* Andrea's PoV
Hindi ako iniwan ni Tanya. Ang ibang kaklase namin ay nagsiuwi na. Ang mga kapit bahay namin ay nasa labas at naglalaro ng baraha. Mabuti na lang talaga at nandito sila Aling Marta para tulungan ako sa pag aasikaso ng mga bisita.
Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa din maproseso sa isip ko ang mga nangyayari sa akin. Sobrang bilis ng lahat na halos hindi ko na masundan.
"Buti naman tumigil ka na sa pag iyak." nag aalalang sabi ni Tanya habang hinahaplos ang aking buhok.
"Hindi ka ba galit sa akin? Niloko ko si Zach. Nagpauto ako kay Lucas. Mukha akong pera, Tanya." nginitian niya ako at hinawakan ang aking mga kamay.
"I know you. Kilala kita, Ands. Alam ko namang hindi mo yun gagawin kung wala kang mabigat na dahilan." napangiti ako at niyakap siya.
"Thank you Tanya."
Umalis saglit si Tanya para kumuha ng juice at biscuit dahil kanina pa raw ako hindi kumakain. Ang sabi ko nga ay ako naman ang mag aasikaso sa kaniya pero ang sabi niya ay maupo lang ako dito at siya na ang bahala. Sobrang thankful talaga ako at nakilala ko si Tanya. Hindi niya ako hinusgahan at inintindi pa.
Sana ganoon din si Zach..
"Ands." nang marinig ang nag aalangang boses ni Tanya ay agad akong napalingon sa aking likod.
Napatayo ako ng makita kung sino ang mga taong nasa kaniyang likod.
"Athena.. Zach.." gulat kong sambit sa kanilang mga pangalan. Nilingon ko saglit si Tatay bago ibinalik sa kanila ang tingin. "I'm sorry pero pwede bang wag muna ngayon? Hayaan niyo muna sana akong makapagluksa bago niyo ako.."
Naputol ang aking sasabihin ng bigla akong niyakap ng mahigpit ni Zach. Nanlalaki ang aking mga mata at gulat pa din sa nangyayari. Bakit? Parang kanina lang ay halos ipagtulakan na niya ako palabas ng kanilang bahay.
"I'm sorry baby." masuyong bulong niya sa akin at hindi pa din ako binibitawan. "I'm sorry for not listening to you."
"Z-zach." lumayo siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
"Are you okay? Hindi ba masama ang pakiramdam mo?" nag aalala niyang tanong. "I'm sorry dahil pinabayaan kitang mabasa sa ulan."
"H-hindi ka na galit sa akin?" naluluhang tanong ko.
Nginitian niya ako at niyakap muli.
"I'm not mad at you. You know I can't. I'm just hurt. Isa pa, mahal mo naman talaga ako di ba?"
Tumango tango ako at niyakap na din siya pabalik.
"Sorry Zach. Sorry." paulit ulit kong sabi at niyakap pa siya lalo.
Tumulong si Zach sa pag aasikaso sa mga bagong dating na bisita. Sinundan ko siya ng tingin ng lumabas siya para mamigay ng biscuit at kape. Nang hindi ko na siya makita ay tinignan ko si Athena na nasa aking tabi.
"Sorry Athena." napatingin siya sa akin kaya napalunok ako. "Sobrang laki ng kasalanan ko sayo. Sa inyo ni Zach. You treated me as a friend. Nandyan kayo noong kailangan ko ng kaibigan ng maospital si Tatay pero ito pa ang isinukli ko sa inyo." nahihiya kong sabi. "Sana mapatawad mo pa ako."
"It's okay. Medyo nagtampo ako sayo noong mapanood ko kanina yung video na nakapost sa website ng university pero nawala din naman agad." nginitian niya ako bago nagpatuloy. "Isa pa, dapat nagpapasalamat ako sayo kasi sa wakas ay natauhan na din ako. Zach will never love me the way i want him to love me. I will be his sister forever at hanggang doon lang yun." malungkot siyang ngumiti. "I hope you won't hurt him again, Andrea. Sana mahalin mo siya katulad ng pagmamahal niya sayo."
Ngumiti ako at tumango sa kaniya. Nginitian niya din ako at niyakap. Athena is a great girl. Sana mahanap na din niya yung para talaga sa kaniya. Yung lalaking mamahalin din siya. Yung lalaking karapat dapat para sa kaniya.
Nauna ng umalis si Athena at nagpasundo na lang sa driver nila dahil magsstay daw si Zach dito ngayong gabi para samahan ako. Si Tanya naman ay nagpaalam na din at babalik na lang daw bukas.
Hinaplos ko ang salamin sa kabaong ni Tatay.
"Tay.. Masaya ka na po ba dyan? Okay ka naman ba dyan?" napakagat ako sa aking pang ibabang labi ng maramdaman ang pagbigat ng aking dibdib. "Okay naman ako dito Tay. Bati na kami ulit ni Zach. Sorry nga pala sa nagawa ko Tay ha. Kinailangan ko kasi talaga yung pera para sa mga gamot mo. Nagsorry na ako kina Zach at Athena. Pinatawad na din nila ako." napangiti ako ng tipid kasabay ng pagtulo ng aking luha. "M-mahal na mahal kita, Tatay. I love you. B-bantayan mo ako palagi ha. Pipilitin kong makapagtapos sa pag aaral kasi yun yung gusto mo di ba? Ibabalik ko din kay Lucas yung perang ibinigay niya. P-papalitan ko yung nagastos ko k-kasi ayaw mo ng ganun di ba?" yumuko ako sa kabaong ni Tatay at niyakap ito. Tuluyan na akong napahagulgol habang paulit ulit na binibigkas ang kung gaano ko siya kamahal.