* Andrea's PoV
"Congratulations baby!" masayang bati ko kay Zach ng matapos ang kanilang graduation ceremony.
Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.
"Thank you baby."
"Congrats son!" nakangiting bati ni Tito Vlad sa kaniya.
"Thanks Dad." nakangiting sagot naman niya.
"Graduate na ang panganay ko! Parang noong isang araw lang eh ayaw mong pumasok sa school."
"Mom!" natatawang sita ni Zach kay Tita Jisoo.
"Congrats Kuya!" tumili pa si Brianna bago niyakap ang kaniyang Kuya.
Si Brian naman ay tahimik lang na nakipag apir sa Kuya. Naging tahimik na siya sa paglipas ng panahon. Minsan na lang din siyang makipag biruan sa kakambal niya kaya naman palaging nagtatampo si Brianna.
After ng picture taking ay nagpunta kami sa bahay nila Zach dahil nagpahanda sila Tita. Kasama din namin sila Lucas at Athena pati na din ang parents nila. Dumating din ang iba pang kamag anak at kaibigan nila kaya naman tuwang tuwa si Zach dahil naging reunion daw ito.
Nakikipagkwentuhan ako kina Brianna, Fatima na anak nila Tita Lisa at Tito Josh pati na din si Erika na anak naman nila Tita Rose at Tito Jin ng magpaalam si Zach na may kukuha lang daw saglit ng pagkain.
"Going strong kayo ni Kuya Zach ha." kinikilig na sabi ni Fatima.
"Oo nga Ate Andrea. Parang ang sarap tuloy mainlove." sabi naman ni Erika.
Mas matanda si Zach sa kanila ng limang taon. Palagi nila kaming inaasar at natatawa na lang ako sa kanila.
"Of course, they're so inlove with each other kaya." comment ni Brie.
"Hindi naman lahat ng nagmamahal ay masaya. May mga nagmamahal na nasasaktan kasi hindi sila kayang mahalin nung taong gusto nila. Kaya kayong dalawa wag kayong magmadali. Piliin niyo yung taong mamahalin talaga kayo." pangaral ko sa kanila.
"May crush ako sa school kaso may girlfriend na kaya tinigilan ko na." nakangusong sabi ni Fatima.
"Ako nga wala namang girlfriend si Richard pero hindi ako pinapansin." sumbong naman ni Erika.
"Maghintay lang kayo. Darating din yung taong para talaga sa inyo." nakangiting sabi ko sa kanila.
Nang makabalik na si Zach sa aming table ay itinigil na namin ang pag uusap tungkol sa pag ibig, palagi niya kasing sinesermunan ang tatlo dahil nga mga bata pa daw sila.
Nang sumapit ang alas otso ng gabi ay nagpaalam na akong uuwi dahil inaantok na ako.
"Stay here for tonight hija." sabi ni Tita Jisoo. "Please."
Nang pakitaan na ako ni Tita ng kaniyang magic puppy eyes ay nahypnotize na niya ako. Tumango na lang ako bilang sagot. I just can't turn down her offer. Tita Jisoo is so adorable at ayaw ko namang mabura ang magangdang ngiti niya dahil lang sa pag iinarte ko.
Hinatid ako ni Zach sa isa sa kanilang mga guest room.
"Nabusog ka ba? Kung gusto mo pang kumain ikukuha kita ng pagkain sa baba."
"Busog na ako Zach. Ang dami mo kayang nilagay sa plato ko kanina." nakangusong sabi ko.
"Ayaw ko lang na magutom ka." natatawang sabi niya at hinalikan ako sa noo.
Lumabas si Zach para daw manghiram ng pantulog kay Brianna. Sinabi ko ngang wag na pero baka daw hindi ako makatulog ng maayos kapag hindi ako nagpalit kaya pumayag na lang din ako. Nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama habang hinihintay siya.
Nang makabalik siya ay inabot niya sa akin ang isang night dress at underwears na may tag pa.
"Hindi pa niya nagagamit yan." agad niyang sabi.
"Thanks." nahihiyang sabi ko.
"Go take a shower. Magpahinga ka na ha. Bababa na muna ako. Just text me kung may kailangan ka."
"Sige."
Hinalikan niya muna ako ng mabilis sa labi bago ako tuluyang iwan dito sa kwarto. Habang naliligo ay hindi ko maiwasan ang hindi mapaisip. Zach is a gentleman alam ko naman yun pero napapaisip pa din ako kahit kailan kasi ay hindi niya inopen yung tungkol sa ganoong bagay. Yung gusto na niyang may mangyari sa amin. I know guys has their needs. Hindi naman sa gusto ko na ding may mangyari sa amin pero hindi ba siya naaatract sa akin? Hindi ba ako sexy sa paningin niya?
Wala sa sariling pinagmasdan ko ang aking katawan sa salamin. Okay naman kahit papaano. Napabuntong hininga ako at napailing na lang.
Tigilan mo na ang pag iisip ng ganyan, Andrea. Hindi ka ba masaya dahil nirerespeto ka ni Zach? You should be thankful for that. Hindi siya katulad ng ibang lalaki na yun lang ang habol sa ibang babae..
