* Andrea's PoV
"Are you okay?" naupo ako sa tabi ni Brianna na kanina pa tahimik.
Pagkatapos naming kainin ang miryendang inihanda ni Mikael ay humiwalay na siya sa amin at piniling maupo na lang dito sa duyan sa gilid ng bahay nila Mikael.
Nilingon ko sila Zach na ngayon ay nakikipagkwentuhan kina Mikael. Nagkatinginan kami at tinanguan ko siya. Telling him na ako na muna ang bahala sa kaniyang kapatid.
"Actually, I'm hurt Ate."
"It's okay. Bata ka pa naman. Marami ka pang makikilalang iba."
"But I really want him. Hindi ako nagpapaligaw sa iba sa Manila kasi gusto ko siya ang maging first boyfriend ko." napabuntong hininga siya bago tumingala at tumingin sa langit. "I really want to go home since that Vina came but I don't want to look like a loser so I chose to stay."
"And I'm glad you stay." tinignan niya ako at nginitian.
"Thanks Ate. I really needed someone to talk to." nginitian ko siya at inakbayan.
Napatingin ako sa gate ng compound ng may pumasok na isang mamahaling sasakyan. Iaalis ko na sana ang aking tingin doon pero hindi ko nagawa ng makitang isang pamilyar na babae ang bumaba mula doon. Napatayo ako ng mapagtanto kung sino ang dumating.
"Mom!" nilingon ko si Mikael na agad na lumapit sa babae at humalik sa pisngi nito. "Nasaan si Dad?"
"Nasa planta pa. May mga bisita ka?" nakangiting tanong ng babae.
"Yup. Nandito sila Zach at Lucas."
Ngumiti ang babae bago nalipat sa akin ang tingin. Kitang kita ko kung paano umawang ang kaniyang bibig at kung paano manlaki ang kaniyang mga mata.
"A-andrea." gulat na banggit niya sa aking pangalan.
I can hear my heart breaking. Nararamdaman ko na ang pagtulo ng aking mga luha pero hindi ako makagalaw.
"Ate, why are you crying?" nag aalalang tanong ni Brie pero hindi ko siya magawang lingunin.
"M-mama."
Humakbang siya palapit sa akin pero agad akong humakbang paatras.
"A-andrea. Anak." napailing ako at napangiti ng malungkot.
"Hey! Baby!" hinawakan ni Zach ang magkabilang pisngi ko pero nanatili ang aking mga mata sa Nanay ko.
"Naghanap ka ng ibang pamilya at iniwan kami?" puno ng hinanakit kong tanong.
Naramdaman ko ang pagtahimik ng mga tao sa paligid.
"A-anak." mangiyak ngiyak na pagtawag niya sa akin.
"Naghanap ka ng ibang pamilya at iniwan kami?!" ulit kong tanong pero sa pagkakataong ito ay isinigaw ko na iyon. "Bakit? Bakit mo kami iniwan ni Papa noon?" pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking pisngi. "Alam mo bang namatay na siya?" kita ko ang panlalaki ng kaniyang mga mata dahil sa narinig. Napangisi ako at napailing. "Hindi mo alam di ba? Edi hindi mo din alam ang paghihirap na dinanas namin? Hindi mo alam kung gaano ako nagluksa dahil nawala na ang kaisa isang taong nag alaga sa akin! Nasaan ka noong mga panahong kailangan ko ng pag aaruga ng isang Ina? Nagpapakasaya sa bagong pamilya?!"
"Anak, makinig ka."
"No! I-ikaw ang makinig! Ang tagal kong i-itinago lahat to. Ang tagal kong k-kinimkim ang sama ng loob ko sayo!" humahagulgol kong pagpapatuloy. Kinapa ko ang aking dibdib kung nasaan ang aking puso at pinagsusuntok yun. "Punong puno ito ng galit, ng pangungulila. Wala ng natitirang puwang para sa mga sasabihin mo! Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin kapag naririnig ko si Papa na tinatawag ang pangalan mo kapag natutulog siya. Hindi mo alam kung paano maghanda si Papa kapag sumasapit ang kaarawan mo. Hindi mo alam kung paano siya nagdusa sa sakit niya na wala man lang asawang mag aalaga sa kaniya. Hindi mo alam kung paano niya sinubukang maging isang Ama at Ina para sa akin. Hindi mo alam kung paano siya umiyak sa gabi habang hawak ang litrato ninyong dalawa. Hindi mo alam kasi iniwan mo kaming naghihirap habang ikaw ay nagpapakasaya dito!!" unti unti akong humakbang palapit sa kaniya. "Iniwan mo kami kasi mas maganda ang buhay mo dito? Iniwan mo si Papa kasi wala siyang maayos na trabaho di ba?" huminto ako ng tuluyan ko na siyang makaharap na katulad ko ay humahagulgol na din ngayon. "Kapag lasing si Papa, palagi kong naririnig na tinatanong niya ang sarili niya kung bakit mo siya iniwan. Kung ano ba ang kulang sa kaniya." nakagat ko ang aking labi at napayuko. Huminga ako ng malalim at tinignan siya. "Ngayon alam ko na ang sagot sa mga tanong niya pero wala nang saysay. Dahil wala na siya."
