GABRIELLA'S POV
"Paalam" naisantinig ko habang nakatingin sa dagat, huling araw namin. Agad naman akong naglakad patungo kina Jaden, nakakamiss yung mga araw na nandito kami. Sana ay muli kaming bumalik dito.
"Mob ko? Okay ka lang ba?" tanong ng asawa ko saakin pagkasakay ko sa sasakyan, katabi ko siya ngayon at nasa gilid niya naman si Nika na naidlip na. Siguro ay pagod din sa huling langoy sa dagat kanina.
"Oo naman Mob ko, mamimiss ko lang itong resort niyo hahaha" nahilig naman ito sa balikat ko
"Hayaan mo Mob ko, pupunta ulit tayo dito" pansin ko naman ang pagngiti niya kaya napangiti na rin ako. Tama siya may panahon pa naman para dumalaw rito eh.
******
Tatlong linggo ang makalipas pagkatapos ng aming bakasyon mula sa isla at heto kami ngayon at aligagang-aligaga sa dami ng report na tinatapos namin. Magka-iba narin kami ng schedule ng asawa ko ngunit may mga subject parin naman kaming magkaklase kami.
"Mob ko tapos mo na iyo?" tanong ni Jaden saakin, liningob ko naman ito ng may pag-aalinlangang ngiti, ang hirap kasi ng Accounting na ito! Kailangan may mga base na dapat mag-taly tapos yung percentage pa na dapat angkop sa report. Aish!
"Tulungan na nga kita diyan" napa-yes naman ako dahil sa sinabi ng aking asawa, si Jaden narin kasi ang naging tutor ko sa mga ganitong report sa Accounting, basta kahit anong sub na may math kaya nagpapasalamat ako at binigyan ako ng Diyos na asawang magaling sa math.
"Gets mo?" tanong niya saakin, tumango naman ako at siya naman ay nagpatuloy sa pagtuturo habang ang atensyon niya ay nasa laptop ko.
"Tsup!" di ko na maiwasang halikan siya sa pisnge, ewan ko ba at nakakahiligan kong halikan siya sa pisnge kada malapit siya saakin, minsan nga ay may bakat na ng kiss mark ang mukha niya gawa ng lipstick ko eh.
"Ayan ka na naman Mob ko eh, ninanakawan mo na naman ako ng halik sa pisnge, dapat sa labi" nahampas ko naman siya dahil sa sinabi niya. Baliw talaga
"Ewan ko sayo! Magpatuloy ka na nga sa pagtuturo saakin" pansin ko naman ang nakakaloko niyang ngiti, tss mukhang may kalokohan ang loko ah?
Natapos naman siya sa pagturo saakin ganon din sa report ko halos magtatatlong oras kaming nakababad sa laptop para lang matapos ang report, paano ba naman nung tinanong niya ako ay puro mali yung taly at percentage na meron ang report ko!
"Sa totoo kailan mo inumpisahan yang report mo?" tanong saakin na ikinasimangot ko naman, grabe siya kasi kanina pa niya tinatanong yan eh
"Sige tanong mo pa ng ma----" natigil ako sa pagsasalita ng bigla ko nalang maramdaman ang labi niya sa labi ko.
1...
2...
3...
"WOY MAGNANAKAW KA!" sigaw ko sa kanya pagahiwalay niya saakin, halos parang baliw na siya sa kakatawa. Wala talagang originality ang lalakeng to!
"Ako lang ba? Sino ba ang mahilig magnakaw ng halik sa pisnge?" tanong niya na ikina-irap ko naman.
"Parang pisnge lang naman eh, bakit ikaw labi?" mahina kong sabi ngunit sapat na para marinig niya, natawa na naman ito na akala mo ay nasapian na tss
BINABASA MO ANG
IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGIT
Teen FictionSa dalawang taon nilang kaosal ay walang pinagbago kung paano nila ituring ang isa't-isa, tila bang aso't pusa ang dalawa dahil kasal man sila ay nananaig pa din ang gera sa pagitan nila. Magkakaroon kaya ng pagkakataon na mahuylog sila sa isa't-isa...