* Andrea's PoV
Nang matapos ang summer break ay ipinagpatuloy ko ang buhay ko. Nagtatrabaho sa coffee shop nila Tita Jennie. Nag aaral ng mabuti para next year ay makagraduate na ako.
Zach and I? Hmm. We're still together. Busy na din siya sa pagtatrabaho sa kumpanya nila kaya minsan na lang din kaming magkita. Alam kong nagtatampo siya sa akin dahil medyo iniiwasan ko siya. Minsan ay hindi ko siya nirereplayan. Siguro gusto ko munang ipahinga ang sarili ko sa ibang bagay at magfocus muna sa pag aaral at trabaho.
At si Mama.. Sinusubukan niya akong kausapin pero ako ang umiiwas. Hindi pa kasi ako handang kausapin siya. Hindi ko alam kung kakayanin kong makaharap siya ulit. Hindi ko din alam kung kakayanin ko na siyang harapin ng hindi ako nasasaktan.
"Hi Ands!" nginitian ko si Tanya at naupo sa kaniyang tabi.
Hindi na kami classmates pero kapag may time ay sabay kaming kumakain ng lunch.
"Hi Ands." tinanguan at nginitian ko din si Leo.
Yup. They're now together. Noong bakasyon daw ay sinagot na ni Tanya. I'm happy for them. Finally ay nakikita kong masaya si Tanya at nagbabago na din si Leo.
"Ako na ang bibili ng pagkain natin." nakangiting sabi ni Leo at hinalikan pa sa noo si Tanya bago umalis.
"Ang sweet." nakangising sabi ko.
Ngumiti lang siya at kinindatan ako.
"Si Zach? Kamusta na kayo?" tanong niya dahilan para mapabuntong hininga ako. "Bessy, kawawa naman si Zach. Walang kasalanan yung tao pero nadadamay sa pag eemote mo."
"I know. I just.. Hindi ko din alam kung anong nangyayari sa akin."
"Mahal mo pa ba siya?" Natigilan ako ng marinig ang tanong ni Tanya. Nakagat ko ang aking labi at napayuko. "Ands, are you still in love with Zach?" ulit niyang tanong.
"Actually, hindi ko alam." nag angat ako ng tingin sa kaniya at napailing. "I really don't know, Tanya. Sa ngayon kasi, wala akong makapang pagmamahal sa puso ko. Punung puno ako ngayon ng galit. Gusto kong mag isa. Gusto kong mag isip. I just want to shut down everything right now."
Hinawakan niya ang aking kamay at nginitian ako.
"Wag mong hahayaang mawala siya sayo bago mo malaman kung ano talaga ang nararamdaman mo, kasi baka mahirapan ka ng bawiin siya."
Paulit ulit kong naririnig sa aking isipan ang mga salitang iyon. Napapikit ako ng mariin at tinignan ang picture namin ni Zach na nakasave sa cellphone ko.
"Wag mong hahayaang mawala siya sayo bago mo malaman kung ano talaga ang nararamdaman mo, kasi baka mahirapan ka ng bawiin siya."
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa aking kama at idinial ang number niya. Unang ring pa lang ay sinagot na niya na para bang kanina pa niya hinihintay ang tawag ko.
"Hey baby!"
"Zach. Can we talk?"
"Sure. Saan ba?"
"Sa may park na lang malapit sa school."
"Okay. Susunduin kita."
"No. Magkita na lang tayo doon."
Agad kong binaba ang aking cellphone at muling tinignan ang picture naming dalawa.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Zach na nakaupo sa duyan. Napayuko ako at agad pinunasan ang luhang tumulo sa aking pisngi. Nag angat ako ng tingin at dahan dahang naglakad palapit sa kaniya.
"Zach." pagtawag ko sa kaniyang atensyon ng tuluyan akong makalapit sa kaniya.
"Baby." tumayo siya at agad akong niyakap. "I miss you."
Pumikit ako at niyakap siya pabalik. Sana hindi ko pagsisihan ang gagawin ko ngayon. Sana, maging masaya ako kapag nakita kong masaya na din siya ng wala ako.
Humiwalay ako mula sa kaniyang pagkakayakap at nginitian siya.
"Zach.." napayuko ako para hindi niya makita ang pamumuo ng aking luha. "I'm sorry."
"Baby, what's wrong?" nang tignan ko siya ay kitang kita ko ang pag aalala sa kaniyang mukha.
"A-ayaw ko na."
Nag iwas siya ng tingin at huminga ng malalim bago ibinalik sa akin ang tingin.
"What is this? Ano to?" ang kaninang pag aalala sa kaniyang mukha ay agad napalitan ng sakit at pangamba. "Baby."
"Maghiwalay na lang tayo." buong tapang kong sabi.
"What the hell are you talking about? Anong problema, Andrea? May nagawa ba akong mali?"
"No. No. Ako yung may mali. Hindi ko kayang ikulong ka sa relasyong hindi mo deserve." pinunasan ko muli ang luhang tumulo sa aking pisngi pero patuloy pa din ang pagtulo nito. "Zach, sirang sira na ako. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi kita kayang mahalin habang punung puno ng galit yung puso ko." hinawakan ko ang kaniyang pisngi at pinunasan ang kaniyang luha. "I just needed to heal my self first. Gusto ko munang ayusin yung sarili ko para kapag binalikan kita buo na ako. Buo na yung pagmamahal na maibibigay ko sayo." lumapit ako sa kaniya at hinalikan ng mabilis ang kaniyang labi. "I love you, Zach. Sorry."
