Chapter 11

469 30 13
                                        

* Andrea's PoV

Nang makarating kami sa rooftop ay saka lang binitawan ni Zach ang aking kamay. Alam kong nakatingin siya sa akin ngayon pero hindi ko alam kung paano ko lalabanan ang kanyang tingin kaya nanatili lang akong nakayuko. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Pakiramdam ko sobrang laki ng kasalanan ko kahit wala naman. Para bang kailangan kong magpaliwanag pero hindi ko naman alam kung ano ang dapat kong ipaliwanag.

"Alam ba ni Lucas ito?" Kunot noo akong napatingin sa kanya dahil sa naging tanong niya.

"Ha?" Naguguluhan kong tanong.

"You and Lucas have something right?"

Napanganga ako sa sunod niyang tanong. Really?

"Wala ah. Magkaibigan lang kami." Depensa ko.

"You two are always together. Kapag magkakasama tayong apat nila Athena palagi kong napapansin ang mga tinginan niyong dalawa. Parang may itinatago din kayo. Then you'll tell me you're just friends?"

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa mga pinagsasabi niya kaya nanahimik ako at tinignan lang siya. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya. Did he really think that Lucas and I have something? Okay, may something nga pero hindi katulad ng iniisip niya. Ibang something naman ang mayroon sa amin ng hudas na iyon at hindi ko alam kung paano siya maliliwanagan.

"Hindi ko gusto si Lucas." Huminga ako ng malalim at tinignan lang siya ng mabuti. This is it Ands! "Kasi.." Napakagat labi ako dahil kinakabahan ako. Omg! "Kasi, ikaw ang gusto ko Zach." Lakas loob kong sabi. Nakita ko kung paano siya natigilan. Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita dahil mukhang nabigla siya masyado. "Alam ni Lucas na gusto kita. He wants me to confess kaya siguro nahuhuli mo kaming nagkakatinginan but i can't. Hindi ko kaya at hindi ko magawa kasi alam kong alam ng lahat dito na kayo ni Athena." Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. "That's our secret. Yun ang itinatago naming dalawa."

Nakagat ko ang aking daliri sa pag iisip. Dalawang araw na ang lumipas simula nung magconfessed ako kay Zach at wala man lang akong narinig mula sa kanya. Sa hinaba haba ng mga sinabi ko noong araw na yun ay nilayasan lang ako ng Lolo niyo! Nakakaloka. Hindi man lang siya nagsalita. Basta na lang siya umalis.

Dalawang araw ko na ding hindi nakikita si Lucas. Isa pa ang hudas na yun! Kinagabihan pagkatapos kong umamin kay Zach ay nagtext ako sa kanya na nagawa ko ng umamin pero hindi man lang nagreply ang hudas! At hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita miski anino niya.

At syempre dalawang araw na din akong ginugulo ni Jacob. Mabait naman siya. Gwapo din pero kasi hindi ko siya type. I mean, gusto ko siyang maging kaibigan at hanggang doon lang. Palagi niya akong hinihintay sa gate. Binibigyan ng chocolates. Hinahatid sa room at minsan pati pag uwi kapag wala silang practice. Gusto niyang sa bahay niya ako mismo sunduin pero hindi ako pumapayag at naggagalit galitan ako kapag nagpupumilit siya kaya wala siyang magawa kundi ang hintayin ako sa gate.

Seriously, sumasakit na ang ulo ko sa kanilang tatlo. Nakakapangsisi talaga itong pinasok ko.

"Uy girl! Ayusin mo nga iyang itsura mo. Parang pasan mo ang buong mundo." Sinimangutan ko si Tanya dahil sa sinabi niya pero tinawanan niya lang ako.

"Sino ba ang iniisip mo ha? Si Zach? Si Jacob? O si Lucas?" Ngiting ngiting tanong niya kaya napairap ako.

Hindi na lang ako nagsalita at tumingin na lang sa labas. Nandito kami sa classroom at hinihintay ang next teacher namin. Napabuntong hininga ako ng makitang papalapit na naman si Jacob. Gusto ko na lang tuloy magtago. Nalipat ang tingin ko sa pintuan ng maghiyawan ang mga kaklase ko. Kinikilig sila dahil nandito na naman si Jacob. Ngiting ngiti siya habang papalapit sa akin kaya wala sa sariling napangiti na lang din ako. Ang ganda kasi ng ngiti niya ngayon. Kakaiba sa mga ngiti niya noon kaya nahawa tuloy ako.

Gusto ko siyang pagtaguan bilang manliligaw pero gusto ko siyang makasama bilang kaibigan. Minsan nga napapaisip ako. Bakit kaya siya hiniwalayan ni Athena? Did she fell out of love? Mahal na ba niya si Zach bago pa maging sila ni Jacob? Natigil ako sa pag iisip ng biglang hawakan ni Jacob ang aking kamay. Hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala siya.

"Andrea.." Bigla akong kinabahan ng binanggit niya ang pangalan ko at hindi ko alam kung bakit. "Alam kong kailan lang tayo nagkakilala at kailan lang din ako nagsimulang manligaw pero.." Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng hiyawan at sigawan ng mga kaklase ko ng bigla siyang lumuhod sa aking harapan. "I promise to court you everyday. I promise to love you and only you." Huminga siya ng malalim at tinignan ako ng seryoso. "I love you Ands. Will you be my girlfriend?"

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now