Chapter 20

422 23 1
                                    

* Andrea's PoV

Kinabukasan ay lalong dumami ang mga nakikiramay sa akin. Dumating din ang mga ilang kaibigan at katrabaho ni Tatay. May dumating din na ilang mga kamag anak namin na ngayon ko lang nakilala.

"Salamat po." yun lang ang tangi kong nasagot sa kanila.

Umuwi muna saglit si Zach at sinabing babalik din agad. Maliligo lang daw muna siya at magpapalit ng damit.

Namimigay ako ng biscuit sa mga bagong dating ng dumating si Zach. Nagulat pa ako dahil kasama niya ang parents at mga kapatid niya.

"Good morning po." nahihiyang bati ko.

"Condolence hija." sabi ni Tita Jisoo at niyakap din ako.

Ganoon din sila Tito Vlad at ang kambal.

"Maraming salamat po."

Ngayon ko napatunayan kung gaano kalayo ang agwat naming dalawa ni Zach. Hindi bagay ang pamilya niya sa ganitong bahay. Para silang mga branded na damit na naligaw sa ukay ukay.

"Condolence Ate." malungkot na sabi ni Brianna. "Nagulat talaga ako ng nalaman ko kagabi na wala na ang Papa mo. Gusto ko na sana agad pumunta kagabi kaso sabi nila Kuya ngayong umaga na lang daw." nginitian ko siya at nagpasalamat muli.

Nagulat ako ng may iabot na sobre sa akin si Tita Jisoo. Alam kong pera ang laman noon kaya hindi ko tinanggap.

"Naku Tita. Hindi na po kailangan." nahihiyang sabi ko. Masyado kasi iyong makapal at mahirap tanggapin hindi katulad ng mga bente pesos at baryang abuloy ng mga kapitbahay namin.

"Tanggapin mo na hija." hinawakan ni Tita ang aking kamay at nilagay doon ang sobre. "You need it. Lalo na ngayon." tumingin siya kina Tito Vlad at Zach na ngayon ay nakatingin din sa amin. "You know you can live in our house." nakangiting alok nito na lalo kong ikinagulat. "It's hard to live alone. Lalo na at bata ka pa. Think about it Andrea and you're welcome in our house."

Niyakap niya ulit ako bago sila tuluyang umalis dahil may meeting pa daw sila ni Tito at may klase naman ang kambal. Paulit ulit akong nagpasalamat sa kanila.

"Nakakahiya sa parents mo, Zach." sabi ko ng umupo siya sa aking tabi pagkatapos niyang ihatid ang parents niya sa labas.

"It's okay. Isa pa kailangan mo talaga yan." hinawakan niya ang aking kamay at hinarap ako ng buo. "Mom is right. Doon ka na lang sa amin. Mahirap mamuhay mag isa lalo na at nag aaral ka pa."

"Hindi." umiling iling pa ako. "Baka kung anong isipin ng iba. Baka sabihin nila na pera lang talaga ang habol ko sayo. Ayaw ko nun."

"You don't have to think about it. They can think what they want to think basta alam natin ang totoo."

Nang sumapit ang araw na kailangan ng ilibing ni Tatay ay wala pa din akong tigil sa pag iyak. Hindi naman ako iniwanan nila Zach at Tanya. They stay with me at ipinagpapasalamat ko iyon.

Hindi binitiwan ni Zach ang kamay ko.

"You'll be fine. I'm just here."

Nang makabalik kami sa bahay ay nagulat ako ng makita doon si Lucas.

"Condolence, Andrea."

"Ang lakas naman ng loob mo na pumunta dito." si Zach ang unang nakapag react sa amin.

"Nandito ako para makiramay hindi para makipag away." kalmadong sabi ni Lucas.

"Salamat Lucas."

"Gabi gabi akong nagpupunta dito pero hindi ako nagpapakita. Nahihiya ako sayo. Sa inyo. I'm sorry."

Hindi na rin naman nagtagal pa si Lucas. Siguro ay sa future ay magiging okay ulit kami. Hindi man ngayon pero alam kong darating ang araw na yun.

"Nakapagdesisyon ka na ba?" tanong ni Zach ng maiwan kaming dalawa dito sa bahay.

"Hindi ko pa alam Zach.

Alam kong mahirap mamuhay ng mag isa pero siguro naman ay kakayanin ko iyon. May part time pa naman ako. Siguro ay kakausapin ko na lang si Lucas at sasabihin na huhulug hulugan ko na lang ang nagastos ko sa perang binigay niya.

Kinabukasan ay pumasok na din ako sa school. Sinundo ako ni Zach na may dala pang almusal.

"Call me if you need anything." tumango ako at nginitian siya.

"Thank you, Zach." hinalikan niya ako sa noo bago tuluyang umalis.

"Ands, kamusta?" tanong ni Tanya ng makaupo ako sa kaniyang tabi.

"Ito.. Nag aadjust na kahit papaano."

"Gusto mo ba sa bahay ka na muna? Paniguradong papayag sila Mama."

"Okay lang ako. Salamat ha. Salamat kasi hindi mo ako iniwan lalo na ngayon."

Ngayon ko talaga napatunayan na walang kahit sinuman ang kayang mamuhay na mag isa. Kahit gaano ka pa katatag ay kailangan mo pa din ng makakasama at makakaramay sa buhay.

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now