* Andrea's PoV
"Hi guys!" Nakangiting bati ni Lucas sa mga kaibigan niya ng makarating kami sa table nila.
Napayuko ako ng titigan ako nila Zach at Athena.
"Who is she Lucas?" Dinig kong tanong ni Athena sa kanya.
"Oh. Siya nga pala si Andrea. Yung kinuwento ko sa inyo na nambato sa akin kaya nagkabukol ako." Natatawang kwento ni Lucas at inalalayan ako sa pag upo sa tabi ni Athena.
"Ikaw pala yun. Nice meeting you Andrea. Tawa nga kami ng tawa ni Zach ng malaman ang ginawa mo sa kanya." Nakangiting sabi ni Athena.
"Sila Athena at Zach nga pala mga kaibigan ko." Pakilala ni Lucas sa kanila at bahagya lang akong ngumiti.
Parang bigla na lang naging awkward ang paligid o ako lang yun? Hindi pa nakakagaan sa atmosphere ang pananahimik ni Zach. Paano ko siya mapapainlove sa akin kung hindi man lang niya ako pinapansin. Natapos ang buong lunch break na sila Lucas at Athena lang ang nagsasalita. Sumasagot lang kami ni Zach kapag may mga itinatanong sila.
"Tingin mo ba kaya ko ito?" Nag aalalang tanong ko kay Lucas habang naglalakad kami pabalik sa room ko.
"Kaya mo yan. First day pa lang naman."
Gusto ko na talagang umayaw pero naiisip ko pa lang ang kalagayan ni Papa ay nagdadalawang isip na agad ako.
Nang magkaroon kami ng surprise quiz sa klase namin ay talagang nawala sa isip ko ang tungkol sa plano. Hindi ako nakinig sa klase! Ugh.
"Andrea okay ka lang ba talaga?" Tanong ni Tanya habang naglalakad kami palabas ng campus. "Bakit kasama mo si Lucas? Tinatakot ka ba niya? Binubully? Tell me. Maybe i can help you."
"Okay lang ako Tanya. You don't have to worry. Isa pa, medyo close na kami ni Lucas dahil madalas siyang kumakain doon sa pinagtatrabahuan ko." Nakangiting sagot ko.
"Okay fine. But if you need help I'm always here okay?"
"Thank you Tanya."
Dahil restday ko ngayon sa store ay naglakad lang ako pauwi. Medyo malapit lang naman kasi ang bahay namin dito. Siguro kung lalakarin ay aabutin ng 40 minutes. Keri na din. Pambawas ng timbang.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng aking palda ng tumunog ito. Napakunot noo ako ng makitang nagtext si Lucas Hudas.
From: Lucas Hudas
Where are you?Ano na namang kailangan nito?
To: Lucas Hudas
Pauwi na.Hindi din nagtagal ay nagreply siya agad.
From: Lucas Hudas
I'm going to fetch you later. 6pm.To: Lucas Hudas
Anong meron?From: Lucas Hudas
Tita Jisoo's birthday. You'll be my date.Napailing na lang ako. Sino naman ang Tita Jisoo na yun? At bakit kailangang may date pa siya?
Pinag iisipan ko pa lang kung sasama ako kay Lucas ay bigla na siyang tumawag.
"Nasaan ang bahay niyo dito?" Tanong niya ng sagutin ko ang tawag.
"Sino ba yung Tita Jisoo? Bakit kailangang may kadate ka pa?" Imbes na sagutin siya ay nagtanong din ako.
"Si Tita Jisoo ang Mommy ni Zach. So, where the hell is your house? Nandito ako sa dating pinagparkingan ko ng kotse nung sinuntok mo ako."
Natawa ako ng mahina. Lahat yun ay naaalala niya pa. Pero ano daw? Mama ni Zach ang may birthday? Omg!
"Yung red na gate ang amin. Drive ka pa ng konti."
Sinamaan agad ako ng tingin ni Lucas ng makita niya ako. Napakamot ako sa batok at pinapasok siya. Wala pa si Papa kaya itetext ko na lang siya mamaya na umalis ako.
"Bakit hindi ka pa din nagbibihis?"
"Hindi ko kasi alam kung ano ang isusuot." Nahihiyang sagot ko.
"Just wear comfortable clothes for you. Sa bahay lang naman nila Tita ang party at hindi mo kailangan mag gown."
Tumango tango ako at nagpaalam na magbibihis muna. Binuksan ko ang cabinet ko at kumuha ng jeans at white crop top. After kong magbihis ay lumabas din ako agad.
"Okay lang ba na wala man lang akong regalo sa mommy ni Zach?" Tanong ko kay Lucas ng makasakay kami sa kotse niya.
"Tita Jisoo has everything. Tito Vlad spoiled her kaya tingin ko ay wala na siyang kailangan pa." Sagot niya habang busy sa pagdridrive.
"Alam ba nila na peke lang ang relasyon nila Zach at Athena?"
"Of course, Zach tells everything to his parents."
"Hindi sila nagalit?" Gulat kong tanong.
"Athena is a family friend. Kaya naman okay lang sa kanila."
Kung sa bagay maganda naman si Athena baka nga botong boto sila para sa kanilang dalawa eh. Iniisip ko pa lang na malalaman nilang plano kong paghiwalayin sina Zach at Athena ay nahihiya na agad ako.