Chapter 16

401 24 2
                                    

* Andrea's PoV

Mabilis lumipas ang mga araw. Isang buwan na din ang nakararaan simula nung nangyari sa akin at hindi na naulit pa. Siguro dahil yun sa nabalita sa buong school ang tungkol sa suspension nila Lianne.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at huminga ng malalim.

Ngayong araw ko na balak sagutin si Zach. Napangiti tuloy ako sa naisip kong magiging reaksyon niya. Panigurado magugulat iyon.

"Tay alis na po ako!" Paalam ko at humalik sa kanyang pisngi.

"Ingat ka anak. Mahal na mahal ka ni Tatay."

"I love you too, Tay." nakangiting sabi ko. "Wag niyo pong kalimutang inumin ang gamot niyo ha."

Masaya akong naglakad papunta sa terminal. Excited na akong maging kami ni Zach. Hindi niya ako nasundo ngayon dahil maaga ang practice nila para sa nalalapit na Intramurals.

Pagkarating ko sa school ay dumiretso agad ako sa room para sa unang klase ko. Chineck ko na muna ang cellphone ko habang hinihintay ang professor. Napangiti ako agad ng makitang may limang text si Zach.

From: Zach                  6:45 am
Good morning beautiful.

-

From: Zach                 7:00 am
Kain ka na ng breakfast. Sabay tayo mamayang lunch. Wait for me.

-

From: Zach               8:27 am
Nakakapagod ang practice. Sana nandito ka para may energizer ako..

-

From: Zach             9:05 am
Miss na kita Andrea.

-

From: Zach             9:14 am
Iloveyou Andrea Marie Dizon.

Mas lalo kong naramdaman yung excitement at saya. Iniisip ko pa lang na magiging kami na ni Zach ay kinikilig na ako agad. Hindi ko na siya nireplayan dahil baka sa text ko pa masabi yung dapat kong sabihin sa personal.

Mabilis lang lumipas ang oras para sa morning classes namin. Sa sobrang excitement na nararamdaman ko ay hindi ko na namalayan na lunch break na pala.

Tinignan ko ang cellphone ko para sana itext kung nasaan na si Zach pero may text na pala siya.

From: Zach
Can you please come here in the gym? May meeting lang kami saglit.

Nagpaalam na ako kay Tanya na mauuna na. Hindi ko kinuwento sa kaniya ang balak ko ngayon. Gusto ko kasing si Zach muna ang una kong sabihan.

Pagkarating ko sa gymnasium ay saktong paglabas nila Zach. Binati ako ng mga team mates niya at nginitian ko lang sila. Tinapik nila ang balikat ni Zach bago sila umalis.

Nakangiti akong nilapitan ni Zach. Kinuha niya agad ang bag ko at hindi na din ako umangal. Sanay na din naman ako.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya habang naglalakad kami papuntang cafeteria.

Siguro mamaya ko na lang sasabihin na sinasagot ko na siya kapag hinatid niya ako sa bahay.

"Gusto ko ng adobo." Nakangiting sagot ko.

Nginitian niya din ako at inakbayan.

Pagkatapos naming maglunch ay hinatid niya ako sa classroom.

"Susunduin kita dito mamaya okay?" Tumango ako at hinalikan niya ako sa noo bago siya tuluyang umalis.

"Kayo na talaga ang sweet!" Sabi ni Tanya pagpasok ko sa classroom namin.

Nginitian ko lang siya at nakinig na ng mabuti ng dumating ang professor namin.

After ng huling klase ay wala pa si Zach kaya naghintay na lang muna ako dito sa cafeteria. Nauna nang umuwi si Tanya dahil sasamahan pa daw niya ang Mommy niya sa mall. Naitext ko na din si Zach na nandito ako at dito na lang kami magkita. Nilabas ko muna ang librong binabasa ko para may pampalipas oras habang naghihintay.

"Andrea." nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita si Lucas.

"Lucas." napatingin ako sa paligid at nakitang kaunti na lang ang mga estudyante.

"Kamusta na kayo ni Zach?" tanong niya. Saglit akong napatitig sa kaniya. He looks so different today. May iba sa kaniya pero hindi ko sigurado kung ano iyon.

"Okay naman. Balak ko na siyang sagutin mamaya." nakangiting balita ko sa kaniya ng makabawi sa pagtitig sa kaniya.

"Yung tungkol sa deal." bigla akong natigilan sa sunod niyang sinabi. "I want to tell Zach about our deal."

"L-lucas." kinakabahang sambit ko sa kaniyang pangalan.

"I'm sorry Andrea pero nakukunsensiya ako. Mukhang mahal ka na naman ni Zach kaya siguro ay matatanggap ka pa din niya kapag nalaman niya na kaya nangyari ang lahat ng ito ay dahil binayaran kita ng isang milyon para mapaibig siya at makuha ko si Athena."

"L-lucas, no. Hindi pwede. W-wag mo ng sabihin." naiiyak kong sabi.

Nagulat na lang ako ng may biglang dumaan sa aking gilid na parang hangin sa sobrang bilis. Ang sumunod na lang na nangyari ay humandusay na si Lucas sa sahig dahil sa malakas na suntok ni Zach sa kaniya.

"Fuck you! Damn you, Lucas!"

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now