* Andrea's PoV
Tatlong araw na ang lumipas mula noong makabalik ako dito sa Pilipinas. Kahapon ay tumawag iyong agency kung saan ako kumuha ng mga trabahador para ipaayos ang unit ko at sinabing pwede na daw akong lumipat doon.
Agad akong nagcheck out sa hotel at nagpunta sa condo. Napahinga ako ng malalim ng makapasok dito. Wala pang masyadong gamit kaya iyon siguro ang aasikasuhin ko ngayon. Mabilis akong nakaipon sa Australia dahil bukod sa sarili ko ay wala naman akong pinagkagastusan na iba.
Iniwan ko lang ang maleta ko sa loob at umalis na ulit. Dumiretso ako sa mall at sa appliances agad dumiretso. Binili ko ang mga kailangan ko at sinabing ideliver na lang sa unit ko. Pagkatapos kong bayaran lahat ng binili ko at ibigay ang address ko ay sa supermarket naman ako dumiretso. Kumuha ako ng cart at bumili ng rice cooker, kawali, kaserola at kung anu ano pang makita kong kailangan ko sa bahay. Isinabay ko na din ang groceries ko. Agad na din akong lumabas pagkatapos kong magbayad. Magluluto na lang ako mamaya sa unit.
Tulak tulak ko na ang cart na naglalaman ng mga ipinamili ko para sana lumabas na at doon maghintay ng taxi ng mapahinto ako dahil sa makakasalubong ko.
Agad kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng aking puso habang nakatitig sa mga mata ng lalaking matagal ko ng hindi nakita.
"Z-zach." mahinang pagtawag ko sa kaniyang pangalan.
Natigilan ako ng bigla siyang ngumiti. Magsasalita na sana ako pero hindi ko natuloy dahil may tumawag sa kaniya mula sa aking likod.
"Zach! Kanina pa kita hinihintay." humalik ang babae sa kaniyang pisngi at humawak sa kaniyang braso.
"May tinapos lang ako sa office. Naisip mo na ba kung saan tayo kakain?"
Nakagat ko ang aking labi ng dumaan sila sa aking gilid. Para lang akong hangin na dinaanan nila. Napayuko ako at kahit gusto silang lingunin ay hindi ko na ginawa pa. Nagmadali akong lumabas at mabuti na lang dahil maraming taxi doon.
"Thanks." pasasalamat ko sa taxi driver ng tulungan niya akong ilagay lahat ng pinamili ko sa kaniyang sasakyan.
Sa buong biyahe ay sa labas lamang ako ng bintana nakatingin. May iba na pala siya. Bakit sinabi ni Tanya na wala? Nililihim ba niya iyon? Napailing ako at inalis na sila sa aking isipan. Kung masaya na siya dapat maging masaya din ako para sa kaniya.
Pagdating sa unit ay agad kong inayos ang groceries ko sa cup board. Ilang oras lang ang lumipas ay dumating na din ang mga pinamili kong appliances. Binigyan ko ng tip ang delivery boy at agad ding isinarado ang pintuan. Itinali ko ang aking buhok at nagsimulang ayusin ang aking mga gamit.
Nilagay ko malapit sa lababo ang ref na medyo maliit lang naman. Pagod na pagod ako pagkatapos kong iayos ang ref. Jusko! Ang hirap pala kapag mag isa. Naisipan kong tawagan si Tanya pero may dinner daw sila kasama ang parents ni Leo kaya hindi ko na inistorbo. Wala naman na akong ibang kakilala dito kaya naman nanlumo ako. Napatingin ako sa pintuan at naisipang kumatok sa katabing unit ko. Baka pwede akong humingi ng tulong.
Ilang beses akong bumuga ng hangin dahil nahihiya akong kumatok. Napalunok ako bago kumatok ng tatlong beses.
"Hi! Magpapa.." hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng makita kung sino ang nagbukas ng pintuan. "Zach."
Napayuko ako at nginitian siya ng tipid ng mag angat ako ulit ng tingin.
"Anong kailangan mo?" tila nanlamig ako ng marinig ang malayelong boses niya.
"A-ah. W-wala. Sorry." utal utal kong sagot. "S-sige."
"Anong kailangan mo?" ulit niya sa tanong niya kanina.
"Magpapatulong sana ako magbuhat ng gamit pero wag na lang. Okay na pala."
Nagulat ako ng bigla siyang lumabas at isinarado ang pintuan ng kaniyang unit. Nakatingin lang ako sa kaniya ng pumasok siya sa unit ko na nakabukas ang pintuan.
"Saan ilalagay itong TV?" agad niyang tanong noong makapasok ako.
"Ah dito na lang."
Tahimik lang kami habang nag aayos. Nag uusap lang kami kapag itatanong niya kung saan ilalagay ang mga gamit. Pinagtulungan naming buhatin ang isang sofa, ang dining table at apat na upuan. Nilagay din niya sa laundry area ang washing machine ng mag isa. Pinagtulungan naman naming ilagay sa kwarto ang kama at ang cabinet.
Napabuntong hininga ako ng maayos na ang lahat ng gamit ko. Agad akong dumiretso sa kusina para kumuha ng maiinom. Napailing ako ng maalalang wala pang malamig na tubig kaya naman ang kinuha ko na lang ay yung medyo malamig pa na yakult at dalawang cupcake.
"Kain ka muna." napangiwi ako ng makitang nakatitig lang siya sa yakult at cupcake na inaabot ko. "Sorry, wala pa kasing malamig na tubig tsaka wala pang pagkain." nahihiyang dugtong ko.
Lihim akong napangiti ng kunin niya ang pagkaing inabot ko at umupo sa sofa.
