Chapter 27

373 18 0
                                        

* Andrea's PoV

Nang makabalik ako sa rest house nila Zach ay agad kong ibinalik sa bag ko ang aking mga damit. Walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha at sobrang naninikip na ang aking puso.

"Baby." naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Zach dahilan para mahinto ako sa ginagawa.

"A-ang sakit, Zach." niyakap ko siya at lalo akong naiyak.

"I'm here. Hindi mo kailangang sarilinin lahat ng sakit." hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi at pinunasan ang aking mga luha. "You're not alone baby. You have me." napapikit ako ng halikan niya ako sa aking noo.

"Gusto ko ng umuwi. Ayaw ko na dito Zach."

"Okay. Uuwi na tayo."

"N-no. You can stay here. Bakasyon mo ito."

"Baby, uuwi ako kung uuwi ka. I can't leave you like this."

Hanggang sa makarating kami sa Maynila ay tahimik lang ang lahat. Nakunsensiya tuloy ako dahil nasira ang kanilang bakasyon dahil sa akin. Nakasakay na kami dito sa van at papunta na sa bahay nila Athena para ihatid siya. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"I'm sorry guys. I'm so sorry. Hindi ko naman gustong masira ang bakasyon natin."

"Ands, it's okay. Mas importante ka kaysa sa bakasyon. We can do it again next time." nginitian ako ni Athena.

"Thank you."

"Athena is right. We have all the time to have a vacation again next time." nakangiting sabi ni Lucas. "I hope you can find forgiveness in your heart, Ands. Maybe not now, pero mas masarap sa pakiramdam ang walang kinikimkim na sama ng loob." nag iwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Naramdaman ko ang paghawak ni Zach sa aking kamay pero hindi ko na siya nilingon pa.

"Are you sure you're okay?" nilingon ko ang aming bahay saka siya nginitian.

"Don't worry I'm not a suicidal person." pagbibiro ko na ikinasalubong ng kaniyang kilay.

"Andrea it's not funny." seryosong sabi niya.

"Biro lang." nginitian ko siya ng tipid. "Gusto ko munang mapag isa sa ngayon, Zach." huminga siya ng malalim bago ako niyakap.

"Just call me if anything happens. If you need me. I'm always here." hinalikan niya ako ng mabilis sa labi bago siya tuluyang umalis.

Nang makapasok sa loob ng aming bahay ay doon muling bumuhos ang aking mga luha. Unti unti akong napaupo sa likod ng nakasaradong pintuan at doon humagulgol.

Papa, nakita ko na ulit si Mama. Masaya ka ba dahil nakita ko siya? Ito yung pangarap mo dati di ba? Yung makita siya. Yung magkaayos kayo? Yung mabuo ulit yung pamilya natin? Pero Pa, hindi na mangyayari iyon kasi wala ka na tsaka may iba na siyang pamilya.

Nagising ako ng marinig ang pagtunog ng aking cellphone. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid at nakitang nandito pala ako sa sofa. Dito ko na nakatulugan ang pag iyak. Bumangon ako at kinuha ang aking cellphone sa aking bag.

Baby calling..

Napapikit ako bago sagutin ang kaniyang tawag.

"Hey baby! Thanks God you answered. Kamusta ka na?"

"I'm fine. Kakagising ko lang." muli akong naupo sa sofa at hinilot hilot ang aking noo.

"Kumain ka na ba? Pupuntahan kita dyan."

"No. Wag muna ngayon, Zach. I want to be alone. Let me think things first."

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.

"Okay. Just always remember that I'm always here. I love you baby."

"Bye." agad kong ibinaba ang aking cellphone at muling nahiga sa sofa.

Maghapon akong nagkulong sa bahay dahil nakaleave naman ako sa trabaho. Ni hindi ko nga maramdaman ang gutom kahit na kaninang umaga pa ako hindi kumakain. Nanatili lang akong nakahiga sa sofa habang patuloy din ang pagtulo ng aking mga luha.

Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay parang pinapatay na din ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na wala na si Tatay ngayon para hindi na siya mas masaktan pang lalo kapag nalaman niyang may iba ng pamilya si Mama. Palagi niyang sinasabi noon na babalik din si Mama. Kaya nga nagpursigi siya sa pagtatrabaho noon. Palagi niyang sinasabi sa akin na mahal kami ni Mama at umalis lang siya saglit kasi hindi niya kaya ang hirap ng buhay. Naniwala si Tatay noon na babalikan kami ni Mama.

"Tay, baka naman may iba ng pamilya si Mama." yan ang sinabi ko dahilan para pagalitan ako ni Tatay. Ang una at huling beses na pinagalitan niya ako.

"Mahal tayo ng Mama mo! Gusto lang niyang mag ipon ako kaya siya umalis!"

Mali ka Tay. Iniwan niya na talaga tayo. May iba na siyang pamilya.

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now