Chapter 34

445 13 1
                                        

* Andrea's PoV

"Pupunta ka ba kina Mommy mamaya?" tanong ni Zach habang inaayos ko ang kaniyang necktie.

"Yup."

"Hindi ba ako kailangan doon?" kunot noong tanong niya. "I told you pwede naman akong umabsent. Ano pa't CEO ako kung.." hinalikan ko siya ng mabilis sa labi para manahimik na siya. Kanina pa kasi niya pinipilit na aabsent daw siya para sumama sa amin.

"Sa susunod ka na lang sumama. Mamimili lang naman kami ng wedding gown ko."

Napabuntong hininga siya at tumango tango.

"Okay fine. Mag ingat ka ha." paalala niya at hinalikan din ako. "Bye."

"Bye! Ingat ka din."

"Call me later okay?"

"Oo na." nangingiting sagot ko.

Agad na akong naligo at nag ayos para pumunta sa bahay nila Tita Jisoo. Nang makarating sa kanilang bahay ay agad nila akong niyakap ni Brianna.

"Hi Ate! So excited for today. Tutulungan kitang mamili ng gown mo!" masayang sabi ni Brie na ikinatawa ko.

"Buti naman at hindi nagpipilit sumama si Zach?" natawa ako sa tanong ni Tita Jisoo.

"Kung alam niyo lang po Tita. Napakakulit niya. Gustong sumama."

"I'm glad at ikaw ang pakakasalan ng anak ko." hinawakan ni Tita ang aking mga kamay. "Mahalin niyo ang isa't isa. Kapag may problema ay pag usapan niyo agad. Mahirap sa simula pero wag niyong bibitawan ang isa't isa."

"Yun po ba ang secret niyo ni Tito Vlad?" nakangiting tanong ko na agad ikinapula ng kaniyang pisngi.

"Ikaw talagang bata ka." natawa ako na ikinatawa na din niya.

Nakakainggit ang relationship nila Tita Jisoo at Tito Vlad. Kahit more than twenty years na silang kasal ay parang nasa honeymoon stage pa din sila. Sobrang lambing pa din nila sa isa't isa. Sana maging ganoon din kami ni Zach.

Pumunta na kami nila Tita Jisoo at Brianna sa isang sikat na boutique. Namangha ako agad sa mga nakadisplay na gowns pero mas ikinamangha ko noong makita ko ang kaniyang portfolio.

"Wow." bulong ko habang iniisa isang tignan ang mga gowns.

Tinulungan nila akong pumili dahil nahirapan ako sa pagpili ng gusto kong isuot. Lahat kasi ay magaganda. Sa States pa daw manggagaling ang gown pero nangako naman silang darating yun sa loob ng isang linggo kaya hindi na din ako nag alala.

Nagpunta na muna kami sa mall para magbonding bago umuwi. Tuwang tuwa si Brie dahil maraming bagong damit sa paborito niyang boutique. Pinapili din ako ni Tita Jisoo at sinabing libre niya kaya piliin ko lang ang gusto ko.

Nang mapagod sa pag iikot sa mall ay umuwi na din kami. Nagtext din si Zach na nandoon siya sa bahay ng parents niya at doon na lang daw kami magdinner.

Nang makarating sa bahay nila Tita Jisoo ay nagulat ako ng makita kung sino ang kausap ni Zach. Siya yung babaeng kasama niya noon sa mall at yung naabutan ko sa unit niya.

"Hi baby!" agad akong hinalikan ni Zach at inakbayan.

"Hi Andrea! Nice to finally meet you." hinalikan niya ako sa pisngi at nginitian. "By the way, I'm Vina. Cousin nila Zach sa side ni Tito Vlad."

Agad akong nahiya para sa aking sarili dahil pinagselosan ko ang pinsan niya.

"Nice to meet you din." nahihiyang sabi ko.

Sa mga sumunod na araw ng pagpaplano para sa aming kasal ay palagi ko ng kasama si Zach. Nag food tasting kami, pumunta sa simbahan kung saan kami ikakasal at doon sa venue ng reception namin.

Very hands on si Zach sa pagplano kaya nanahimik na lang ako at nakangiti habang pinagmamasdan siya. I'm glad that I'm going to marry this man. Alam kong wala akong pagsisisihan sa hinaharap. Alam kong siya lang ang lalaking mamahalin ko habang nabubuhay ako. Ang huli naming pinuntahan ay iyong bakeshop para makapili ng design ng cake na gusto namin.

"Nakakagutom." yun agad ang sinabi niya ng makalabas kami sa bakeshop.

"Kakain na lang ba tayo sa restaurant o gusto mong ipagluto kita?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.

"Kain na lang tayo sa restaurant. Alam kong pagod ka din." tinanguan ko siya at nginitian.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Aakalain mong matagal kaming hindi nagkita dahil sa sobrang dami ng pinag uusapan namin.

"Ilang anak ang gusto mo?" nasamid ako dahil sa kaniyang tanong at natatawa naman niya akong inabutan ng tubig.

"Zach!" nahihiyang sabi ko.

"What?" natatawang pa ding tanong niya. "I'm just asking."

"Ewan ko sayo." inabala ko na lang ang sarili sa pagkain.

"Ako gusto ko ng tatlo." nag angat ako ng tingin ng marinig ang kaniyang sinabi. "Masaya kasi kapag may mga kapatid ka. Malungkot kasi kapag mag isa lang."

"Paano kung dalawa lang ang gusto ko?"

"Okay lang." nginitian niya ako at hinawakan ang aking kamay. "Basta ikaw ang magiging nanay ng mga anak ko. I can't wait to spend my whole life with you baby."

"Ako din." nakangiting sabi ko.

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now