* Andrea's PoV
Pagpasok ko sa aking hotel room ay agad tumunog ang aking cellphone. Nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay si Mama pala.
"Hi Ma." bati ko ng sagutin ang tawag.
"Anak! Nakarating ka na ba? I'm sorry hindi kita nasundo. Hindi kasi ako makaalis dito sa Batangas kasi nasa Cebu pa ang Tito mo."
"It's okay, Ma. Sinundo naman ako ni Tanya."
"Nasaan ka ngayon? Pupunta ka ba dito after ng wedding ni Tanya?"
"Nasa hotel ako Ma. Hindi ko pa sure kung kailan ako makakauwi dyan. May interview kasi ako sa isang hotel the day after Tanya's wedding." naglakad ako papunta sa malaking bintana at binuksan ang kurtina. "I'll call you na lang."
"Okay. Ingat ka anak."
"Ingat ka din Ma. Say hi to Mikael for me."
"Of course. Bye."
"Bye."
Nang patawarin ko si Mama ay sinubukan ko na ding tanggapin ang kaniyang bagong pamilya. Mabait naman si Tito Erick at si Mikael. They accepted me as their family too. Hindi nila pinaramdam sa akin na iba ako.
Nahiga ako sa aking kama at muling naalala ang sinabi ni Tanya kanina bago ako sumakay sa kanilang sasakyan.
"Okay na kayo ng Mama mo at ng bago niyang pamilya. Maybe it's time for you to fix your heart too. I know Zach is just waiting for you to take him back. Mahal na mahal ka niya, Ands. Wag mo ng pahirapan pa ang mga sarili niyo."
Sana nga ganoon lang kadali kapag bumalik ako sa kaniya. Tatanggapin ba niya ako agad? Napabuntong hininga ako at tinignan ang picture naming dalawa na hanggang ngayon ay hindi ko pa din binubura sa aking cellphone. Kapag may nanliligaw sa akin sa Australia ay pinapakita ko lang itong picture namin para malaman nilang may boyfriend na ako.
I miss you, Zach.
Kinabukasan ay maaga akong binulabog ni Tanya para daw magsukat ng gown.
"Excited na ako, Ands! Isang linggo na lang at ikakasal na ako." nakangiting sabi ni Tanya habang nakatitig sa kaniyang suot na engagement ring.
"Okay na ba ang lahat para sa kasal mo? Baka may maitutulong pa ako." alok ko habang nagsusuklay.
"Okay na ang lahat. Ikaw na lang talaga ang wala pang nasusukat na gown." nakasimangot niyang sabi na ikinatawa ko na lang.
Dala naman ni Tanya ang kaniyang sasakyan kaya hindi na din kami nahirapan pa sa biyahe. Nang makarating sa shop ay agad niya akong hinila para simulan na ang pagsusukat ng gown.
"Yung ibang abay ay sky blue ang gown pero ikaw ay pink para naman bongga!" nailing na lang ako sa kaniya.
Siguro ay nakalimang sukat ako ng mga damit bago siya nakapagdesisyon kung ano ang gusto niyang isuot ko.
"Hindi ba masyadong revealing?" tanong ko at ilang beses pang tinignan ang aking likod.
"Ano ka ba?! Maganda nga eh. Backless!" tumatawang sagot niya.
"Ewan ko sayo. Pasalamat ka at kasal mo kaya pagbibigyan kita."
After sa pagsusukat ay dumiretso kami sa mall para bumili ng sandals na ipapares sa aking gown.
"Okay na ang silver. Hindi din naman gaanong makikita dahil mahaba ang gown." sabi ko dahil gusto niyang kulay gold pa ang isuot kong sandals.
"Sige na nga. Bahala ka na."
Pagkatapos mamili ay dumiretso naman kami sa restaurant para kumain.
"Anong plano mo? May inapplayan ka na ba?" tanong niya habang hinihiwa ang karne.
"Yup. After wedding mo ay may interview ako kinabukasan."
"Talaga? Saan?"
"Sa Shangri-La." tipid na sagot ko.
"Wow! Bigatin ka ha!" natatawang sabi niya.
"Sana lang ay matanggap ako."
"Jusko girl! For sure tanggap ka no! Imagine! Isa kang manager sa five star hotel sa Australia. Kinabog mo silang lahat doon!" natawa ako at nailing.
Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga nangyari dito simula noong umalis ako.
"Oh. Sila Lucas at Athena pala ay ikinasal na last year."
"I know. Ininvite nila ako pero hindi ako nagpunta."
"Hindi ka pa ba handang makita siya ulit?" napabuntong hininga ako at uminom ng juice.
"Sa totoo lang, namimiss ko na siya Tanya. Gustung gusto ko na siyang makita pero natatakot kasi ako. Natatakot ako na baka late na pala ako. Na baka may iba na pala siya. Natatakot akong masaktan." nginitian ako ni Tanya at hinawakan ang aking kamay.
"Kaya nga dapat kausapin mo na siya. Nakakatakot naman talagang masaktan pero kung totoong mahal mo yung tao handa kang masaktan. Subukan mo lang, kapag hindi na pwede magmove on ka. Kapag mahal niyo pa ang isa't isa edi masaya."
