* Andrea's PoV
Nagising ako nang maramdamang may nakatitig sa akin. Pagmulat ko ng aking mga mata ay si Zach agad ang bumungad sa akin. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ako kaya naman agad kong itinaklob sa aking mukha ang kumot.
"Hey! Why are you hiding?" natatawang sita niya sa akin at pilit inaalis ang kumot.
"Wag! Baka may muta ako at panis na laway nakakahiya!" sabi ko na ikinatawa niya.
"Baby you're beautiful. Maganda ka kaya wala kang dapat ikahiya.
Hindi ko siya pinakinggan at agad na tumakbo papunta sa CR. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala naman akong panis na laway. Agad akong naghilamos bago lumabas.
"Anong oras na?" tanong ko ng maupo ako sa kaniyang tabi.
"9 o'clock na. Gutom ka na ba? The breakfast is ready."
Tinanguan ko siya kaya naman lumabas na din kami ng kwarto at dumiretso sa hapag kainan.
"Nasaan na sila Tita pati ang kambal?" tanong ko dahil kaming dalawa lang ang nandito.
"Tulog pa sila Mommy at Daddy. Si Brian ay maagang umalis. Si Brie ay nagjogging." napatango tango ako at pinagmasdan siya habang nilalagyan niya ng pagkain ang aking plato.
"Thank you." nginitian niya ako at nagsimula na din kaming kumain.
"Gusto mo bang magbakasyon? Pwede tayong pumunta sa Batangas. May resthouse kami doon na katabi lang ng dagat. Ako na ang bahalang magpaalam kay Tita Jennie na hindi ka makakapasok sa coffee shop. We can also invite Lucas and Athena."
"Okay. Matagal na din akong hindi nakakapunta sa beach eh." excited na sabi ko.
Napag usapan namin nila Zach na mag sstay kami doon ng limang araw. Pumayag ding sumama sila Lucas at Athena. Isasama din namin si Brianna dahil wala daw siyang magawa dito. Si Brian kasi ay missing in action na naman. Simula kasi ng magdorm siya sa school nila ay nagbago siya. Hindi ko lang masabi kung ano pero may nagbago talaga sa kaniya. Sila Fatima naman ay may family vacation din pati na din sila Erika.
Sila Tito Vlad at Tita Jisoo naman ay may pupuntahan daw na business convention kaya naman hindi din sila nakasama.
"I'm so excited na! Ang tagal na din nating hindi nakakapunta doon eh." ngiting ngiti na sabi ni Brianna. "Sayang wala sila Fatima at Erika. Pati na din ang magaling kong kakambal."
"Talaga ba? Naeexcite ka bang makita yung lugar o si Mikael?" pang aasar ni Lucas na agad namang ikinapula ng pisngi ni Brianna.
"OMG Kuya Lucas! Shut up nga!" inis na sabi ni Brie na tinawanan naman ni Lucas. "Hindi ko na crush yun no!" nakangusong dugtong niya bago nag iwas ng tingin.
Natawa ako ng bigla siyang yumakap sa aking braso na ikinainis naman ni Zach.
"Hey! Baka mainitan ang Ate mo!" saway niya sa kapatid.
"No! Si Ate lang ang hindi ako inaasar kaya siya lang ang bati ko." parang batang sabi ni Brie.
Magsasalita pa sana si Zach pero nginitian ko lang siya at sinabing okay lang ako.
"By the way, nasaan ba si Kuya Allen? Ang tagal ko na siyang hindi nakikita."
"Busy sa babae yun." natatawang sagot ni Lucas.
Nakasakay na kami dito sa van nila Zach na maghahatid sa amin sa pier kung saan ay nandoon na ang yate nila na maghahatid sa amin sa kanilang resthouse.
"Wow!" pagkababa ko sa yate ay iyan agad ang nasabi ko.
Grabe! Sobrang ganda ng buong paligid at sobrang ganda din ng resthouse nila Zach. Mayroon itong dalawang palapag pero malaki at malawak.
"Ang ganda di ba, Ate." nginitian ko si Brie at tumango tango. "Dito ang hometown nila Mommy kaya naman naisipan ni Dad na magpatayo ng resthouse dito. Mamaya puntahan natin sila Lolo para makilala mo din."
"Sige."
----------
"No Kuya! Gusto kong kasama si Ate Ands sa kwarto! Ayaw kong mag isa sa room." pagmamaktol ni Brie.
Napailing naman si Zach at parang napapagod na din sa kaniyang kapatid.
"Brie." mahinahong sabi ni Zach. "I want to be with your Ate Andrea." agad namula ang aking mukha at hinampas siya.
Agad nanlaki ang mga mata ni Brianna at nagpalipat lipat ang tingin sa amin ng kaniyang Kuya.
"OMG! Bakit hindi mo sinabi agad Kuya?! Okay. Okay. I want a niece ha!" kinikilig na sabi niya bago kami iwan ng kaniyang Kuya.
Nakakahiya! Baka anong isipin ni Brianna." napasimangot ako ng tawanan lang ako ni Zach.
"Hayaan mo na siya. Tara na."
Wala na akong nagawa ng hawakan niya ang aking kamay at dinala sa magiging kwarto namin. Wow! Agad akong lumapit sa sliding door at binuksan iyon. Napapikit ako ng malanghap ang sariwang hangin. I can stay here forever.
Nagulat ako ng yakapin ako ni Zach mula sa likod.
"Nagustuhan mo ba?"
"Yup. Maganda dito."
"Mas maganda ka pa din." bulong niya kaya medyo nakiliti ako.
"Bolero."
