* Andrea's PoV
Lumabas saglit si Lucas para bumili ng pagkain namin. Alas onse na ng gabi pero pareho pa din kaming hindi makatulog kaya naisipan niyang bumili muna. Napatingin ako kay Tatay na ngayo'y mahimbing ng natutulog. Hindi ko talaga alam ang gagawin kapag iniwan niya na din ako. Alam ko namang darating din ang araw na mawawala siya pero pwede bang wag muna agad? Marami pa akong gustong gawin na kasama si Tatay. Gusto ko kasama ko siya habang inaabot ang mga pangarap ko. Gusto ko siyang ipasyal sa mga lugar na gusto niyang puntahan. Gusto kong matupad yung pangarap niya na magkaroon ng sariling sasakyan.
Nalipat ang tingin ko sa pintuan ng bumukas ito pero imbes na si Lucas ang makita ko ay hindi.
"Zach?" Paninigurado ko dahil baka nag iimagine lang ako.
Tumango lang siya bilang sagot at tuluyan ng pumasok.
"How's your Dad?" Tanong niya habang nakatingin kay Tatay.
"Okay naman na. Nakainom na din siya ng gamot kanina. Bakit ka pala bumalik? May nakalimutan ka?" I don't want to be rude pero hindi ko lang talaga inaasahan na babalik siya.
"Hinatid ko lang si Athena but I'm going to stay here. Si Lucas?" Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng saya ng sabihin niyang mag sstay din siya dito.
Sasagot na sana ako na umalis lang saglit ang kaibigan niya pero bumukas na ulit ang pintuan at pumasok si Lucas na may dala dalang tatlong plastic na puro pagkain at may prutas pa.
"Dude." Gulat niyang tawag ng makitang nandito si Zach. "Why are you here? I mean, akala ko umuwi ka na din ng hinatid mo si Athena?"
"Are you going to stay here? Akala ko kasi wala siyang kasama kaya bumalik ako." Paliwanag ni Zach.
Napatingin ako kay Lucas at nakitang nakatingin din pala siya sa akin.
"Actually, uuwi na din ako. Binilhan ko lang ng makakain si Andrea. Good thing you're here. May kailangan pa kasi akong gawin." Sagot ni Lucas.
Napakunot ang noo ko. Ang sabi niya kanina mag sstay siya? Hudas talaga ang isang ito.
"Okay then. I'll stay here."
Pagkatapos sabihin yun ni Zach ay nagpaalam na din si Lucas. Wala pang sampung minuto mula ng umalis siya ng makareceive ako ng text galing sa kanya.
From: Lucas Hudas
It's your chance. Be close with him. This is the start.Bakit nga ba hindi ko naisip ang tungkol doon? Napatingin ako kay Zach na ngayon ay mukhang naglalaro sa cellphone niya. Kaya ko bang lokohin ang taong tumulong sa akin. And Athena, sobrang bait niya sa akin. Can i really do it? Kaya ko ba talaga?
"What are you thinking?" Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ang boses ni Zach. Nakatingin na din siya sa akin.
"Iniisip ko lang si Tatay." Pagsisinungaling ko.
"He'll be fine. You should sleep already." Nang marinig ko iyon ay nakaramdam ako ng antok.
"Eh ikaw? Hindi ka ba matutulog? Pwede ka naman ng umuwi. Okay na kami ni Tatay dito. Nakakahiya na sayo. Pinautang mo na nga ako tapos sasamahan mo pa kami dito." Nahihiyang sabi ko.
"I'm fine. Wala din namang pasok bukas kaya ayos lang." Hindi naman siya ngumingiti pero napangiti na lang ako.
"Thank you Zach." Sincere kong sabi. "Salamat sa pagtulong sa amin. Kahit kailan lang tayo nagkakilala hindi ka nagdalawang isip na tulungan kami." Nakangiting sabi ko.
"When Lucas introduce you to us i already treat you as a friend. Kilala ko si Lucas. Hindi yun friendly lalo na kung hindi ka talaga niya kilala. You look important to Lucas so yeah, I'll help you hanggang kaya ko." Napayuko ako dahil sa sinabi niya.
I felt so guilty. Yes, I'm important to Lucas pero dahil yun sa tutulungan ko siyang makuha ang babaeng mahal niya.
I wanted to back out. I really wanted to back out pero iniisip ko pa lang ang kalagayan ni Tatay hindi ko na matuloy ang gusto kong gawin. Ngayong hindi ko na papayagan si Tatay na magtrabaho pa ay kakailanganin ko talaga ang ibabayad ni Lucas sa akin. Marami pa kaming utang na kailangang bayaran at hindi magkakasya ang sasahurin ko sa part time ko. Ayaw ko namang itigil ang pag aaral ko. Yun ang pinaka ayaw ni Tatay. Ayaw ko siyang mastress kaya hindi ko gagawin ang bagay na yun. Napatingin ako ulit kay Zach.
I'm really sorry Zach..
