindi na makakain nang maayos lalo't may party na naganap. Paroo't parito ang mga bisitang dumating. Isang Chinese family ang magdiwang ng birthday party at kailangan nilang i-priorities dahil masyadong demanding, ayaw rin naman ng manager na mapahiya ang pangalan ng restaurant.

Abala ako sa paglilinis nang salamin ng ladies room, nang biglang may pumasok. Tumabi ako kaagad sabay kuha ng mop at timba. Palabas na ako ng pinto nang mapatigil dahil sa singhap niya. "Ano po 'yon, Ma'am?" Magalang kong tanong pagkapihit ko paharap.

"Oh my gosh! That is why you seems familiar. You are Ki, Krish, what's your name again?" Nakakunot-noo niyang tanong habang nakaturo ang hintuturo.

Napangiti lang ako at magalang na yumukod. "Pasensiya na, Ma'am. Hindi po kami puwedeng makipag-usap tungkol sa personal na buhay namin sa mga kostumer."

Sumimangot siya at humalukipkip. "I dunno if you can still remember me. I am Shaine Cheng and once a friend of Jhyace at kung hindi dahil sa 'yo we're still friends pa sana until now. Gladly, we've met the other day with her boyfriend." aniya at ipinagdiinan pa ang 'boyfriend'. "Well, that's all. Gotta go!" Pagpapaalam niya at paarteng inilaglag sa harapan ko ang tissue na ginamit niya.

Nanatili ako sa posisyong iyon nang ilang segundo, pilit na pinoproseso kung ano ang sinabi niya. Nang tila hindi ko maalala ay pailing na lang ako lumabas.

Si Jhayce my boyfriend

Si Jhayce my boyfriend

Si Jha-

Saktong bumukas ang pintuan at umangat ang ulo ko.

"Jhayce! I'm glad you made it!" Sigaw nang kung sino.

Ang mga kasunod na eksena ay ang tila pagbagal ng lahat. Marahang pagpasok ni Jhayce sa pinto habang matamis ang pagkakangiti, nakakawit ang kamay sa isang lalaki.

Para may kung anong tumarak sa puso at piniga pa.

Boyfriend...

Saka lang nag-sink in sa isip ko na may kasintahan, boyfriend, nobyo na si Jhayce. Saka lang nagising mula sa pagkamamhid ang puso ko nang makita ko na ng harapan.

Parang ugong na lang ang naririnig ko sa lahat. Ang alam ko lang ay sa kaniya lang ako nakatingin habang masayang nakakapit sa boyfriend niya.

Did I missed her? Of course, I do. So crazy much.

But here I am looking at her like I didn't even became her bestfriend, like I didn't exist at all.

"Oh, there she is!" Dinig kong sambit nang kung sino.

Subalit, "Kish, ayos ka lang?" Napalingon ako sa nagsalita at awtomatikong napangiti.

"Oo naman. Bakit naman ako iiyak, 'di ba? I should be very for her." sagot ko.

Sinsero lang siyang ngumiti at agad na umangat ang kamay. "Ayos ka nga lang." aniya at tila may pinunasang kung ano sa pisngi ko.

"Pumunta ako kanina sa Cr kaya basa. Baka natalsikan." nakangiti kong palusot.

Ngumiwi siya. "Sus. Kunwari bumenta sa'kin." aniya at hinila ako papasok sa kusina.

Saglit akong huminto at nakiramdam. Pinakiramdaman ko kung kahit sandali ay nagawa man lang ba na pakiramdaman din ako ni Jhayce, pero nabigo lang ako. Wala na ba talaga?

Napabuga ako ng hangin pagkarating sa kusina at tila nauupos na kandila na umupo sa mesa, agad na nanalumbaba.

"So, what do you want to eat?"

[✔] It Just Happened | GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon