* Andrea's PoV
Nang makarating kami sa bahay este mansiyon nila Zach ay literal akong natulala. Grabe! Ang laki ng bahay nila. Isang angkan ba silang nakatira dito?
"Let's go."
Nalipat ang tingin ko kay Lucas ng hawakan niya ang kamay ko. Infairness, malambot ang kamay ni hudas. Maraming tao sa loob ng bahay pero mas maraming tao sa garden na nadaanan namin kanina.
"Kuya Lucas!" Napatingin ako sa babaeng lumapit at yumakap kay Lucas dahilan para mabitiwan niya ako.
"Hi Brianna. Kuya mo?"
"Wala pa si Kuya. Sinundo si Ate Athena." So? Kapatid ni Zach ito? Ang ganda niya ha.
Nalipat ang tingin niya sa akin kaya naman mukhang naalala ni Lucas na kasama niya ako.
"Brianna si Andrea nga pala. Schoolmate namin. Andrea si Brianna pangalawang kapatid ni Zach. Dalawang taon lang ang agwat nila."
"Hi Brianna." Nakangiting bati ko.
"Hi ate. Finally! May dinala ding date si Kuya Lucas." Natatawang sabi niya pagkatapos makipagbeso sa akin.
"Kambal mo?" Tanong ni Lucas. So may kakambal pa siya?
"Nandoon pa sa kwarto niya. Inutusan kasi ni Daddy kanina kaya naliligo pa lang."
Nagpaalam muna kami kay Brianna na magpapakita muna sa parents nila. Pumayag naman siya at sinabing nasa paligid lang ang mga magulang niya.
"Tita Jisoo." Nakangiting bati ni Lucas sa babaeng nasa harapan namin ngayon.
Para siyang anghel na bumaba galing sa langit. Ang ganda niya! Parang hindi man lang siya tumatanda. Tao ba ito?
"Lucas hijo!" Niyakap ng mommy ni Zach si Lucas at mukhang tuwang tuwa na nakarating siya.
"Happy birthday po Tita." Nakangiting bati ni Lucas.
"Thank you hijo. Ang daddy at mommy mo?"
"May seminar silang dinaluhan sa New York. Babawi daw sila pagbalik nila."
"Naku ayos lang naman kahit hindi na sila bumawi. Ang daddy mo talaga."
Nalipat naman ang tingin namin sa lalaking humalik sa kanyang pisngi. Wow! Ang gwapo!
"Hey kiddo." Nakangiting bati niya kay Lucas.
"Hello po Tito Vlad." Nalipat ang tingin sa akin ng mag asawa.
"Mind introducing your date?" Mapang asar na tanong ng mommy ni Zach.
"By the way, this is Andrea. Schoolmate namin. Andrea si Tita Jisoo at Tito Vlad. Parents ni Zach."
"Magandang gabi po. Happy birthday po ma'am." Nahihiyang bati ko.
"Thank you hija. Just call me Tita Jisoo." Nakangiting sabi ni Tita at niyakap ako.
"Tita! Happy birthday!" Napatingin kaming lahat kay Athena na tuwang tuwang niyakap si Tita Jisoo.
"Thank you Athena."
Napatingin ako kay Zach na seryoso lang na nakatingin sa mommy niya. Naramdaman niya yata na may nakatingin sa kanya kaya tumingin din siya sa akin. Sa sobrang hiya ko ay agad din akong nag iwas ng tingin.
Jusko! Paano ko magagawa ang plano kung ako ang unang tumitiklop sa aming dalawa? Sabay sabay na kaming kumain nila Zach sa iisang table. Nag uusap usap sila pero ako ay tahimik lang hindi naman kasi ako makarelate sa pinag uusapan nila.
Nakilala ko na din ang kakambal ni Brianna na si Brian. Grabe! Sobrang look a like talaga silang dalawa. Ang gwapo nga ng kakambal niya eh. Nakakatuwa silang dalawa dahil parang palagi silang nag aasaran. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mainggit. Ang sarap siguro sa pakiramdam na may kapatid ka. Yung tipong mag aaway kayo pero siya pa din yung magiging kakampi mo sa huli. Kung hindi kaya iniwan ni Nanay si Tatay magkakaroon kaya ako ng kapatid?
"Are you okay?" Rinig kong tanong sa akin ni Lucas.
"Okay lang." Tipid ko siyang nginitian.
Nalipat ang tingin ko kina Zach at Athena. Kung titignan silang dalawa aakalain mo talagang sila. Nilalagyan pa ni Athena ng pagkain ang plato ni Zach. Si Zach ay mukhang nasanay na dahil hindi naman siya umaangal. Sunod kong tinignan si Lucas na ngayon ay tahimik lang ding kumakain. Ano kayang nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ang dalawang ito? Mahal niya si Athena pero ang gusto nito ay ang bestfriend niya. Hindi ba masakit yun?
Pagkatapos ng party ay hinatid din ako agad ni Lucas.
"Thanks for being my date tonight Andrea."
"Wala yun. Salamat din sa pag imbita sa akin." Nakangiting sabi ko kaya naman natawa na lang siya. "Sige na uwi ka na. Ingat."
Tumango lang siya at umalis na. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay bigla akong nanghina sa aking nakita. Nilapitan ko agad si Tatay na ngayon ay walang malay na nakahiga sa sahig. Inamoy ko pa siya dahil baka lasing lang pero ng hindi naman siya amoy alak ay bigla na lang akong naiyak.
"T-tatay! Tay gising ka!" Humahagulgol na sabi ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang taong alam kong makakatulong sa amin ngayon.
"L-lucas."
-------------
Anak po ni Johnny Perez (JHope) na kaibigan nila Vlad sa FTLY si Lucas bebe. Yun lang 😊😊😊😊