Chapter 12

444 30 17
                                        

* Andrea's PoV

Kitang kita ko ang pinaghalong kaba, takot, pag asa at saya sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I don't want to break his heart pero ayaw ko din naman siyang paasahin. Nakatitig lang kami sa isa't isa habang hinihintay niya ang aking sagot. Halos hindi ko na marinig ang pagsigaw ng mga kaklase ko. Jacob is a nice guy at ayaw ko siyang saktan sa harap ng maraming tao.

"Jacob.. I.."

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng may humawak sa isa ko pang kamay. Nanlaki ang aking mga mata ng makita kung sino ang nakahawak sa akin ngayon.

"Z-zach." Gulat kong sambit sa kaniyang pangalan.

"Umamin kang gusto mo ako pero heto ka at nagpapaligaw sa iba." Seryosong sabi niya. "Are you even serious when you confessed to me?"

"What the hell Zach?" Nalipat ang aking tingin kay Jacob ng magsalita siya. Napatingin ako sa kamay namin ng higpitan niya ang pagkakahawak sa akin. "I already gave up Athena for you. Tapos ngayon si Andrea naman?" Natawa siya ng mahina. "Are you fucking serious dude?" Naiinis niyang tanong kay Zach.

Napalunok na lang ako sa sitwasyong kinasasangkutan ko ngayon. Anong gagawin ko?

"Why don't you ask her who will she going to choose between us?" Ngayon ko lang nakita yung ganitong side ni Zach. Yung maangas. Yung siguradong sigurado na alam na niya ang sagot ko.

Napaisip tuloy ako. Sino nga ba ang pipiliin ko? Yung taong mahal ako o yung taong kailangan ko? Kapag si Jacob ang pinili ko alam kong magiging masaya ako and maybe. Maybe i can learn to love him too.

Kapag si Zach naman makukuha ko na yung usapan namin ni Lucas. Maipapagamot ko si Tatay pero hindi ko alam kung magiging masaya ako pagkatapos non. I mean, hindi naman niya sinabing gusto niya ako.

Sino sa kanilang dalawa?

Napapikit ako ng mariin ng makitang nakatingin sa akin ang lahat at hinihintay ang aking sagot. Tinignan ko silang dalawa bago ko inalis ang kamay ni Jacob na nakahawak sa akin.

"A-andrea." Naguguluhang sambit niya sa aking pangalan.

"I'm sorry Jacob but i choose Zach."

Umiling si Jacob bago humakbang palayo sa amin. Gusto ko siyang sundan. I wanted to say I'm sorry kahit nagsorry naman ako. I want to comfort him because i know his hurt pero ang kapal naman ng mukha ko kung gagawin ko yun samantalang ako naman ang dahilan kung bakit siya nasasaktan.

Hindi na ako nakaangal ng bigla akong hatakin ni Zach palabas. Nang makarating kami dito sa rooftop ay binitawan na niya ako. Nanatili lang akong nakayuko at hinihintay ang sasabihin niya.

"Are you regretting it now?" Mahina niyang tanong. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Nagsisisi ka ba na ako ang pinili mo?"

Hindi ako agad nakasagot. Do i? Am i regretting it? Okay. Kahit ilang beses ko namang ideny sa sarili ko alam kong may gusto ako sa kanya. I like Zach but I'm still not ready to enter in a relationship. Ginagawa ko lang ito para kay Tatay. Siya muna dapat ang maging focus ko ngayon. Saka na lang ang sarili ko kapag sigurado na akong maayos ang lagay niya. I can afford losing Zach but not my father. He's the only one i have.

"No." Sagot ko kay Zach pagkatapos ng ilang minutong pagtahimik ko.

"Good." Nakangiting sabi niya at naramdaman ko na lang na niyakap niya ako. "Thank you for choosing me Andrea. Maybe it's too early to say it but i want you to know that.." Lumayo siya sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko. "I love you Andrea and I'm willing to take the risk just to be with you."

Hindi ko alam kung dapat bang maging masaya ako sa aking narinig. He loves me.

Zach loves me..

Ito yung plano namin ni Lucas. Nagawa ko na siyang mapaibig sa akin ng wala man lang kahirap hirap. I should be happy but i just can't. I don't know if i should be happy.

Nang matapos ang klase ay sinundo niya ako sa classroom. Masama ang tingin ng iba sa akin dahil nga alam nila ay may relasyon sila ni Athena. Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Ngayon ko lang naalala na alam ng lahat ay may relasyon sila ni Athena. Hindi ko man lang iyon naisip ng piliin ko siya kanina.

Magagalit ba si Athena sa akin?

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now