CHAPTER 64

2K 40 18
                                    

GABRIELLA'S POV

"Hi" hindi ko maiwasan ang magulat at matakot ng marinig ang boses na iyon agad ko itong nilingon at hindi nga ako nagkamali at siya nga

"I-Irish? A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko kakalabas ko lang din kasi ng kwarto ni kuya Lacson at siguro ay naguusap na sila at inaayos na ang pagkakamali nila noon.

" Dadalawin ko sana si Lacson, ang kaso nakita ko kayo ni Jaden at mukhang nag-uusap na ata sila? Ah by the way can we talk?" para saan pa? Bakit kailangan naming mag-usap baka mamaya eh may gawin siyang masama saakin eh edi nag-alala naman ang asawa ko!

"B-bakit? Para saan? Ah sorry may bibilhin pa----"

"Don't worry I won't hurt you, I-I just want to say sorry for all the things I did to you, Please" wala na akong nagawa kung hindi ang tumango mukha naman siyang seryoso sa sinasabi niya at siguro ay kailangan na din namin magkaayos ni Irish ng tuluyan ng humupa ang gulo sa pagitan namin.

Sabay kaming umalis ng Ospital at dumaretso kami sa may coffee shop katabi lang naman ng Ospital, agad naman kaming umorder ng iinumin namin saka pagkain. Sa totoo lang ay naiilang ako sa kanya, hindi ako sanay na makasama siya like we used to before. Tinuring ko na siyang tunay na kaibigan kaya hindi ko maiwasan ang masaktan sa ginawa niya.

"Im sorry Gab, Im sorry for everything... Alam kong mahirap kalimutan ang ginawa ko sayo, sainyo ngunit sana ay mapatawad mo ako. About sa pagtira ko sainyo noon? Plano ko yun dahil gusto ko kayong sirain ni Jaden ngunit hindi ko nagawa dahil mahal ka niya at umiiwas din siya saakin. I remember before kaya bigla nalang akong nagpaalam na aalis na ako dahil nagkaayos na kami ni Mom pero ang totoo ay hindi pa. Umalis ako dahil pinaaalis na ako ni Jaden  dahil sa ginawa kong panlalandi sa kanya nakakatawa nga dahil hindi man lang nagpadala haha kasi mahal niya, sobrang mahal ka niya Gab at hindi siya nagpadala sa pang-aakit ko dahil mahal ka niya. Ang swerte mo Gab dahil minahal ka niya, sabagay kasalanan ko din naman kasi pinakawalan ko siya... Hindi ko siya pinaglaban dahil natakot ako sa pwedeng gawin sa kanya ng pamilya ko. Pero nung hindi na talaga ako makatiis bumalik ako sa kanya kaso huli na ang lahat. So balik tayo sa pinalayas ako ni Jaden, bumalik ako sa asawa ko non" bigla nalang siyang naluha samantalang ako ay nataranta at agad na binigay ang panyo ko  na tinanggap niya naman, agad naman niyang tinuloy ang kwento

" Pagkabalik ko sa kanya kita ko ang pag-aalala sa mukha niya at ang takot, bigla nalang siyang tumakbo saakin at niyakap ako at humingi ng tawad saakin ngunit hindi niya kaya na mawala ako sa kanya. Dahil doon ay nakaisip ako ng ideya kung paano siya gagantihan at makuha si Jaden at makaganti sayo. Sa pagpapanggap kong napatawad ko na si Lacson at sa pagpapanggap kong okay kami... Nahulog ako sa kanya at nagising nalang ako na mahal ko siya. Mabait siya, sobrang maalaga niya at napaka-protective niya. Masasabi mo na ngang perfect husband siya dahil sa pagtrato niya saakin na parang isang reyna niya, pero dahil nagmatigas ako at inisip kong mali ang mahulog sa kanya dahil pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Jaden... Sinabi ko sa kanyang pinaglaruan ko lang siya at hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya saakin. Iniwan ko siya pero nagmakaawa siyang siya nalang ang piliin ko" hays niloko niya ang pinsan ko pero hindi ko siya masisisi dahil natali siya dito dahil sa kagagawan ng pinsan ko

" Alam mo Irish kung mahal mo na ang isang tao dapat pinaglaban mo siya" inis kong sabi na nagpayuko sa kanya.

"I know Gab and that is my mistake... At nagmatigas pa ako sa nararamdaman ko para sa kanya at pumunta ako kay Jaden at blinackmail ko siya na papatayin kita kung ikaw ang pipiliin niya sinabi ko din ako ang lahat ng may gawa ng mga nangyayaring kapahamakan sayo yung time na kayong tatlo nila Bea at dahil sa regla mo noon ay nagpanggap kang buntis na makukunan pero yung mga tauhan kong yon naawa naman sainyo agad Im sorry" so siya ang may gawa non? Hmm sige onting timpi pa!

IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon