Chapter 4

515 34 2
                                        

* Andrea's PoV

"Hoy!" Sigaw ko sa kanya.

Unti unti niya akong nilingon ng hindi natatanggal ang kunot sa kanyang noo.

"Bakit ang tagal mo?" Masungit niyang tanong. "Alam mo ba kung ilang minuto na akong naghihintay sayo dito?"

"Oh tapos?" Walang gana kong tanong. "Ano bang kailangan mo?"

"Kailangan kita. I need you to make my bestfriend fall in love with you."

"At bakit ko naman gagawin yun?" Nanlalaki ang aking mga mata.

"I'll pay you. I just need your help." Desperadong sagot niya.

"Teka lang ha! Ano bang sinasabi mo ha?" Naguguluhan pa ding tanong ko.

"I love Athena." Nagulat ako sa sinabi niya. "Gusto ko siya pero si Zach ang gusto niya. So i need your help. Make Zach fall in love with you. Ako na ang bahala kay Athena."

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatulala lang sa kanya. What the hell is he thinking? Paano kung type din pala nung Zach ang Athena na yun? Anong laban ko sa dalawang taong nagmamahalan?

"Iba na lang. Wag na ako."

"But i can feel it. Alam kong may kakayahan ka para magustuhan ka ni Zach." Pamimilit niya. "I'll pay you one million for this."

Lalong nanlaki ang aking mga mata sa narinig. Seriously? Handa siyang maglabas ng ganun kalaking pera para lang dito? Ganoon niya kamahal si Athena? Napaisip tuloy ako sa alok niya. Oh god!

Nagpagulong gulong ako sa aking kama dahil hindi ko talaga lubos maisip kung bakit pumayag ako sa gusto ng lalaking iyon? Sana wag akong karmahin! Iniisip ko pa lang ang mga pwedeng mangyari ay gusto ko na agad umatras. Napabuntong hininga ako bago tuluyang tumayo mula sa pagkakahiga.

Ngayon pa lang gusto ko ng humingi ng tawad sa gagawin ko. Bukas namin napagdesisyunan na gawin ang plano namin. At binigyan pa ako ng deadline ng gunggong!

Two months!

Kukulangin ako sa maikling panahon na ibinigay niya. Anong tingin niya sa akin? Ubod ng ganda para mapaibig agad ang kaibigan niyang sobrang gwapo?

Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Kinuha ko ito at nakitang nagtext si Lucas.

From: Lucas Hudas
10am ang klase namin bukas. How about you?

To: Lucas Hudas
9am.

From: Lucas Hudas
Okay. Sumabay ka na lang sa amin bukas mag lunch. Ipapakilala kita sa kanila na yung babaeng dahilan kung bakit ako nagkabukol.

Natawa pa ako sa reply niya. Seriously? Napailing na lang ako.

To: Lucas Hudas
Gege.

Simpleng sagot ko at itatago ko na sana ang cellphone para makatulog na ako pero nagreply naman siya agad.

From: Lucas Hudas
You know what to do after that.

Napabuntong hininga ako at hindi na lang ulit nagreply sa kanya.

Ano ba itong gulong pinasok mo Andrea??

------------------

Hindi ko alam kung bakit pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko ng magring na ang bell. Pakiramdam ko ay hahatulan na ako mamaya kahit wala pa naman akong ginagawa.

Letseng isang milyon! Nakakasilaw! Ugh.

"Ands are you okay?" Napatingin ako kay Tanya dahil sa tanong niya.

I badly want to say no. I badly want to ask for help pero ginusto ko din naman ito. Kailangan ko ng perang yun lalo na ngayon at nalaman ko kagabi na may sakit pala sa puso si Papa. Kung hindi ko pa makikita yung mga nireseta sa kanyang gamot ay hindi ko pa malalaman na may sakit pala siya.

"Okay lang." Pilit ko siyang nginitian para hindi na siya mag alala pa.

"Tara lunch na tayo." Nakangiting aya niya.

Papayag na sana ako kaso naalala ko na kailangan ko nga pa lang sumabay sa lunch nila Lucas Hudas. Paano ko ba sasabihin kay Tanya itong pinasok ko?

"Hmm. Ano kasi Tanya.."

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang may umakbay sa akin. Gulat kong nilingon kung sino man iyon at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko si Lucas.

"Hihiramin ko muna ang kaibigan mo." Nginitian niya si Tanya at kinindatan pa.

Gulat na gulat din siya pati na ang ibang kaklase namin na nandito pa sa room. Hindi na ako nakapagpaliwanag kay Tanya dahil hinila na ako agad ng hudas.

Pinagtitinginan kami ng mga nakakasalubong namin at wala akong ibang nagawa kundi ang yumuko. Nang malapit na kami sa cafeteria ay inakbayan niya ako.

"Mabait naman si Zach." Panimula niya. "Ayaw lang talaga niya sa mga babaeng sisigaw kapag nakita siya. Medyo pihikan siya sa girls pero alam kong kaya mo siyang mapaibig sayo." Tinignan ko siya at seryoso lang siya.

"Paano kung gusto nilang dalawa ang isa't isa?" Kunot noo kong tanong.

"Walang gusto si Zach kay Athena. Kung mayroon edi sana pinatulan niya noong umamin sa kanya si Athena na gusto siya nito. He loves Athena as his younger sister. Yun lang." Kampante nitong sagot.

You can do it Andrea! Fighting!


-------------

Sorry sa sobrang tagal ng UD dito sa story ni Zach. Na busy lang hehehe. Wag sana magalit si Jisoo at bebe Vlad 😉😂😂😂😂

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now