Chapter 25

366 19 1
                                        

* Andrea's PoV

Kinabukasan ay maaga kaming gumising at kumain para pumunta sa grandparents nila Zach.

"Hey, are you done?" tanong ni Zach habang nakasilip sa pintuan ng kwarto.

"Magsasapatos na lang." sagot ko at nginitian siya.

"Nasa iisang compound lang nakatira ang parents nila Mommy, Tita Jennie, Tita Lisa at Tita Rose." nakangiting pagkukwento ni Brianna. "Mababait silang lahat kaya wag kang kakabahan, Ate."

"Sus. Wag ka ding kabahan Brie, mabait naman si Mikael." pagsingit ni Lucas na agad namang hinampas ni Brie.

"You're so nakakainis talaga Kuya Lucas! Ate Athena! Makipagbreak ka na nga dyan." nakasimangot na sabi niya kaya natawa si Athena.

"Sige. Pagbalik natin sa Manila."

"What?! No babe! No one's breaking up, okay?" agad namang pagtutol ni Lucas.

Napatingin ako sa aking gilid ng may umakbay sa akin. Hinalikan ako ni Zach sa noo bago hinarap sila Brie.

"Tama na yan. Tara na."

Nauna na kaming maglakad habang nasa likod sila Lucas na tuloy pa din ang pakikipag asaran kay Brianna. Twenty minutes lang naman ang aabutin kapag naglakad para makapunta sa compound ng mga Villarama kaya napagdesisyunan naming maglakad na lang.

Nang nilingon ko sila Brie sa likod ay nakita kong tumatakbo na siya habang hinahabol si Lucas. Si Athena naman ay natatawang pinapanood ang dalawa.

"Are you happy?" nilingon ko si Zach at nginitian.

"Oo naman." hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay kaya lalo akong napangiti.

"I'm glad you're happy."

Bumitaw ako sa kaniyang hawak at iniyakap ang aking braso sa kaniya. Nagkatinginan kami at pareho na lang natawa.

"Mga apo!" isang nakangiting matandang babae ang sumalubong sa amin ng makapasok kami sa compound.

"Lola!" tili ni Brie at agad niyakap ang matanda.

Isa isa niya kaming niyakap at mahahalata sa kaniyang mukha ang kasiyahan.

"Sino naman ang magagandang dalaga na ito?" tanong niya kina Zach pagkatapos akong yakapin at haplusin ang aking buhok.

"She's Andrea, Lola. Girlfriend ko." nakangiting pagpapakilala ni Zach sa akin.

"And this is Athena, my girlfriend."

"Talaga? May girlfriend na ang mga apo ko?" niyakap ako ulit ni Lola. "Welcome to the family hija."

"Maraming salamat po." sabay na sabi namin ni Athena.

Pumasok kami sa loob ng bahay nila at pinagpahinga kami sa sala dahil hinahanda pa lang daw ang pagkain. Nakilala ko na din ang mga magulang nila Tita Jennie at totoo ngang mababait silang lahat.

"Nasaan ba si Allen? Hindi na ako binibisita ng apo kong iyon." tila nagtatampong sabi ng Mama ni Tita Jennie.

"She's busy with her girls.. I mean with work Lola." natatawang sagot ni Brie.

"Manang mana talaga kay Jimin na babaero." naiiling na sabi ni Lola na ikinatawa namin.

"Ilang araw ba kayong maglalagi dito?" tanong ng Mama ni Tita Rose.

"Four days po." magalang na sagot ni Athena.

After naming magtanghalian ay pumunta kami sa kabilang compound kung saan doon daw nakatira si Mikael na crush ni Brianna.

"Mamaya ka na kiligin. Wala pa si Mikael." pang aasar na naman ni Lucas.

"Oh shut up, Kuya!" naiinis namang sabi ni Brie.

"Wag mo na ngang asarin si Brie." panenermon ni Athena.

"Oh God! Thanks Ate Athena. Pagsabihan mo yang boyfriend mong ibibreak mo din pagbalik natin sa Manila." binelatan pa ni Brie si Lucas na ikinatawa na lang namin.

Nang makarating kami sa compound ay tatlo lamang ang bahay na nandito kumpara doon sa compound ng mga Villarama na mayroong limang bahay.

"Zach! Lucas!" isang tumatakbong lalaki ang tumawag sa pangalan ng mga kasama namin. Napataas ang aking kilay ng makitang namumula ang mukha ni Brie habang nakatingin sa hubad na katawan noong lalaki.

"Mikael dude!"

Nagfist bump silang tatlo sa aming harapan.

"Hubad ka na naman. Nagpapasikat ka talaga kay-.." hindi na natuloy ni Lucas ang sasabihin dahil binatukan siya ni Brianna.

"Mabuti napasyal kayo dito." nakangiting sabi ni Mikael bago tinignan si Brie. "Hi, Brianna."

"H-hi." nauutal na bati ni Brie.

"Hi girls." bati niya sa amin ni Athena.

"By the way, this is Andrea. My girlfriend."

"And this is Athena, my girlfriend."

"Wow! Nice to meet you, Andrea and Athena." nginitian ko lang siya at tinanguan.

"Sweeetie!" napalingon kami sa likod ng biglang may sumigaw.

"Hi sweetie!" agad akong napatingin kay Brianna ng marinig ang itinawag ni Mikael sa babaeng bagong dating.

Kagat kagat niya ang kaniyang labi habang nakayuko.

"By the way, this is Vina. My girlfriend." dinig kong pagpapakilala ni Mikael sa babae pero nanatili ang aking tingin kay Brie.

"Brie." mahina kong pagtawag sa kaniyang pangalan.

Nag angat siya ng tingin sa akin bago ako nginitian.

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now