(A/N: Dedicated to: monica03831408)-----------------------------------------------------
GABRIELLA'S POV
Magdadalawang linggo na ang lumipas at mas lalo ko pang nakilala si Cherish at si Irish, at masasabi kong mabait sila pero ang dalawa ko namang kaibigan na sina Zie at Bea ay walang tiwala sa dalawa na parang may something daw?
Flashback:
"Guys si Cherish pala" pakilala ko kay Cherish na nginitian naman nila. Nagkwentuhan lang kaming apat hanggang sa umalis si Cherish dahil sa sunod nitong klase.
"Gab wala akong tiwala sa babaeng yun" deretsahang sagot ni Beatrix
"Huh? Bakit naman? Pero may point ka, parang may something sa kanya?" tiningnan ko lang silang dalawa ng masama, tama bang i-judge ang tao e' kakakilala palang naman nila dito?
"Kayong dalawa and judgemental niyo!" inirapan lang ako ni Beatrix bago ito nagpaliwanag
"Syempre mababasa mo naman yun sa galaw at kilos niya saka pananalita, napapansin din namin ang pagtingin niya sa asawa mo nung hindi pa namin siya nakikilala"
"Anong ibig niyong sabihin?" tanong ko sa kanya
"Kasi nung tuwing magkasama kayo ni Jaden nakikita namin siya sa malayo habang sinisilayan kayo. Tapos tuwing magisa lang si Jaden I mean tuwing kasama niya sina Drystan at ang Shokoy na yun!" ano naman kaya ang dahilan? Baka gusto niya lang kausapin pero nahihiya?
"Kakausapin ko nalang siya----"
"No! 'Di mo gagawin yun Gab! Ang dapat mong gawin ay bantayan ang babaeng yun at distansiyahan mo si Jaden sa babaeng yun kahit kay Irish dahil once narin naging sila at mukhang may gusto pa si Irish kay Jaden" napaisip naman ako sa pinayo ni Zie, tama bang pagdudahan ko ang dalawa? At makinig sa sinabi ng mga kaibigan ko?
"Bahala na, may tiwala ako kay Jaden guys"
End of Flashback...
Hindi naman siguro tama na pagisipan ko ang dalawa ng masama diba? Saka may tiwala naman ako sa asawa ko at alam kong mahal ako nito
"Mob ko bisitahin natin si Lalaine bukas" sabi ni Jaden saakin habang niyayakap ako mula sa likod
"Sige" humarap naman ako sa kanya at ningitian ito, matagal tagal na din nung huli namin siyang dinalaw, yun din ang unang araw na nakilala ko siya. Dapat nung November 2 pa namin siya dadalawin kaso naging busy kaming dalawa ni Jaden sa pagtapos sa thesis namin eh.
(A/N : Chapter 29 kung nakakalimutan niyo na kung sino si Lalaine sa buhay nila)
"Madami dami din akong ikekwento sa kanya" sabi ko at niyakap narin siya.
"Ehem!" napatingin naman kami kay Irish
"Irish ikaw pala" kumalas na ako sa pagkakayakap kay Jaden at nilingon si Irish ng maayos
"Uhm Gab pwede ko bang mahiram ang laptop mo? May problema kasi yung akin e' tapos hindi ko pa tapos ang thesis ko" tumango ako at kinuha sa study table ang laptop ko at binigay dito, tutal tapos narin naman ako at nakasave na ito sa USB
"Salamat" umalis na ito kaya agad ko namang nilapitan si Jaden na ngayon ay seryosong nakaupo
"Uy!" tawag pansin ko dito, mukha kasing ang lalim ng iniisip nito eh
"Okay ka lang ba?" tanong ko dito. Nginitian niya naman ako at pinaupo sa lap niya
"Basta't andyan ka okay na 'ko Mob ko" napangiti naman ako dahil sa sinabi niya, walabg araw na wala siyang maibabanat
BINABASA MO ANG
IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGIT
Novela JuvenilSa dalawang taon nilang kaosal ay walang pinagbago kung paano nila ituring ang isa't-isa, tila bang aso't pusa ang dalawa dahil kasal man sila ay nananaig pa din ang gera sa pagitan nila. Magkakaroon kaya ng pagkakataon na mahuylog sila sa isa't-isa...