(A/N: Dedicated to: user02170212 )
------------------------------------------------------
GABRIELLA'S POV
"Ate Gab! Kuya Jaden punta na po tayo sa dagat!" yaya ni Nikaela kaya agad naman kaming pumunta roon.
Patuloy lang sa pagkuha si Nikaela habang kami ay tinatanaw lang siya, andito kami ngayon sa may cottage at hinahayaan siyang enjoyin ang paligid. Gaya din kasi ng sabi niya na unang beses niyang makarating sa ganitong lugar, ang makakita ng dagat...
"Guys! Kain na!" kumpleto na sila, kaya tinawag na ni Jaden si Nikaela upang makakain na din. Si Nilaela na ang nag-lead ng prayer bago kami sabay-sabay kumain, masaya lang silang nagkekwentuhan at masasabi kong hindi maiiwasan ang bangayan ni Bea at Liam.
" Ehem! Alam niyo pinalitan niyo sila Gabriella sa pagbabangayan! Siguro kayo naman ang sunod na papanain ni kupido!" biro ni Drystan, napasimangot naman ang dalawa. Sa totoo ay may feelings naman talaga si Beatrix kay Liam eh, natatakot at nalulungkot lang siyang maikasal ngayon dahil siya lang ang nagmamahal. Ngunit wala silang magagawa lalo na't nalalapit na ang kasal ng dalawa.
"Tss! Hindi ah! May mahal akong iba no! Saka malapit niya na din akong sagutin" sagot ni Liam, bigla naman kaming natahimik ng padabog na binaba ni Bea ang kutsara. Pinapakiramdaman lang namin siya
"Ehem! So kamusta naman ang mommy mo Grazie? I heard na naconfine daw ito sa hospital?" tanong ni mommy kay Graziella, naconfine nga si Tita ngunit okay narin siya ngayon. Matinding pagod lang daw kaya nag-colapse ito
" Okay na po si Mommy, Tita" ngumiti lang ito at nagpatuloy nalang sa pagkain
"Uhm? Excuse me lang po... Nakaramdam po kasi ako ng hilo eh" napatingin naman kaming lahat kay Bea, anytime ay mukhang iiyak na ito.
"Sige Hija, pahinga ka nalang muna sa room niyo" tumango lang ito at umalis na. Nagkatinginan naman kami ni Graziella, nagtanguan lang kami
"Uhm excuse lang din po, susundan lang po namin?" tumango nalang sila at hindi na nagtanong pa, binilin ko nalang kay Jaden si Nikaela.
Agad kaming dumaretso sa room nila Grazie ngunit wala ito, kinakabahan na din ako sa pwedeng gawin ng babaeng yun! "Asaan na kaya siya?!" tanong ko, tinawagan na din namin ito ngunit nandito lang ang cellphone niya. Agad naman kaming lumabas upang hanapin siya, baka kasi mamaya ay may kung anong gawin yun sa sarili e'!
"MYGADDD! YUNG BABAE NALULUNOD!" sigaw nang babae, napatingin naman kami sa dagat at nakita si Beatrix na winawagayway ang kamay niya. Aish! Sinasabi na nga ba eh!
"MY GOD! BEATRIX!" sabay naming sigaw ni Grazie, at patakbong sumugod sa dagat. —Sana ay maabutan namin ito!
Sinisid namin ang dagat ngunit wala ng kamay na winawagayway, sinisid namin ang dagat ngunit wala din kaming nakitang katawan niya
"Gab paano na?! Baka nadala na siya ng alon?!"tanong ni Graziella na kakaahon lang sa tubig, napansin ko ding napalayo na kami. Samantalang ang mga tao ay inaabangan ang pagsagip namin sa kaibigan namin, kainis!
"H-hindi! " inawat naman ako ni Graziella sa paglabas sa lubid na nakaharang. Hindi pwede! Kailangan naming mahanap si Beatrix!
"Gab! Delikado kung lalabas ka diyan! " nagulat naman kami sa lalakeng biglang umahon, kita namin na buhat buhat nito si Beatrix na ngayon ay wala ng malay.
"Beatrix!" lumapit kami rito, at mangiyak-ngiyak dahil nga sa wala parin itong malay.
"Don't worry hindi pa siya patay" sabi nung lalake sinundan naman namin ito sa pag-ahon, nakita din namin sila Jaden na ngayon ay nag-aalala na. Binaba naman ng lalake si Beatrix, at inumpisahan ng bigyan ito ng hangin ngunit pinigilan siya ni Liam.
BINABASA MO ANG
IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGIT
Teen FictionSa dalawang taon nilang kaosal ay walang pinagbago kung paano nila ituring ang isa't-isa, tila bang aso't pusa ang dalawa dahil kasal man sila ay nananaig pa din ang gera sa pagitan nila. Magkakaroon kaya ng pagkakataon na mahuylog sila sa isa't-isa...