* Lucas PoV
Pasakay na sana ako sa aking sasakyan pero napatigil ako ng may tumawag sa akin.
"President! President!" Nilingon ko ang dalawang babaeng tumatakbo palapit sa akin.
Tinignan ko lang sila at hinintay ang sasabihin nila. I'm not in the mood to talk right now lalo na't nakita ko kaninang umaga na magkasama sila Zach at Andrea.
And why do i even care?
Yun naman talaga ang plano pero ewan ko ba! Nakakainis makita silang magkasama.
"President! Tulungan niyo po yung kaklase namin. Inaaway nila Lianne doon sa kabilang eskinita."
Napailing na lang ako sa aking narinig. Alam kong presidente ako ng student council pero pati ba naman away sa labas ng mga babae ay aawatin ko pa? Malay ko ba kung inagaw pala yung boyfriend kaya nang aaway yung isa di ba? Baka sabihin pang pakialamero ako masyado. Isa pa sa labas na ng school iyon. Ibang usapan na yun.
Bubuksan ko na sana ang aking kotse ngunit natigilan ulit ako ng marinig ang kanyang pangalan.
"President, tulungan niyo po si Andrea. Kawawa naman siya." Agad ko silang nilingon.
"Andrea?" Pag ulit ko sa pangalang binanggit nila. "Si Andrea Marie Dizon?" Paninigurado ko.
"Oo siya nga. Nakita namin siya na hinarang nila Lianne tapos lumiko sila sa eskinita."
Hindi na ako nag aksaya ng oras at agad akong pumasok sa kotse ko para puntahan si Andrea. Wag lang talaga silang magkakamali na gawan ng masama si Andrea dahil ako ang makakalaban nila. Pagkarating ko sa eskinita kung saan nandoon siya ay agad akong bumaba sa aking sasakyan.
"Hey!" Sigaw ko ng akmang sasampalin ng isang babae si Andrea.
"L-lucas." Bakas ang takot sa kanilang mga mukha ng makita ako.
Agad nilang binitiwan si Andrea at umatras. Nilapitan ko si Andrea at inalalayan siya para makatayo.
"Are you okay?" Nag aalalang tanong ko.
Tumango siya at bigla na lang umiyak. Ngayon ko lang din napansin ang namumulang mga pisngi niya. Tinignan ko ng masama ang mga babaeng nasa harapan ko ngayon.
"Meet me at the student council office today. Wag na kayong magtangka pang tumakas dahil hindi niyo gugustuhin ang gagawin ko sa inyo. Move!" Sigaw ko at kumaripas naman sila ng takbo pabalik sa campus.
"T-thank you L-lucas." Napatingin ulit kay Andrea ng magsalita siya. "Akala ko wala ng tutulong sa akin."
"Shh." Pagpapatahan ko sa kanya at niyakap siya. "I'm here."
At noong araw na yun ay narealize ko ang isang bagay..
Gusto ko si Andrea..
----------------
* Andrea's PoV
Sinamaan ako ng tingin ng mga babae sa aking harapan. Nandito kami ngayon sa Student Council Office para sa parusang ipapataw sa kanila. Sabi ko kay Lucas ay hayaan na niya pero hindi siya nakinig sa akin. Galit na galit talaga siya.
"I already talked to the Principal. He is so disappointed dahil may mga bully pala sa school na ito at mga babae pa." Naiiling na sabi ni Lucas nang tignan ko siya. "You are suspended for three days."
Magrereklamo sana ang mga babae pero hindi na nila naituloy ng samaan sila ng tingin ni Lucas.
Napatingin kaming lahat sa pintuan ng bumukas ito.
"Andrea." Agad akong niyakap ni Zach. Naiiyak na naman tuloy ako dahil pakiramdam ko sobrang kawawa ng lagay ko. "Are you okay baby?" Nag aalalang tanong niya.
"Ayos na." Ngumiti ako sa kanya para hindi na siya mag alala pa.
Tinignan niya ng masama ang mga babaeng umaway sa akin.
"Z-zach." Sabi nung parang leader nila. "Sorry. Hindi naman namin.."
"Shut up!" Kahit ako ay nagulat sa pagsigaw ni Zach. "You have no rights to hurt her." Tinignan niya si Lucas at hinawakan ang kamay ko. "Thanks dude. Ikaw na ang bahala sa kanila."
Hinila ako patayo ni Zach kaya wala na din akong nagawa. Nang makarating kami sa parking lot ay agad niya akong pinagbuksan ng pintuan ng kanyang sasakyan.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari at biglang tumahimik ang paligid. Hindi nagsasalita si Zach at seryoso lang siya sa pagmamaneho.
Napatingin ako sa kanya ng ihinto niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"I'm sorry."
"Para saan?" Naguguluhang tanong ko.
"I'm sorry for not being there when you needed me." Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela kaya hinawakan ko ang kamay niya at pinaharap siya sa akin.
"You don't have to be sorry." Nginitian ko siya para mapanatag na siya. "Hindi naman sa lahat ng oras magkasama tayo. Alam kong darating ka kung nalaman mo agad ang nangyari sa akin. Okay lang ako Zach." Paninigurado ko sa kanya.
