Chapter 13

438 32 8
                                        

* Andrea's PoV

Natigilan ako ng makita si Lucas sa tapat ng bahay namin. Nakayuko siya at nakapamulsa. Napairap tuloy ako. Akala mo naman model siya. Tss.

Kauuwi ko lang galing sa trabaho at siya agad ang bumungad sa akin. Gusto sana akong sunduin ni Zach pero sinabi kong wag na siyang mag abala dahil marami naman akong kasabay. Isa pa nakwento niya sa akin na marami silang project ngayon kaya ayaw ko na siyang abalahin pa. Kaya ko naman kasi at sanay na ako.

Nabalik ulit ang atensiyon ko kay Lucas na hindi pa din napapansin ang pagdating ko. Ang lalim naman yata ng iniisip ng tukmol na ito. Baka naman wala talaga siyang pambayad sa akin at iyon ang pinoproblema niya? Pero hindi eh, mayaman ang pamilya ng hudas na ito.

Nag ubu-ubuhan ako para makuha ang atensiyon niya at nagtagumpay naman ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nang mag angat siya ng tingin sa akin.

Napakunot noo ako ng hindi siya sumagot at tumitig lang sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at nakita kong huminga siya ng malalim.

"Congrats." Panimula niya. Congrats pero parang hindi siya masaya. Natauhan na ba siya at nagsisi na? "Natapos mo na ang deal natin." May kinuha siyang papel sa wallet niya at iniabot sa akin. "Yan na yung bayad mo."

Tinignan ko ang papel at nakitang cheque ito na naglalaman ng halagang napag usapan namin.

"Salamat. Malaking tulong ito para kay Tatay." Sabi ko kahit parang mabigat ang kalooban ko. "Liligawan mo na si Athena?" Pag iiba ko ng usapan.

"Maybe? Hindi ko pa alam." Sagot niya at tinitigan ulit ako. "Just.. Just don't hurt Zach. Kahit plano lang ang lahat ng ito, treat him well."

Sinundan ko lang siya ng tingin ng magsimula siyang maglakad paalis. May kakaiba sa kanya ngayon pero hindi ko masabi kung ano yun. Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sa bahay.

"Hi Tay." Bati ko kay Tatay at hinalikan siya sa pisngi.

"Kumain ka na anak." Nakangiting sabi niya.

"Ikaw Tay? Kumain ka na?" Tanong ko at nagsimula ng maghain.

"Tapos na ako anak. Nakainom na din ako ng gamot."

"Nga pala Tay. Sa friday wala akong pasok sa school at day off ko sa trabaho kaya babalik tayo sa ospital. Kakausapin natin yung doktor tungkol sa mga gamot at treatment na kailangan mo."

"Wag na anak. Hayaan mo na lang."

"Tay naman. Hindi pwede yun. Kailangan mo ng gamot para magtuloy tuloy na ang paggaling mo. Isa pa, makakaganda sa kalusugan mo yung treatment."

Wala ng nagawa si Tatay at sumang ayon na lang. Hindi ko din naman hahayaan na hindi siya pumayag. Para sa kanya din naman iyon. Ayaw ko siyang mawala sa akin. He's the most important person in my life. He's my priority. Ginawa ko ang gusto ni Lucas para sa kanya. Alam kong magagalit siya kapag nalaman niya ang tungkol sa bagay na iyon at sana ay mapatawad niya ako.

Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga muna ako bago maligo. Nang matutulog na ako ay biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino ang nagtext.

From: Zach
Goodnight. Sweetdreams 😚

Napangiti ako sa text niya at nireplayan din siya.

To: Zach
Goodnight din 😚

Iniisip ko pa lang ang reaksiyon niya dahil sa kiss emoji ko ay napapangiti na agad ako. Zach and I, is in the courting stage right now. Siguro yun ang maibibigay kong paliwanag kapag may nagtanong kung ano ba kami. Ang sabi niya ay nakausap na niya si Athena at okay lang naman daw sa kanya dahil fake relationship lang naman ang mayroon sila. Athena is such a wonderful woman. Napakabait niya. No wonder kung bakit nagustuhan siya nila Lucas at Jacob.

Nagvibrate ulit ang phone ko at nakaramdam ako ng excitement. Ganito pala yung feeling kapag may manliligaw ka? Yung hindi mo pa sigurado kung siya nga ang nagtext ay naeexcite ka na. Yung simpleng mga salita lang mula sa kanya ay kikiligin ka na.

From: Zach
You really know how to make me smile like an idiot.
Iloveyou Andrea.

Natigilan ako ng mabasa ang text niya. Nararamdaman ko na naman yung guilt sa tuwing sinasabi niyang mahal niya ako. Nawala yung excitement na nararamdaman ko kanina at napalitan ng kalungkutan.

Paano kapag nalaman niya ang totoo? Paano kapag nalaman niyang ginawa ko ito para sa pera? Kamumuhian niya ako panigurado at ngayon pa lang ay nasasaktan na ako.

Hindi pa man kami nagsisimula ay nagsisinungaling na agad ako sa kanya. But i like Zach. Totoong gusto ko siya at alam ko sa sarili kong nahuhulog na ako.

Sana nga lang ay nandyan pa din siya para saluhin ako kapag tuluyan na akong mahulog sa kanya..

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now