Chapter 9

443 30 4
                                        

* Andrea's PoV

Dalawang araw na ang lumipas mula ng makalabas si Tatay sa ospital. Walang palya sa pagbisita sila Zach, Lucas at Athena kaya naman naging kaibigan ko na talaga sila. Mas naging close ko na sila at tuwang tuwa si Lucas dahil napapalapit na daw kami ni Zach sa isa't isa. Minsan sinasamahan din nila ako at nag oovernight sa ospital pero madalas ay si Zach ang kasama ko dahil siya palagi ang pwede. I mean, wala daw siyang magawa sa bahay nila kaya tumatambay siya sa ospital.

"Any update?" Tanong ni Lucas.

Nandito kami sa rooftop para mag usap. Tinext niya ako kanina na magkita kami dito para mapag usapan ang tungkol sa plano.

"Sasabihin ko kay Zach na gusto ko siya. I'm planning to confess later."

Nagkatinginan kami pagkatapos kong sabihin iyon. I need to end this game. I need to win. Kailangan ko na ang perang makukuha ko para tuluyan ng maipagamot si Tatay.

"Don't you think it's too early for that?" Kunot noong tanong niya.

"I need to do this Lucas. Kung sakali mang sabihin niyang hindi niya ako gusto edi gagawa ako ng paraan para magustuhan niya ako." Ilang araw kong pinag isipan ito ng mabuti. And I'm sure of it.

Or no?

Hindi ko na mabilang kung ilang ikot na ang ginawa ko. Tinext ko si Zach kanina habang nasa klase na magkita kami dito sa rooftop. Napatingin ako sa relo ko. 2:45 na. Fifteen minutes na lang at dismissal na nila.

Akala ko kanina handang handa na ako pero hindi pa pala. Parang biglang umurong ang dila ko at hindi na alam kung itutuloy pa ito. Sobra sobra ang kabang nararamdaman ko ngayon at feeling ko tatalon na lang ako pababa para matapos na ang lahat ng ito.

What will i do if he reject me? May mukha pa ba akong maihaharap sa kanya pagkatapos kong sabihin na gusto ko siya pero kaibigan lang ang tingin niya sa akin? Paano kung sabihin niyang si Athena ang gusto niya? Lalaban pa ba ako kung alam kong talo na ako?

Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng marinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan dito sa rooftop. Nakatalikod ako mula sa pinto pero siya lang naman ang inaasahan kong pupunta dito. Huminga ako ng malalim at pikit matang humarap sa kanya.

"Gusto kita. I like you so much." Nanatili akong nakapikit at nakayuko.

Hinihintay ko ang sasabihin niya pero napadilat ako ng maramdamang may humalik sa aking pisngi. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa lalaking humalik sa akin.

He's not Zach!

Parang gusto ko na lang tumalon pababa mula dito sa rooftop. Oh my god! Bakit sa lahat ng tao ay siya pa ang makakarinig?

Bakit si Jacob pa na team captain ng soccer team na ex ni Athena?

I'm dead!

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ng medyo nahimasmasan ako sa gulat.

"Magpapahangin lang sana ako and then i heard your confession." Nakangiting sagot niya.

"It's not for you okay. Akala ko lang kasi si ano yung dumating." Nahihiyang sambit ko.

"I know." Natatawang sagot niya. "But you're so cute that's why i kissed you."

Pakiramdam ko ay pulang pula na ako ngayon dahil sa kahihiyan. Bakit nga ba hindi man lang ako dumilat para makita kung si Zach na talaga ang dumating? So stupid Andrea! Ugh!

"Sige. Alis na ako. Bye."

Maglalakad na sana ako paalis ng pigilan ako ni Jacob kaya napatingin ako ulit sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at nawala na ang ngiti sa kanyang mukha kanina. Nailang ako sa tingin niya kaya bumaba ang aking tingin sa kamay kong hawak niya.

------------

* Zach's PoV

Nagmamadali na akong maglakad papuntang rooftop. Nang magtext kanina si Andrea na magkita kami sa rooftop ay kinabahan ako. Hindi ko alam pero iba ang naramdaman ko kanina.

Pagbukas ko ng pintuan sa rooftop ay natigilan ako sa aking nakita.

Hawak hawak ni Jacob ang kamay ni Andrea.

Bakit nandito ang lalaking yan? Bakit magkasama sila? At bakit hawak niya ang kamay ni Andrea? Why did she texted me to meet her here? Para ba makita ito?

Ang dami kong tanong sa aking sarili na hindi ko alam kung masasagot ba lahat.

But one thing is for sure.. I don't like what I'm feeling right now..

The Boy Next Door (COMPLETED)Where stories live. Discover now