* Andrea's PoV
"Zach, I love you. I still do." nakita ko kung paano siya natigilan kaya naman ipinagpatuloy ko ang pagsasalita. "Noong araw na nakipaghiwalay ako sayo, sobra kong pinagsisihan yun. Gustong gusto kitang balikan, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko pero gusto ko ding mabuo muna ako bago kita balikan. Gusto kong kapag minahal kita, wala ng natitirang galit pa sa puso ko. Gusto kitang mahalin ng buong buo." agad kong hinawakan ang kaniyang dalawang kamay at tinitigan siyang mabuti. "Zach, magsimula ulit tayo. Please, ako na lang ulit. Tayo na lang ulit."
Kinagat niya ang kaniyang labi bago nag iwas sa akin ng tingin. Yumuko siya bago ako ulit tinignan. Akala ko ay magsasalita na siya pero umiling lang siya at iniwan na akong mag isa.
Nakagat ko ang aking labi at hinayaang tumulo ang aking mga luha. Nahuli na ba ako? Hindi na ba talaga ako mahal ni Zach?
Napaupo ako sa sofa at napayuko. Sobrang sakit pala talaga kapag iniwan ka ng taong mahal mo. Ganito din ba kasakit yung naramdaman niya noon? Pinunasan ko ang aking luha at napabuntong hininga.
Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan pero hindi na ako nag abalang tignan kung sino ang dumating. Paniguradong si Tanya naman iyan.
"Ang sakit, Tanya. Iniwan niya ako." natawa ako ng mahina. "Bakit pa ba ako nandito kung wala na pala akong babalikan? Gusto ko na lang mamatay."
"Iiwan mo na naman ako?"
Agad nanlaki ang aking mga mata at napatayo ng marinig ang boses ni Zach. Nilingon ko siya at hindi nga ako nagkamali dahil nandoon siya.
"Z-zach." gulat kong sambit sa kaniyang pangalan.
Napabuntong hininga siya bago tuluyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking mga kamay at tinitigan ako ng mabuti.
"Hindi naman kita iniwan. May nakalimutan lang ako kaya umalis ako saglit." nararamdaman ko na naman ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Ngumiti siya sa akin at nagulat na lang ako ng bigla siyang lumuhod sa aking harapan.
"Zach." patatayuin ko sana siya pero inilingan niya lamang ako.
"Noong umalis ka, parang gumuho na din ang mundo ko. Pakiramdam ko noong iwan mo ako ay iniwan na din ako ng sarili ko. Pinangako ko na kapag bumalik ka ay hinding hindi na kita pakakawalan pa ulit." ngumiti siya at may kinuha sa kaniyang bulsa. Napatakip ako sa aking bibig ng makita ang maliit na pulang kahon na hawak niya. Tinignan niya ako at nginitian. "Noong graduation mo ay balak ko ng gawin ito. Gusto kong iregalo sayo ito pati na din ang sarili ko. I love you, Andrea. I really really love you. I'm sorry baby but I'm not going to let you go again." tuluyan na niyang binuksan ang maliit na kahon at doon ay nakita ko ang isang napakagandang singsing. "Please marry me, Andrea. Hindi ko na kakayanin kapag nawala ka ulit sa akin."
Napangiti ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"Hindi mo naman kailangang makiusap. I'm willing to be your wife, Zach." naluluhang sagot ko.
Ngumiti siya at agad na isinuot sa aking daliri ang singsing. Hinalikan niya ang aking kamay bago tumayo at yakapin ako ng mahigpit.
"I love you so much baby."
"I love you too, Zach."
Hindi ko na alam kung ilang beses na akong napailing ngayong araw. Isang linggo na ang nakalipas mula noong nagpropose sa akin si Zach at halos ayaw na niyang mahiwalay sa akin. Tapos na din ang kasal nila Tanya at kasalukuyan silang nasa honeymoon ni Leo. Hindi na din ako natuloy sa interview ko sa Shangri-La dahil hindi ako pinayagan ni Zach. Ang sabi niya ay siya lang ang magtatrabaho at ang tangi ko lang gagawin ay alagaan siya pati na din ang mga magiging anak namin.
Agad ibinalita ni Zach sa kaniyang pamilya ang tungkol sa amin at lahat sila ay masaya para sa amin. Nagpunta din kami sa Batangas para mamanhikan ng pormal kina Mama. Umiiyak si Mama noon pero masaya din siya para sa akin. Wala na akong mahihiling pa dahil kumpleto na ang buhay ko.
"Baby! Nasaan ka ba?" dinig kong sigaw ni Zach mula sa kwarto.
Napailing na lang ako at hindi siya sinagot. Ipinagpatuloy ko ang pagluluto ng almusal namin. Napagdesisyunan naming magsama na lang sa kaniyang unit. Pumayag din naman sila Tita Jisoo at Tito Vlad sa plano namin dahil ikakasal na din naman kami next month. Yung unit ko naman na katabi lang din nitong unit niya ay hindi ko na muna ibinenta. Balak ko kasing iregalo kay Mikael dahil gusto daw niyang manirahan dito sa Maynila.
"There you are." agad kong naramdaman ang pagyakap niya sa akin mula sa likod. "Sabi ko wag mo na ulit akong iiwan eh." natawa ako dahil nagboses bata pa talaga siya.
"Hindi kita iniwan. Nagluluto lang ako."
Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin kaya napailing na lang ako.
"I love you misis ko." napangiti ako dahil sa narinig.
"I love you more mister ko."
