Chapter 22

385 21 0
                                        

* Andrea's PoV

Paggising ko kinabukasan ay napangiti ako agad. Paano ba naman kasi ay text ni Zach ang bumungad sa akin.

From: Zach baby
Good morning baby. I'll bring you breakfast. Wait for me okay? I love you.

Agad akong naghilamos at nag ayos ng bahay. Nakakahiya naman kay Zach kung maduming bahay ang aabutan niya. Saktong pagkatapos kong maglinis ay nakarinig ako ng katok sa pintuan kasabay ng pagtawag niya sa aking pangalan.

"Good morning." nakangiting bati niya.

Nginitian ko din siya. He kissed my forehead bago tuluyang pumasok. Dumiretso siya sa kusina at inayos ang dala niyang pagkain.

"Mamayang after lunch pa ang first class mo di ba?"

"Yup. Ikaw?" kumuha ako ng mga plato at kutsara at inayos ito sa lamesa.

"10 am ang class ko." napatango tango ako. Maaga pa naman. 8 am pa lang at nakaayos na din naman siya. "Susunduin na lang kita mamayang lunch break."

"Wag na. Kaya ko naman. Magkita na lang tayo sa school."

"Are you sure?"

Nakangiti akong tumango sa kaniya. Nagkwentuhan kami habang kumakain. Mabuti na lang talaga at nandito siya sa aking tabi. Siguro kung wala siya ay baka nabaliw na lang ako dahil sa sobrang kalungkutan at pangungulila sa aking mga magulang.

Mabilis lumipas ang mga araw at halos hindi ko na namalayang gagraduate na pala si Zach next week.

"Maiiwan kang mag isa dito." natawa ako sa sinabi ni Zach.

"Kasama ko naman si Tanya."

"Palagi pa din kitang susunduin." nilingon niya ako bago ipinagpatuloy ang pagluluto ng carbonara.

Nandito kami ngayon sa bahay nila. My relationship with Zach is going stronger everyday. Dahil din sa parents niya kaya ako nakakasurvive sa pag aaral ko. I promised to pay them kapag nakapagtapos na ako at nakahanap ng magandang trabaho.

Nagtatrabaho ako sa isang coffee shop na pagmamay ari ng pinsan ni Tita Jisoo na si Tita Jennie. Sobrang bait din niya sa akin pati na din sila Tita Lisa at Tita Rose. They welcome me with open arms. Ni hindi man lang sila nagdalawang isip na tulungan ako.

"Papasok ka ba agad sa company niyo pag graduate mo?" tanong ko habang kinakain na namin ang luto niya.

"I don't know yet. Sabi naman ni Dad wag ko munang pilitin ang sarili ko kung ayaw ko pa."

Napatango tango ako. Sobrang swerte talaga niya sa mga magulang niya.

"Ikaw? Isang taon na lang gagraduate ka na din. Pwede namang hintayin kita tapos sabay na tayong pumasok sa company." nakangiting sabi niya at kinindatan pa ako.

Natawa ako at napailing.

"Mauna ka ng magtrabaho. You don't have to wait for me."

"Okay fine. Sisimulan ko ng mag ipon para sa future natin." napangiti ako sa kaniya.

Zach always talk about our future. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nakikita niya ako bilang makakasama niya sa future o matatakot dahil baka ngayon lang niya ito nararamdaman. Baka in the future ay may makita siyang iba na mas karapat dapat para sa kaniya. Yung mas maganda. Mas matalino. Mas mayaman.

Insecurities is killing me again..

Siguro kung mangyayari nga iyon ay hindi ko na alam kung anong mangyayari sa akin. I really love Zach. God knows I really do, pero syempre kung sakaling ayaw na niya sa akin ay hindi ko siya itatali sa akin. Pakakawalan ko siya kahit sobrang sakit noon para sa akin.

"Baby, are you okay?"

Nabalik ako sa reyalidad ng haplusin ni Zach ang aking pisngi. Tinitigan ko siya at nginitian.

"I love you, Zach." wala sa sariling sambit ko dahilan para mapangiti siya.

"I love you too, Andrea." napangiti ako at niyakap siya.

"Hey love birds!" nahiwalay kami sa isa't isa ng marinig ang boses ni Lucas. "Mamaya na ang lambingan. Let's celebrate first!"

"Celebrate for what?" kunot noong tanong ni Zach.

Last year lang tuluyang nagkabati sila Lucas at Zach. I mean yung dating sila. Yung walang awkwardness at masaya ako dahil okay na okay na sila ulit ngayon.

Biglang pumasok si Athena at nanlaki ang aking mga mata ng akbayan siya ni Lucas.

"Magcelebrate tayo dahil finally sinagot na ako ni Athena!" ngiting ngiti na balita ni Lucas.

Tumayo ako at yumakap kay Athena.

"Congrats!" masayang sabi ko.

"Thanks Ands!" napangiti ako ng makita ang kislap sa mga mata ni Athena.

Napatingin ako kina Zach at Lucas na katatapos lang magbro hug.

"Sabi ko sayo pahirapan mo pa ito eh." biro ni Zach kay Athena na tinawanan naman namin.

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now