Chapter 14

434 31 2
                                        

* Andrea's PoV

Paggising ko kinabukasan ay si Zach ang bumungad sa akin. Magluluto na sana ako ng agahan namin ni Tatay pero heto siya at nagluluto habang nagtatawanan sila ni Tatay.

"Good morning Ands." Nakangiting bati niya habang nagpiprito ng hotdog.

"Anak, gising ka na pala. Maupo ka na dito at patapos na din si Zach." Nakangiting sabi ni Tatay.

"Good morning Tay." Bati ko kay Tatay bago binalingan ng tingin si Zach. "Good morning din. Ang aga mo naman."

"Wala kasi akong ginagawa sa bahay kaya naisipan kong pumunta dito. Naabutan ko si Tatay na nagluluto kaya sabi ko ako na lang ang magtutuloy."

"Hindi mo naman sinabi anak na nililigawan ka na nitong si Zach. Aba eh, bagay kayo at ngayon pa lang ay binabasbasan ko na kayo." Natatawang sabi ni Tatay kaya nakaramdam ako ng hiya.

"Tay!" Nahihiyang tawag ko sa kanya.

"Salamat po Tay." Ngiting ngiting sabi naman ni Zach.

Tumawa sila pareho kaya napailing na lang ako. So he's calling my father Tatay too huh? Napangiti na lang din ako ng makitang magkasundo sila. Parang pangarap ko lang ito noon. Yung sana maging mabait din kay Tatay ang magiging boyfriend ko. Yung magkakasundo sila. Yung makita kong masaya si Tatay para sa akin.

Pagkatapos niyang magluto ay sabay sabay na kaming nag agahan. Naligo ako at nag ayos lang ako saglit at sabay na din kaming pumasok.

"Four o'clock ang dismissal mo di ba?" Tanong niya habang nagmamaneho.

"Stalker ba kita?" Biro ko at natawa kami pareho. "Oo. Four ang dismissal ko. Bakit?"

"Nothing. Mukhang hindi kita maihahatid pauwi mamaya. Five kasi ang dismissal namin at may practice kami ng basketball mamaya."

"Okay lang. Isa pa may pasok din ako sa trabaho mamaya." Nakangiting sabi ko.

"Really? Then sa work na lang kita susunduin mamaya." Masayang sabi niya. "Anong oras ang out mo?"

"Wag na. Baka kasi alas dose na ako makalabas mamaya. Maglilinis pa kasi kami." Sagot ko at bigla siyang nalungkot.

"Ganoon ba? Well, i guess next time na lang."

Nakaramdam din ako ng lungkot ng makitang malungkot siya. Napakagat ako sa aking labi at nag isip. Naalala ko na babalik pala kami ni Tatay sa ospital kaya tinanong ko siya.

"May pasok ka ba bukas?" Tanong ko. Sinulyapan niya ako saglit bago muling ibinalik sa daan ang kanyang tingin.

"May morning class ako. Eleven ng umaga ang dismissal ko." Sagot niya.

"Kung gusto mo samahan mo na lang kami ni Tatay bukas sa ospital." Nakangiting alok ko.

"That's great!" Nakangiting sabi niya. "Susunduin ko kayo bukas after lunch."

"Sa bahay ka na lang maglunch bukas. Magluluto ako."

"Sure."

Nang makarating ako sa classroom ay tili agad ni Tanya ang sumalubong sa akin.

"Naks naman girl!" Kinikilig na sabi niya kaya natawa ako. "Grabe! Sobrang bagay kayo ni Zach! As in talaga. Nung nakita kitang bumaba sa kotse niya ay iba!"

"Tumigil ka na nga." Natatawang saway ko sa kanya.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa dumating na ang professor namin. As usual ay maraming seatworks at may bago pa kaming project. Nang maglunch break ay si Tanya lang ay kasabay ko. Nagtext si Zach na nag extend ang prof nila kaya hindi niya ako masasabayan. Hindi ko din nakita sila Lucas at Athena.

After class ay lumabas agad ako dahil malalate na ako sa trabaho. Nag extend kasi ang prof namin ng thirty minutes dahil hindi siya makakapasok next week ay ibinigay na ang mga assignment namin. Hindi pa ako nakakalayo sa gate ng campus ay may humarang sa aking apat na babae. Iiwasan ko na sana sila pero hinarangan pa din nila ako.

"Pwede bang umalis na kayo dyan? Nagmamadali kasi ako." Maayos na pakiusap ko.

Hinila nila ako papunta sa isang iskinita.

"Saan niyo ako dadalhin? Sino ba kayo?" Tinulak nila ako kaya napaupo ako sa sahig.

"You flirt!" Nagulat ako ng sabunutan ako nung isang babae. Hahawakan ko sana ang kanyang kamay kaso hinawakan naman nung dalawa pang babae ang mga kamay ko. "Napakalandi mo! Una si Lucas then Jacob tapos ngayon si Zach naman?" Galit na sabi niya.

"Ano bang problema niyo?" Nagpupumiglas na tanong ko. "Bitiwan niyo nga ako!" Tumingin ako sa paligid at hindi ko alam kung anong kamalasan mayroon ako ngayon at walang ibang tao bukod sa amin.

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now