Chapter 10

458 34 7
                                        

* Andrea's PoV

Pagkatapos ng encounter namin ni Jacob sa rooftop kahapon ay parang gumulo na ang lahat. Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari. Gulong gulo na ako sa totoo lang.

"Seriously Ands? After Lucas and Zach si Jacob naman ang lumalapit sayo?" Naguguluhan at gulat na tanong ni Tanya.

Well, ako din naman ay naguguluhan at nagugulat na lang sa mga nangyayari. Mapapatanong ka na lang ng what's next?

Nandito kami sa classroom at hinihintay ang prof namin. Kaaalis alis lang ni Jacob at binigyan ako ng isang box ng chocolate. Napabuntong hininga ako at binuksan ang chocolate tsaka kumuha ng isa at kumain. I need sweets. Stressed much na ako. Inalok ko si Tanya pero umiling lang siya. Mabuti na lang at paborito ko itong binigay niya kundi baka lalo akong mastress sa kanya.

Parang kahapon lang plano ko ng sabihin kay Zach na gusto ko siya pero anong nangyari? Walang Zach na dumating kundi si Jacob. Hindi din siya nagtext sa akin kung bakit hindi siya pumunta. Akala ko ba magkaibigan na kami? Bakit kung indianin niya naman ako ay parang fangirl niya lang ako?

Napabuntong hininga na naman ako. Hindi ko pa nakikita silang tatlo ngayong araw dahil si Jacob agad ang bumungad sa akin. Ano na bang nangyayari? At bakit ba umaasta ng ganoon si Jacob? Hindi naman ako shunga para hindi malaman ang ibig sabihin ng mga ginagawa niya. At kung pinagtitripan niya lang ako mabuti pang huminto na siya ngayon pa lang. Talagang malalagot siya sa akin kapag hindi pa siya tumigil.

"Oh my god Ands!" Nabalik ang aking atensiyon kay Tanya ng hampasin niya ako ng mahina sa aking braso. Titig na titig siya sa kanyang cellphone. "Look at this!"

Inabot niya sa akin ang cellphone na agad ko namang kinuha. Nakita ko ang official website ng school at talagang nanlaki ang aking mga mata sa headline.

Team captain of our soccer team Jacob Ramirez already moved on from his break up with Athena?

Nandoon ang pictures namin mula sa gate kung saan inabangan niya ako. Yung nakangiti niyang inabot sa akin ang box ng chocolate hanggang yung sa hinatid niya ako dito sa classroom.

Napalo ko ang aking noo ng makitang marami ang nagreact. Naglike at may nagheart pa. Marami din ang nagcongratulate sa kanya dahil finally ay naka move on na siya pero mas naloka ako ng makitang nagcomment siya! Wow! Ang lakas ng loob!

jacobramirez01
  Thanks to my newest apple of the eye. See u later Andrea 😙

At may kiss emoji pa ang bruhildo! Ano na naman bang gulo itong pinasok ko?

Napatingin ako sa mga classmate ko na ngayon ay palihim na sumusulyap sa akin. Mapapa oh my god na lang talaga ako. Binalik ko kay Tanya ang kanyang cellphone at napasubsob na lang sa desk ko.

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto na akong nakasubsob sa desk ko. Napaangat lang ako ng ulo ng marinig ang singhapan at bulungan ng mga kaklase ko. Nagulat ako ng makitang nasa harapan ko si Zach.

"Z-zach." Gulat kong sambit sa kanyang pangalan.

"We need to talk." Seryoso niyang sabi bago hawakan ang aking kamay at hinila patayo.

------------

* Lucas PoV

Hindi ko alam kung bakit pero naiinis at naiirita ako sa nakita kong headline sa official website ng school namin. Bakit magkasama silang dalawa? Dapat si Zach ang kasama niya at hindi ang Jacob na yun. Hindi na ako nakapagpigil at tumayo na mula sa aking pagkakaupo para mapuntahan si Andrea. I really need to talk to her. Bakit naging ganito ang nangyari? Akala ko ba sasabihin niya kay Zach na gusto niya ito kahapon. Bakit si Jacob ang kasama niya ngayon?

Hawak ko ng mahigpit sa kaliwang kamay ko ang cellphone. Ipapakita ko sa kanya ito kapag nagdeny pa siya. Hindi ko pinansin ang mga bumabati sa akin. Seryoso lang akong naglalakad papunta sa classroom niya pero natigilan ako ng makitang kasama niya si Zach at magkahawak pa sila ng kamay.

Dapat maging masaya ako dahil unti unti ng nagtatagumpay ang mga plano ko pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Bakit nasasaktan ako?

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now