* Andrea's PoV
Nang tumunog ang bell na hudyat ng lunch break ay nakatanggap ako ng text galing kay Zach na pupuntahan daw niya ako dito sa classroom kaya maghintay na lang ako dito.
"Hindi ka pa lalabas, Ands?" tanong ni Tanya habang inaayos ang manggas ng kaniyang blouse.
"Hintayin ko daw si Zach eh." sagot ko at tinitigan lang siya na busy sa pag aayos ng uniform. "May date ka?" agad nanlaki ang kaniyang mga mata.
"W-wala ah!" napangisi ako dahil nautal siya at namumula pa ang mukha. "Inaayos ko lang." nakangusong dugtong niya.
"Mukhang may kadate ka eh." pagpapatuloy ko sa pang aasar sa kaniya.
"Fine!" ngumuso siya para maitago ang ngiti. "Inaya kasi ako ni Leo. Yung kateammate ni Jacob. Ililibre daw niya ako ng lunch." sa kabila ng pagpipigil ay tuluyan ng tumakas ang kaniyang ngiti.
Napangiti ako dahil sa kaniyang sinabi. I know Leo. Crush siya ni Tanya simula noong nagkasabay daw sila sa pila sa isang fast food chain.
"Susuportahan ko ang date niyo." nakangising sabi ko.
"Thanks Ands." ngiting ngiti na sabi niya.
"Pero syempre kilalanin mo muna siyang mabuti. Kapag sinaktan ka niya ako ang sasapak sa kaniya."
"Aww.. Thank you Ands." niyakap pa niya ako bago tuluyang lumabas ng classroom dahil dumating na si Leo.
Sumaludo pa ito sa akin na sinagot ko lang ng tango at ngiti. Sana lang ay seryoso siya sa kaibigan ko. Tanya is a great girl. Kahit kailan lang kami nagkasama ay alam kong mabuti siyang tao.
Imbes na si Zach ang aking makita sa pintuan ng aming classroom ay si Lucas ang nakita ko.
"Lucas.." tumayo ako at lumapit sa kaniya.
"Kamusta?" tanong niya at pinagmasdan ako.
"Ayos lang. Hmm. Bakit nandito ka?"
"Just checking you out." huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "I'm sorry Andrea. I know ako ang may kasalanan nito. Ginusto ko ito at ginamit lang kita. I'm really sorry."
"Okay na yun, Lucas. Isa pa, okay na din kami ni Zach." sagot ko. Nginitian niya ako pero hindi naman iyon umabot sa kaniyang mga mata. "Patawarin mo na din ang sarili mo Lucas. I'm okay. We're okay." paniniguro ko sa kaniya. "Mas mabuti na din siguro na nalaman na din ni Zach. Ayaw ko na din kasing magsinungaling pa sa kaniya."
Saglit niya akong tinitigan bago unti unting tumango at nagpaalam. Nakatingin lang ako sa kaniya habang naglalakad siya palayo. He's not the same Lucas i used to know. Nag iba na siya.
Hindi din nagtagal ay si Zach naman ang dumating. He kissed me on my forehead bago kami magkahawak kamay na pumunta sa cafeteria.
"Nag usap na ba kayo ni Lucas?" tanong ko habang kumakain kami.
"Yes. I can't stay mad at him. He's my bestfriend. Isa pa magkaibigan ang mga parents namin." napatango tango ako sa kaniyang naging sagot. "Why did you asked?"
"Wala naman." nakatitig lang siya sa akin kaya naman nginitian ko siya para ipaalam na wala lang talaga.
Nang mag uwian ay inihatid niya ulit ako. Restday ko sa trabaho ngayon kaya naman nag stay muna siya dito sa bahay.
"Are you sure you don't want to accept Mom's offer? Pwede ka naman sa bahay." huminga ako ng malalim bago naupo sa tabi niya.
"Ayaw kong iwan itong bahay. Isa pa, sobrang nakakahiya talaga."
"Okay fine, pero kapag nagbago ang isip mo sabihan mo agad ako." nginitian ko siya at tumango.
Sabay naming ginawa ang mga assignments namin at nanood ng movie sa kaniyang laptop habang kumakain ng pizza na pinaorder niya.
"Baby?"
"Hmm?" sagot ko ng hindi inaalis ang tingin sa laptop.
"What are we now?" nang marinig iyon ay napatingin ako sa kaniya.
"Huh?"
"I mean.. Ano na ba tayo? Sinasagot mo na ba ako? I want us to be official." walang paligoy ligoy na sabi niya.
Saglit akong natigilan. Bigla kong naalala na dapat ay sasagutin ko na siya noong araw na nalaman niya ang totoo.
"Actually, dapat sasagutin na kita noong araw na nalaman mo yung tungkol doon sa ginawa namin ni Lucas." pag amin ko na ikinabigla niya.
"Really?" tumango ako bilang sagot. "Then, can you say it now?" natawa ako dahil sa kaniyang tanong.
Hinarap ko siya at hinawakan ang magkabilang pisngi. Napangiti ako habang nakatingin sa kaniyang mata.
"Yes, Zach. Sinasagot na kita. Tayo na. I am now your girlfriend."
Napapikit siya at huminga ng malalim. Nang magmulat siya muli ng mata ay nginitian niya ako at niyakap ng mahigpit.
"God! I love you so much, Andrea."
