Chapter 32

370 16 0
                                        

* Andrea's PoV

"Thank you, Zach." nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang hawak ang yakult na iniinom ko.

"Kailan ka bumalik?" tanong niyang hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Three days ago pa lang." tumango tango siya at tumayo na.

"Alis na ako." bigla akong nalungkot pero nginitian na lang din siya.

"Sige. Salamat ulit."

Tumango lang siya at lumabas na. Naglakad ako papunta sa pintuan at isinara iyon ng makalabas siya. Nakaramdam ako ng pagkirot ng aking dibdib dahil sa kaniyang inasta. Para bang hindi na niya matagalan pa na makasama ako sa iisang lugar.

Hinugasan ko ang mga plato at iba pang gamit sa pagluluto bago ko ito inilagay sa lalagyan. Nagsaing na din ako at nagluto ng menudo. Naisipan kong dalhan ng ulam si Zach kaya naman medyo dinamihan ko ang niluto kong ulam.

Nang matapos magluto ay naglagay ako sa mangkok ng menudo at agad ding lumabas para ibigay iyon sa kaniya. Kakatok pa lang sana ako pero biglang bumukas ang pintuan at lumabas doon yung babaeng kasama niya sa mall kanina. Bigla akong natigilan. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at nginitian.

"Si Zach ba? Naliligo pa siya eh." nakagat ko ang aking labi dahil sa narinig.

Kung anu ano ang bigla kong naisip na agad ko ding itinigil.

"G-ganun ba?" bumagsak ang aking tingin sa hawak kong mangkok.

Napalunok ako at nararamdaman ko na ang pamumuo ng aking luha kaya naman agad akong umalis doon ng hindi man lang nilingon iyong babae. Nang mailapag ko ang mangkok sa lamesa ay doon tumulo ang aking luha. Alam kong kasalanan ko kung bakit wala na siya sa akin ngayon pero bakit nasasaktan pa din ako? Bakit mahal ko pa din siya? Bakit pinagpalit niya ako agad?

Tumayo ako ng maayos ng marinig na tumunog ang door bell. Pinunasan ko ang aking basang mukha bago lumapit doon at buksan ang pintuan. Nagulat ako ng makita si Zach. Mukhang katatapos lang niyang maligo dahil nakasweat pants lang siya at walang damit pang itaas. Nakasabit lang sa kaniyang balikat ang puting tuwalya.

"Pumunta ka daw sa unit ko. Bakit?" tanong niya habang nakatitig sa aking mga mata.

Napayuko ako dahil alam kong namumula ang aking mga mata.

"D-dadalhan sana kita ng ulam." nakayuko pa ding sagot ko.

Narinig ko ang kaniyang malalim na pagbuntong hininga. Napaatras ako ng bigla siyang pumasok sa loob.

"Dito na ako kakain. Hindi ako nagsaing eh." nakagat ko ang aking labi dahil sa narinig hanggang sa mapangiti ako.

Agad kong isinarado ang pintuan at sinundan siya sa kusina. Agad akong kumuha ng mga plato, kutsara at tinidor. Nang matapos ang paglalagay ng kanin at ulam sa mga lagayan ay umupo din ako sa kaniyang harapan.

"Kain na tayo." nakangiting sabi ko.

Tahimik lang kaming nagsimula sa pagkain. Nag angat ako ng tingin sa kaniya ng may maalala.

"Hmm. Yung kasama mo pala kanina? Kumain na ba siya? Pwede mo siyang dalhan ng pagkain mamaya."

"Umuwi na siya." maikling sagot niya. Dahan dahan akong tumango at tumahimik na lang ulit. "Bakit bumalik ka na?" tinignan ko ulit siya pero nanatili lang ang kaniyang tingin sa kaniyang plato.

"Kasal kasi ni Tanya sa Sabado. Tsaka, gusto ko na ding dito magtrabaho."

"May trabaho ka na ba?"

"May interview ako sa Monday. Hopefully, sana matanggap ako." masayang sagot ko.

"Galing ka sa ibang bansa kaya matatanggap ka." natigilan ako ng bigla siyang tumingin sa aking mga mata. "Are you happy? Masaya ka na ba sa mga narating mo?"

Hindi ako nakasagot agad sa kaniyang tanong at nanatili sa kaniya ang mga mata. Bumuntong hininga ako bago magsalita.

"Nagkaayos na kami ni Mama." ngumiti ako sa kaniya. "Noong graduation day ko ay pumunta siya at nagkapatawaran na kami. Mabait naman sila Tito Erick at Mikael. Tinuring nila akong pamilya. Tito Erick helped me to get the job in Australia. Kaibigan niya kasi yung may ari kaya hindi ko na din tinanggihan. Naging okay naman ako sa loob ng two years kong pananatili doon. I guess, I'm happy. Masaya ako sa narating ko ngayon."

Nag iwas siya ng tingin at tumango. Uminom siya ng tubig at tumayo kaya napatayo din ako.

"Salamat sa dinner. Aalis na ako." sabi niya at agad ng naglakad papunta sa pintuan.

"Hindi mo pa naubos yung pagkain mo." agad akong naglakad para sundan siya. "Zach!"

"What?" bigla siyang humarap sa akin kaya natigil din ako sa paglalakad. "May nakalimutan ka bang sabihin? Nakalimutan mo bang sabihin kung gaano ka naging masaya noong hiniwalayan mo ako?"

Agad tumulo ang aking luha nang marinig iyon. Nakagat ko ang aking labi at hindi inalis ang tingin sa kaniya.

"Masaya ako sa narating ko pero hindi pa ako kumpleto, Zach. I will never be complete without you."

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now