* Lucas PoV
Kanina pa masama ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Kinapa ko ang noo ko at ng maramdamang lalong lumaki ang bukol ko ay mahina akong napamura.
"Ano ba ang nangyari at nag away kayong magkasintahan?" Sabay kaming napatingin sa pulis na nasa harapan namin.
"What? Hindi.." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang magsalita ang babaeng kasama ko ngayon.
"Nakita ko po siyang may ibang kasamang babae." Napakunot noo ako nang makitang mangiyak ngiyak pa siya. "Sa sobrang sama po nang loob ko nabato ko siya." At tuluyan na siyang umiyak.
"Hoy! Hindi totoo yan!" Sigaw ko sa kanya.
"Hijo naman. Ang mga babae hindi dapat sinasaktan." Sabi nang pulis. "Sige na. Tutal mukhang misunderstanding lang ang lahat ay pwede na kayong umalis."
Aalma pa sana ako pero wala na din akong nagawa.
Nang makalabas kami sa presinto ay todo ngiti na siya. Sisigawan ko pa sana siya kaso tumakbo na siya agad paalis.
I will find you. Hahanapin kita kahit saang impyerno ka pa magpunta.
Tinawanan agad ako ni Zach ng makita ako. Naglagay lang ako ng bandana sa noo ko para hindi makita ang bukol.
"What the hell dude?" Natatawang tanong niya. "What's with the bandana?"
"Long story. Nasaan na si Athena?" Tanong ko na lang.
"Restroom."
Napatingin ako sa paligid. Mga binata na kami pero dito pa din kami tumatambay sa Jollibee. Well, something's never change. Actually, si Tita Jisoo which is Mommy ni Zach ang nagsanay sa amin kumain dito. Ewan ko ba, parang hindi kumpleto ang araw namin kapag hindi kami nakakain sa Jollibee. Ngayon lang kami kakain dito sa Jollibee na malapit sa school. Kadalasan kasi ay sa mall kami pumupunta.
Nang dumating na si Athena ay nag order na din ako. Hinihintay ko na lang ang mga pagkain namin ng dumako ang tingin ko sa pinakadulong counter. Nanliit ang mga mata ko nang makita kung sino ang cashier na nandoon.
Wala sa sariling napangisi ako.
There you are..
-----------
* Andrea's PoV
"Bye Ands!" Hinalikan ako sa pisngi ni Lucy.
"Bye Lucy." Nakangiting paalam ko bago ako tuluyang sumakay sa jeep.
Katatapos lang ng duty namin. Nalate ako nang isang oras dahil hinatak pa ako nang walang hiyang Lucas na yon sa presinto kanina. Nakakaimbyerna talaga siya. Badtrip. Buti na lang naintindihan ako ni Manager Kim.
Alas diyes na nang gabi. Antok na antok na ako. Mabuti na lang ala una pa ang first class ko bukas at restday ko naman sa trabaho. Isinuntok ko sa hangin ang mga kamay ko habang naglalakad na papasok sa kanto namin. Ang sakit ng katawan ko. Naulanan din kasi ako kanina kaya medyo masama ang pakiramdam ko.
"Oh shit!" Napahawak ako sa dibdib ko nang may matamaan ako habang isinusuntok sa hangin ang mga kamay ko.
Naningkit ang mga mata ko at inaninag kung sino ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Lucas?" Gulat na tanong ko. "Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" Nakapamaywang na tanong ko.
"Ang sakit ng ilong ko! Sumosobra ka na talaga ha!" Inambahan pa ako.
"Kasalanan ko bang bigla bigla kang sumusulpot sa kung saan?" Tanong ko at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.
"Meet me at the rooftop tomorrow lunch break. Hihintayin kita. Kapag hindi ka nagpunta isusumbong kita sa Daddy ko na abogado."
Huminto ako saglit at nilingon siya. Napailing na lang ako nang makitang pasakay na siya sa kotse niyang nakapark malapit kung saan siya biglang sumulpot.
Nagpunta siya dito para lang doon? Tss.
Tsaka magsusumbong? Ano siya? Elementary student? Isip bata. Napailing na lang ako.
Kinabukasan ay medyo tanghali na ako gumising. Ala una pa naman ang klase ko.
"Meet me at the rooftop tomorrow lunch break. Kapag hindi ka pumunta isusumbong kita sa Daddy kong abogado."
Bigla kong naalala ang sinabi kagabi nang lalaking yun. Nagkibit balikat na lang ako. Alangan agahan kong pumunta doon para lang sa kanya? Ano siya chicks? Tsaka magsumbong siya kung gusto niya. Samahan ko pa siya sa korte eh.
12:30 na nang tanghali nang umalis ako sa bahay. Malapit lang naman kasi ang school kaya keri ang 30 minutes.
"Ano bang ginagawa ni Lucas doon?"
"Not what.. But who.. Tingin ko he's waiting for someone."
"Grabe. 30 minutes na siyang nandoon sa rooftop. Hindi pa nga yata siya kumakain ng lunch."
Yan agad ang mga bulung bulungan na narinig ko pagdating ko dito sa school. So, he's still waiting for me? Ano bang gusto niya? At dahil nakukunsensiya ako ay nagpunta ako sa rooftop. Nakita ko siya doon, nakatayo at salubong ang mga kilay.