Last Chapter

689 23 2
                                        

* Andrea's PoV

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang aking sarili sa malaking salamin dito sa aking hotel room. Suot suot ko na ang aking wedding gown at ngayong araw na ang aking kasal.

Umikot ikot ako sa harap ng salamin at huminga ng malalim. This is it. Ito na yung araw na pinakahihintay ko.

Agad kong nilingon ang pintuan ng marinig na may kumatok doon.

"Hi anak."

"Ma."

Lumapit sa akin si Mama at niyakap ako. Ngumiti siya at hinaplos ang aking mukha.

"Ikakasal ka na anak. I'm so happy for you. Sorry anak. I know, okay na tayo pero paulit ulit akong hihingi ng tawad sayo." naluluhang sabi niya.

"Ma! Wag niyo naman akong paiyakin." natatawang sabi ko.

Sabay kaming napatingin sa pinto ng muling may kumatok.

"Ate, kailangan na nating pumunta sa simbahan." nginitian ko si Mikael at tinanguan.

Habang naglalakad ako palapit kay Zach ay bigla kong naalala yung unang araw ng pagkikita namin. Yung inunahan niya ako sa pila sa ATM machine. Yung unang beses na nakita ko siya sa school. Yung plinano kong paibigin siya. Lahat lahat ng masasaya at malungkot na alaala namin ay biglang nagreplay sa aking utak. Napangiti ako ng makita ang napakagwapong groom ko. Kagat kagat niya ang kaniyang labi at may luha na din sa mga mata.

Sa sobrang saya at kabang nararamdaman ko ay halos hindi ko na nasundan pa ang nangyari sa aming kasal basta alam ko na lang ay nandito na kami sa reception.

"Zach! Ano bang nangyari? Bakit nawala ako sa sarili kanina?" nakasimangot kong tanong habang nagsusubuan kami ng cake.

"Baka iniisip mo yung.. mangyayari ngayong gabi." agad akong pinamulahan ng mukha at pinalo siya sa braso na ikinahalakhak niya.

"Zach!"

"Don't worry nakavideo naman yung ceremony kanina. You can watch it again and again." pagbawi niya. "Sa wakas asawa na kita." napangiti ako ng hinalikan niya ako sa noo.

After ng reception ay dumiretso kami sa airport para pumunta sa Boracay kung saan kami maghohoneymoon. Ang gusto sana ni Zach ay sa ibang bansa kami pero noong sinabi ko na pangarap kong sa Boracay kami maghoneymoon ay pinagbigyan niya ako. Agad akong namangha sa ganda ng lugar. Matagal ko na talagang gusto makapunta dito at ngayon ay natupad na nga.

"Wow!" yun agad ang nasabi ko ng makapasok kami sa Villa kung saan kami titira para sa aming isang linggong honeymoon. "Ang ganda dito, Zach." tumakbo ako papunta sa bintana at hinawi ang kurtina bago iyon buksan.  Medyo nanghinayang ako dahil madilim na pero napangiti pa din ng makita ang dagat sa aking harapan.

Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Zach mula sa likod.

"Do you like it?"

"I love it." humarap ako at nginitian siya. "Thank you baby. Sa lahat lahat. I love you."

"I love you too." hinalikan niya ako sa labi at nginisian. "So, are you ready?"

Nanlaki ang aking mga mata at pinalo siya sa braso. Agad akong napasigaw ng bigla niya akong buhatin at hinagis sa kama.

"Zach!"

Noon ay pangarap ko lamang siya pero ngayon ay narito na siya sa aking tabi. Noon akala ko ay ako lang ang nagmamahal pero mahal din pala niya ako. Hindi naman talaga puro saya pagdating sa pag ibig. Kahit ayaw natin, kahit iwasan natin ay darating talaga yung araw na masasaktan tayo at masasaktan natin yung taong mahal natin pero kahit ganoon ay wag nating kakalimutan na may paraan naman para maayos ang lahat. Kung hindi na talaga pwede at wala na talagang pag asa ay matuto tayong humingi ng tawad at magpatawad bago sumuko. Hindi din kasi tama yung bigla bigla na lang susuko. Paano kung pwede pa pala? Paano kung mayroon pa pala pero hindi ka nagtake ng risk? Mas okay ng masaktan kaysa manghinayang at magsisi sa bandang huli.

"I love you so much baby." napangiti ako at hinahabol pa din ang hininga habang nakatitig kami ni Zach sa isa't isa.

"I love you too baby."

"One more round?"

"Zach!" sigaw ko sa kaniyang pangalan na ikinatawa niya.

Napangiti ako dahil kuntento na ako. Wala na akong kakulangan na nararamdaman. Hihintayin na lang namin kung kailan kami pagkakalooban ng anak at nakahanda na ako sa mga darating pang araw na haharapin namin ng asawa ko.

                       THE END..

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now