Chapter 29

358 16 0
                                    

* Andrea's PoV

Napangiti ako ng makita si Tanya na kumakaway sa akin.

"Ands! Welcome back!" natawa ako ng yakapin niya ako ng mahigpit. "I miss you, bessy."

It's been two years since I walked away. Umalis ako pagkagraduate ko sa college at nagtrabaho sa Australia sa tulong ng Mama ko. Yup. Nakipag ayos na ako sa Mama ko. Dumating siya noong graduation day ko at doon ay nagkaayos kami. Napatawad ko na siya at humingi siya ng tawad dahil sa pang-iiwan niya sa amin noon ni Papa.

"I miss you too."

Isang linggo mula noong makipagbreak ako kay Zach ay gustong gusto ko na siyang balikan. Bigla akong nagsisi sa ginawa ko noon. I want him in my life again pero noong pupuntahan ko na sana siya ay naisip kong siguro ay mas makakabuti din sa amin kung maghiwalay kami. Baka may maganda din palang idudulot ang pakikipaghiwalay ko sa kaniya. And I was right. Zach is now the CEO of their company at ako naman ay isang manager sa isang five star hotel sa Australia. Dapat ay next month pa matatapos ang kontrata ko pero nagresign na ako. Bukod kasi sa kasal nila Tanya ay napagdesisyunan kong dito na lang magtrabaho sa Pilipinas.

"Mabuti naman at umuwi ka na. Ikaw ang brides maid ko kaya hindi ka pwedeng mawala."

"Kaya nga pinilit ko din. Alam ko kasing hindi mo ako tatantanan." natatawang sabi ko.

"Mabuti at alam mo. By the way, saan ka magsstay? May nahanap ka na bang unit?" tanong niya habang naglalakad kami palabas ng airport.

"Nag booked na ako sa hotel. May pinaayos pa kasi ako sa unit na nakuha ko kaya baka ilang araw pa ako magstay doon." sagot ko.

Last year kasi ay nabalitaan ko na nagkaroon daw ng sunog sa lugar namin. I was so sad that time. Gusto kong umuwi dito pero hindi ko magawa dahil sa trabaho. Nanghinayang ako sa mga gamit ni Papa na naiwan doon. Yung mga masasayang alaala namin. Yung mga gamit na naipundar niya ay nasunog lahat.

"You can stay with us naman." alok niya na agad kong inilingan.

"No thanks. Ayaw kong makarinig ng mga you know." natawa ako ng mamula ang kaniyang mukha. Magkasama kasi sila ni Leo sa condo kaya naman ayaw ko na ding umeksena pa doon.

"Bruha ka!" lumapit siya sa akin at may ibinulong. "Hindi naman ako masyadong maingay." mahinang sabi niya bago humagikgik.

"Tanya!" natatawang sabi ko. "Nasaan na ba si Leo? Dapat ay iuwi ka na niya."

"Nasa work pa siya. Sa condo ka muna. Bonding muna tayo tapos doon ka na din magdinner at ihahatid ka na lang namin sa hotel mo mamaya."

Maganda at maaliwalas ang unit nila Tanya. Halatang palagi siyang naglilinis dito.

"I still can't believe na ikakasal ka na."

"Ako din naman no! I mean, akala ko talaga ay walang balak magpropose si Leo noon." napangiti ako ng makita ang masayang mukha ni Tanya.

"Masaya ako para sa inyo."

"Thanks Ands. Eh ikaw? Kamusta ka na ba?" tanong niya na nakapagpatigil sa akin.

Kamusta na nga ba ako? Can I say that I'm already fine now?

"I'm fine." maikling sagot ko.

Malungkot na ngiti ang ibinigay sa akin ni Tanya bago siya naupo sa aking tabi.

"Ands, it's not too late. Pwede niyo pang maayos yung relasyon niyo ni Zach. Wala naman akong nabalitaan na nagkaroon siya ng iba simula noong nagbreak kayo. Maybe he's waiting for you. Di ba ang sabi mo noon ay babalikan mo naman siya?"

"Hindi ko pa alam Tanya. Can we change the topic?" naiilang kong sabi.

"Oh right. Sorry. Hmm. By the way, bukas tayo magsusukat ng gown na isusuot mo sa wedding ko."

Panandalian kong nakalimutan si Zach dahil sa pagkukwento ni Tanya tungkol sa kanilang kasal. Tinulungan ko din siyang magluto ng dinner at dumating din naman agad si Leo.

"Buti nakauwi ka. Si Tanya kasi ay gusto ng pumunta sa Australia para daw sunduin ka." natatawang kwento ni Leo.

"I know. Kinukulit din niya ako na kapag hindi daw ako uuwi ay siya mismo ang susundo sa akin." naiiling na sabi ko.

"By the way, invited ang family nila Zach. Business partner kasi ni Dad ang parents niya. I hope it's okay with you." nag aalangan na sabi ni Leo.

Napatingin ako kay Tanya at bumulong siya ng sorry. Nakagat ko ang aking labi bago tumango.

"It's okay. Kasal niyo naman yan kaya wala akong magagawa kung sino ang invited."

Matapos magdinner ay nagpahatid na din ako sa kanila sa hotel dahil gusto ko ng magpahinga.

"Bye Ands! See you tomorrow." hinalikan ako sa pisngi ni Tanya at nginitian.

"Ingat kayo!"

Sinundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan nila bago ako pumasok sa hotel.

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now