Chapter 2

674 42 2
                                    

* Andrea's PoV

Natapos ang tatlong klase namin na puro pagpapakilala lang ang ginawa. Ano pa nga bang aasahan ko sa first day? Nang magring ang bell hudyat ng lunch break ay sabay kaming lumabas ni Tanya. Gutom na gutom na ako.

"Anong sayo?" Tanong niya nang makarating kami sa cafeteria.

"May baon ako." Nakangiting sagot ko.

"Really?" Manghang sabi niya na para bang ngayon lang nakakilala nang taong nagbabaon ng lunch.

Nagpaalam ako sa kanya na hahanap muna nang mauupuan namin habang siya ay nakapila sa counter. Pinili kong maupo sa gilid para hindi masyadong kita nang mga tao. Nang makabalik siya ay nilabas ko ang lunch box ko. Kanin at fried chicken ang baon ko.

"You know what? I'm sorry kung mamasamain mo but seriously, ngayon lang ako nakakita nang nagbaon ng lunch sa school na ito." Mukha namang namangha lang talaga siya. Hindi yung tipong nandidiri siya sa akin.

"Ayos lang. Mayaman kasi kayo." Nakangiting sagot ko. "Scholar lang ako sa school na ito. Mamaya may pasok pa ako sa part time job ko."

"Kaya mong pagsabayin yun? May allowance ka naman from school right?"

"Oo meron. Kaso itinatabi ko yun para sa mga miscellaneous fees natin sa mga susunod na araw. For sure marami tayong mga project."

Halos hindi kami makakain dahil kwentuhan kami nang kwentuhan. Mabuti na lang may nahanap ako agad na kaibigan sa first day ko pa lang. Mukha kasing mataray na yung ibang mga babae dito. May mga maganda pero matataray at meron namang mga nagmamaganda.

Napatingin ako sa paligid ng biglang tumahimik. Ang kaninang cafeteria na maingay ay ngayon ay payapa na akala mo may dumaang anghel. Anyare? Tatanungin ko na sana si Tanya kaso napansin ko siyang nakatingin sa entrance kaya dumako din doon ang paningin ko.

Nakita ko ang tatlong taong magkakasabay na naglalakad. Isang babae at dalawang lalaki. Naningkit ang mga mata ko. Parang nakita ko na yung isang lalaki at babae na ngayon ay magkaholding hands habang naglalakad. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang maalalang sila yung mag dyowa sa mall. Yung lalaki ang sumingit sa pila noon.

Wow. Small world.

"Sila yung mga sinasabi ko sayo." Nabalik ang tingin ko kay Tanya nang bumulong siya. "Si Lucas yung nasa kaliwa. Si Zachary yung nasa kanan at yung babae sa gitna ay ang girlfriend niya na si Athena."

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now