* Andrea's PoV
"Kuya, what are you talking about?" naguguluhang tanong ni Brianna. Nagpalipat lipat pa ang tingin niya sa amin.
"Paalisin niyo na yan dito." mas mariin na sabi ni Zach.
Unti unti akong napatango. Nilingon ko si Brianna na nag aalalang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya ng tipid.
"Aalis na ako."
"Ate." malungkot na sabi niya.
Nilingon ko ulit si Zach na nasa akin pa rin ang mga mata. Mga matang walang emosyon na nakatingin sa akin ngayon. Para bang hindi niya ako kilala. Kumirot ang aking puso at pinigilan ang pagbuhos ng aking mga luha.
Kasalanan mo ito, Andrea.
"I'm s-sorry." Sa huling pagkakataon ay tinitigan ko ang lalaking mahal ko. Nginitian ko siya ng tipid. "I love you, Zach." mahinang sabi ko pero sapat lang para marinig niya.
Nakita kong natigilan siya saglit pero nag iwas din agad ng tingin. Nagpasalamat ako kay Brianna bago tuluyang umalis.
Pagkauwi ko sa bahay ay mukha akong basang sisiw. Naglakad lang ako dahil walang gustong magpasakay na jeep sa akin.
Nakakaawa ka, Andrea. Siguro pinagtatawanan na ako ng mga taong nakakakita sa akin.
"Andrea hija." napalingon ako kay Aling Marta. Katulad ko ay lumuluha din siya. "Ang Tatay mo."
Sa pangalawang pagkakataon ay naramdaman kong parang muli akong pinatay. Alam kong imposible iyon pero ganoon ang nararamdaman ko ngayon.
Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kabaong ng aking ama. Kanina pa may mga lumalapit sa akin at nagpapaabot ng pakikiramay pero hindi ako makapagsalita.
Tay naman eh! Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan kailangan kita? Bakit naman iniwan mo ako agad? Di ba sabi ko sayo bibilhan pa kita ng sasakyan mo? Bakit naman hindi ka naghintay? Naatat ka ba kasi ang tagal?
Pagdating ko sa ospital kanina ay hindi ko na naabutan pa si Tatay. Umiyak lang ako ng umiyak habang ginigising siya at sinasabing hindi magandang biro ito. Tinulungan ako ng mga kapitbahay namin na isaayos ang burol ni Tatay dito sa bahay namin.
Nakikita mo ba iyan, Andrea? Ito na ang karma mo sa ginawa mong pagkakamali. Karma na iyan sayo.
Napayuko ako at napahagulgol na naman. Bakit naman si Tatay pa ang karma sa akin? Sana ako na lang ang binawian ng buhay kung ganoon. Walang kinalaman si Tatay dito. Ako lang ang may kasalanan. Hindi dapat siya nadamay.
Ako ang mali. Ako ang may kasalanan. Ako ang masama dito. Ako dapat ang namatay.
"Andrea, may mga kaklase ka." dinig kong sabi ni Aling Marta.
Lumingon ako sa aming pintuan at nakita ang umiiyak na si Tanya. Agad akong tumayo at niyakap siya.
"T-tanya. Ang s-sakit." umiiyak na sumbong ko sa nag iisa kong kaibigan.
Niyakap lang niya ako at dinamayan sa pag iyak.
"Condolence Andrea." sabi ng iba pang classmate ko na sinagot ko lang ng isang tipid na ngiti.
----------
* Zach's PoV
Napahawak ako sa railings ng terrace namin dito sa second floor. Napatingala ako at muling naalala ang basang mukha ni Andrea habang umiiyak siya.
I love you, Zach.
God knows how much i wanted to hug her pero hindi ko nagawa. Hindi ko alam kung dahil ba sa pride o dahil nasasaktan ako.
Nang marinig ko ang mga sinabi ni Lucas kanina ay biglang nagdilim ang paligid ko. One million? Really? Ganoon lang ba ang halaga ko sa kanila? Ang nararamdaman ko? And to think na ang best friend ko pa ang may pakana ng lahat? That's bullshit.
Natigil ako sa pag iisip ng marinig na tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito sa bulsa ng aking short at tinignan kung sino ang tumatawag.
Athena calling..
"Hey."
"Are you okay? Nakita ko sa website ng university yung nangyari kanina." napabuntong hininga ako.
"I'm not fine." pag amin ko.
"You'll be okay. Nasaan ka na ba? Malapit ka na ba kina Andrea? I'm on the way too." napakunot ang aking noo sa sunod niyang sinabi.
"What? Why are you going to their house?" naguguluhan kong tanong.
"Come on, Zach! Ibaba mo muna saglit ang pride mo. She needs a friend. Kailangan niya ng karamay lalo na ngayong wala na ang Papa niya."
Literal akong natigilan sa kaniyang sinabi. Did i heard it right? Wala na ang Tatay niya? Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay napalitan ng awa para sa babaeng mahal ko.
"I'm coming."
